12. The Real Deal

Start from the beginning
                                    

"Karne po ba 'yan ng tao?" pagturo ko sa steak na niluto ko para sa kanya.

Napangiti siya nang matipid. "It is a Wagyu striploin steak. This is a two-inch beef chop. You can eat it."

"Wagyu? Mahal 'yon, di ba?"

Tumango naman siya. "Somehow, yes. Presyo ng sahod mo sa isang araw."

"Ay." Napayuko agad ako. Ang mahal pala ng kinakain niya. Hindi nga karne ng tao, pero kapresyo naman ng isang sahod ng tao kada araw. "Hindi po kayo kumakain ng tao?"

"Do you see a human body inside the refrigerator?"

"Sabi ko nga po, hindi." Mabilis kong hinalo ang lumalamig ko nang noodles. "Kain na kayo, Mr. Phillips." Matipid ko siyang nginitian. Hindi naman pala karne ng tao ang kinakain niya. Hindi rin dugo ng tao ang tinikman ko kanina. Pero kadiri pa rin kasi dugo pa rin pala ang tinikman ko.

Pasulyap-sulyap ako kay Mr. Phillips. Ang hinhin talaga niyang maghiwa saka ngumuya. Ang ingay kong humigop ng sabaw kaya hininaan ko na lang ang pagkain.

Umamin agad si Mr. Phillips na vampire daw siya. Nagtataka tuloy ako kung bakit ang bilis niyang umamin. Baka hindi talaga siya vampire.

Kaso, gusto ko nga siyang umamin na monster siya, e hindi nga raw siya monster. Ngayong umamin siya, hindi pa ako maniniwala? Parang ang shunga namang pakinggan.

"Mr. Phillips, werewolf po ba ang kalaban n'yo kaninang madaling-araw?" tanong ko habang ngumunguya.

"They're shifters," sagot niya habang mahinhing naghihiwa ng karne. "Walang werewolves dito sa Helderiet."

"Ano yung shifters?"

"They are the creatures that lurk within Helderiet Woods. They're not dogs, they're not wolves. They shapeshift into different types of wild animals. They hunt every night. They have been guarding this place for almost a millennium."

Napaayos ako ng upo dahil sa narinig ko. "Nakakalabas sila sa city?" gulat kong tanong dahil pagkalampas lang talaga ng kakahuyan ang bakod mula sa iron gate.

Umiling agad si Mr. Phillips. "They are locked here in the woods. They aren't able to pass beyond the wall that surrounds this land."

Nakahinga naman ako nang maluwag doon. Akala ko, nakakalabas sila hanggang sa kalsada. Sobrang delikado kung may ganoon kalalaking asong mamiminsala sa siyudad.

"Kung delikado pala sila, dapat sa labas na lang kayo mag-stay, Mr. Phillips."

"I need to stay here for the family. I belong here, Chancey. I'm still a monster to everyone. You even feared me."

Napahugot agad ako ng hininga nang mabanggit niya iyon. Hindi ko naman ide-deny na natakot talaga ako sa kanya. Hindi naman din kasi niya sinabi. Ano ang gusto niyang i-react ko? Gusto niya, magpa-party ako? Puro nga dugo sa third floor, alangan namang isipin kong mantsa lang 'yon sa sahig.

"Mr. Phillips, pupunta ba ulit ang mga aso kagabi rito sa Cabin?" nag-aalala kong tanong kasi gabi na naman. E lumalabas tuwing gabi ang mga sinasabi niyang shifter.

"I guess they smelled human inside this place. They probably will."

"Kayo po?"

"Ikaw."

Nanlaki agad ang mga mata ko at naibagsak ko pabalik sa mangko ang kutsara kong isusubo ko na sana. Gumapang agad ang kilabot sa akin dahil sa nalaman ko.

Ako? Ako ang hinahabol ng mga creature na sinasabi niya?

"Mr. Phillips, mamamatay na ba ako?" tili ko agad.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now