CHAPTER 15

4.4K 165 9
                                    

CHAPTER 15

CLOUD

Napakunot ang noo ko at napangwi ako ng maramdaman ko ang kumakalam kong sikmura.

Shit! It's already 11:42 PM, nag-hapunan naman ako kanina.

"Seth!" Niyugyog ko si Seth na mahimbing na natutulog.

Inugauga ko pa ang balikat niya.

"What?" Mapungay na tanong niya habang nakapikit pa rin.

"I'm hungry." Parang batang sabi ko.

He just groaned. Akmang pipikit ulit siya nang kagatin ko ang braso niya.

"Aray! Ba't ka ba nangangagat?" Tanong niya.

Mas gising na ang diwa niya ngayon, hinaplos haplos niya ang brasong kinagat ko.

"Sabi ko nagugutom ako!" Naiinis na sabi ko.

"Edi kumain ka sa baba. Inaantok na ako ehh..." Sagot niya lang bago umayos ng pagkakahiga.

"Gusto ko ng Leche flan." Nagtutubig na ang bagang ko.

Agad namang kumunot ang noo niya at hindi makapaniwalang napatingin sakin.

"Are you serious? Maghahating gabi na saan ako hahanap ng leche flan?" He cocked his brow.

"Basta! I want that. Kasalanan mo naman ito pinagod mo 'ko kaya nagugutom ako!" Mahinang pasigaw na asik ko.

It's really his fault, dahil hindi dito natulog si Stephanie kung ano-ano nanamang ginawa niya sa 'kin.

"You are unbelievable!" Napasabunot pa siya sa buhok niya at halatang nagpipigil ng inis.

"You can't say no to me! Now get the hell up and find me some leche flan at huwag na huwag kang uuwi ng walang dala dahil kukutusan kita!" I firmly said.

Napilitan siyang tumayo. Nakanguso pa siya habang naglalakad sa closet.

"Pasalamat ka talaga Cloud...mahal kita!" Sabi niya sabay abot ng susi ng sasakyan niya at lumabas.

Pag-alis niya ay inabala ko ang sarili ko sa panonood ng TV.
I watched real crime documentaries.

He better find leche flan because if he didn't, I'm going to throw him out.



SETH

Kanina pa ako naglilibot sa bayan pero wala akong makitang nagtitinda ng leche flan sa ganitong oras. Grrr!

I dialed my friends number to ask for help. Agad naman itong sumagot, himala hating gabi na at gising pa ito.

"What do you fucking need Sañedoza?! Panira ka talaga ng moment nambibitin ka palagi!" Pasigaw na bungad ni Xeverious.

"Fucker! I need your help bro. May alam ka bang nagtitinda ng leche flan?" Diretsahang tanong ko.

"Who the hell on earth ang mag hahanap ng putang inang leche flan sa dis-oras ng gabi?" Medyo pasigaw na tanong niya.

It's Cloud. Arrg! I didn't answer his question dahil mukhang alam niya na kung sino.

"Meron pa ako sa ref, kunin mo dito!" Seryosong sabi niya.

"Maasahan ka talaga! I'll be there in 10." Then I drove fast.

Hindi ko na kinailangan pang pindutin ang doorbell dahil nakaabang na sa may pintuan si Xeverious we called him Xev for short.

"Oh! Tatlong lanyera yan ahh. 250 na lang." Nagbibirong sabi niya sabay abot ng paper bag.

"Salamat. Buti meron ka, halos naikot ko na lahat ng tindahan at restaurant sa bayan wala akong makita. Babalatan ako ng buhay ni Cloud pag nag-kataon." Naiiling na sabi ko.

The Unknown GuyWhere stories live. Discover now