CHAPTER 20

3.9K 154 11
                                    

CHAPTER 20

CLOUD

Napakatanga mo Cloud! Bakit pumayag kang may mangyari nanaman sa inyo!

Asik ko sa sarili ko. Naiinis ako hindi ako makatanggi kanina. Gustong umayaw ng utak ko pero nag-protesta ang katawan ko.

Kailangan ko na talagang iwasan si Seth. Hindi ako puwedeng maging kabit! Kasal na siya... he's married to someone else. At nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko pa ring may mangyari sa'min sa elevator kahit alam kong kasal na siya. Arrg!

Bakit ba kasi bumibigay ako sa halik niya. Pakiramdam ko nalalasing ako sa mga halik ni Seth!

Puta! Kasal na siya. Kung kasal na siya bakit niya ako inakit? Kumabit siya sa lalaki. Ano na lang magiging reaksiyon ng asawa niya? Nang nanay ni Stephanie?

Letse! Hindi puwede ito. Ayaw kong makasira ng pamilya. Kailangan ko na talagang iwasan si Seth.

"What happened?" Biglang sumulpot si Kuya sa likod ko.

"Kuya----- I don't know what's happening to me!" Paguumpisa ko.

"Care to tell me what's happening to you?" He asked.

Naglakad kaming dalawa patungo sa veranda ng condo na may glass wall.

"I think---- I liked a man. And that's not normal. I mean--- arrg!" I'm so frustrated.

Una nagka gusto ako at nagpaangkin ako sa lalaki. Pangalawa malalaman kong may asawa na pala siya.

"What's not normal about that? Normal lang ang magka-gusto ka." May paniniguradong sabi niya.

"But--- he's married Kuya. Hindi normal na pumatol ako sa may-asawa!" Naiinis na sabi ko.

"P-pano mo nalamang kasal na siya?" He asked.

"I saw it on his ID, Kuya he is married!" I said.

Hindi agad nakasagot si Kuya. Pareho kaming natahimik dalawa.

"I need to avoid him right?" I asked.

Siguro 'yon nga ang tamang gawin. Ayaw kong makasuhan ng concubinage!

"It's up to you. Pero kailangan mo siyang kausapin, malay mo kaya niyang ipaliwanag lahat." Kibit balikat sa sabi ni Kuya.

Ako naman ay nag-iisip lang. Dapat iwasan ko na si Seth, kapag nagkataon hindi lang ako makukulong baka masunog pa ako sa impiyerno.

"By the way I'm going to Hong Kong later wanna come?" Aya sakin ni Kuya.

Right. I have to distract myself at magagawa ko lang iyon kung lalayo muna ako.

"Anong gagawin mo sa Hong kong?" I asked.

Baka naman kasi importante ang ipupunta niya doon at kapag nagkataon sabit pa'ko.

"Shopping." Bored na sagot niya.

Puta! Shopping sa Hong Kong? Ang dami namang mall dito sa Pilipinas ah?

"Sasama ka ba?" Tanong niya ulit.

"Oo. Yaman mo no? Mamimili ka lang sa Hong Kong pa." Sarkastikong sabi ko.

Bahagya siyang natawa at nag-ikot ng mata.

"Kala mo siya. Mas grabe ka nga sakin dati." Bulong niya pero narinig ko.

"Ano?" I asked.

"Wala sabi ko mag-ready ka na dadaanan kita mamaya." Sabi niya bago bumalik sa unit niya.

The Unknown GuyWhere stories live. Discover now