CHAPTER 3:

80 3 0
                                    

Kisha's POV

"SHAAAA!" napalingon ako sa tumatawag ng nickname ko. Nakita ko si Baste at Justin na tumatakbo papunta sa direksiyon namin ni Kevin. Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ng dalawang 'to. Muntik pa kong matumba. Pero sa tuwing ginagawa nila sakin 'to natutuwa ako. Para sakin kasi sign of importance 'to. Silang dalawa ang madalas sumalubong sakin ng payakap.

"We missed you noona!" Justin hugged me tight.

"I missed you too Guys." Ginulo ko ang mga buhok nila sabay yakap ulit.

"Hi Kev!" Paggreet ng dalawa kay Kevin. Ngumiti lang si Kevin sa kanila.

"Nandoon sila oh. Tara!" Hinila ni Baste ang mga kamay ko papunta sa direksyon nina Jun.

"Hi Sha and Kevin!" Paggreet sakin ni Mark.

"Hi mga Guys!" Yinakap ko sila isa-isa.

May napansin akong isang magandang babae sa tabi ni Jun. Nakatingin lang siya at nakangiti sakin habang pinapanood ako. Maya-maya lumapit siya.

"Hmm Hi! Im Kaye. Ikaw siguro si Kisha. It's really nice to meet you" She bowed at me na nagpagulat sakin.

"A-are you korean?" I pointed at her with shocked look.

"Yeap!" She smiles at me.

"Friend ko sa korea. Matagal ka na niyang gustong makilala." Pagsingit ni Jun habang nakasmile. Shet! His smile kills me.

"Ohhh. Well it's my pleasure to meet my bestfriend's friend." I bowed at her and give her my sweetest smile.

Inaya ko sila kumain at sumama naman sila sakin. I know they can't resist me. Hahaha

*AT THE CANTEEN*

Naupo kami sa isang mahabang table na exclusive for us. Nakareserve talaga 'to sa group namin. Pinagawa ni Arvin for us. Arvin is the heir of our school. Daddy niya ang may-ari while his mom is one of the dean here. Pero kahit ganyan kayaman si Vin, di niya binubuhat ang sarili niyang upuan. Napaka-humble niya kaya isa siya sa mga campus heartthrob ng school. At mas pinili niya din maging kanang kamay lang ni Mark.

Nasa right side ko si Kevin while on my left side is Justin. Samantalang si Jun naman ay katabi si Kaye at mukhang nag-eenjoy sila sa pagkain nila. Hindi nga kami pinapansin samantalang ang ingay-ingay na namin. Para silang may sariling mundo ni Kaye. Medyo Mashaket -,-

Siniko ako ni Kevin ng mahina at medyo inilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Parang nagkakamabutihan na yung dalawa dun oh." Ngumuso siya sa direksyon nila Jun.

"Oo nga e." Matipid kong sagot. Sa totoo lang medyo nasaktan ako sa sinabi ni Kevin. Medyo lang naman. Kaya Inubos ko na agad ang pagkain ko at nagpaalam na ako.

"Uy sha, aalis kana agad?" Tanong ni Mark.

"Oo eh. Kelangan ko kasi magreview. May test kami mamaya." Ang gara naman ng palusot ko -.- test? Samantalang first day of school ngayon. Tokwa. Di talaga ako magaling sa ganto. Nagwave na agad ako sa kanila at umalis na agad bago pa makapagsalita si Mark. For sure sosoplahin lang ako ng lalaking 'yun. Lalo na ni Allen.

Sa totoo lang, wala naman talaga kaming test ngayon. Sino ba namang prof ang magpapatest ng ganito kaaga? Sumasakit kasi 'yung mata ko sa nakikita ko. Para kasing ang saya-saya ni Jun sa piling ni Kaye.

Nagtungo nalang ako sa isang park at doon nagmuni-muni. Pinapanood ko lang yung mga nagpapractice ng sayaw. Matagal-tagal na din pala nung huli akong sumayaw. Nakakamiss tuloy. I used to be a dancer when im still a highschooler. Kasama ko pa noon si Baste at Justin. Kaya nung bakasyon wala kaming ginawa kundi magJust Dance sa Quantum. Minsan naman sila Mark at Arvin ang kasama ko, nagvivideoke lang kami buong maghapon at nagpapractice lang ng ibang musical instruments.

Naalala ko may dala nga pala akong gitara para sana makipag-jamming sa kanila. So I started to strum my guitar and sing alone.

"Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling.
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo, ang awit ng aking puso.
Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin." 

"Ang ganda.." napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Jun na paupo sa tabi ko habang pumapalakpak. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jun.

"J-jun! Kanina ka pa ba diyan?" Gusto nang lumabas ng puso ko sa Rib cage ko.

"Yeap." He smiles at me.

Inayos ko ang sarili ko at pinakalma ang sarili. Bumuntong-hininga pa ko bago ulit magsalita.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tumingin ako sa kanya pero nakatanaw siya sa malayo.

"Diba ako dapat ang magtanong niya sa'yo? Bakit ka nandito at nag-iisa?" Humarap siya bigla sa akin kaya iniwas ko agad amg tingin ko.

"A-ah. Hmmm. W-wala lang."

"Eh bakit ka nauutal?" Nakatingin lang siya sakin nang diretso at parang may gustong sabihin.

"H-hindi ah. Diyan kana nga." Patayo na sana ako nang bigla niya kong hilahin ulit kaya napaupo ako.

"Sa'kin ka pa ba magtatago? Bestfriends kaya tayo. Kilalang-kilala na kita. Sige na. Sabihin mo na kasi yung totoo. Alam kong di ka magaling magsinungaling." Pagpupumilit niya sakin. Kung pwede ko lang sabihin na ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-iisa ngayon.

"Wala nga. Sabi ko diba kelangan ko magreview? Eh kaso medyo tinamad ako kaya ayun. Naggitara nalang ako. Sige na aalis na ko. Bye-bye Jun." I smiled at him at tinalikuran na siya.

"Wait sabay na tayo. Akin na yang gitara mo. Kakanta ako habang naglalakad." Kinuha niya yung gitara sa'kin.

"Tumingin sa aking mata, magtapat nang nadarama.
Di gustong ika'y mawala --"

Sa di malaman na dahilan, kinuha ko yung gitara sa kanya. Baka kasi 'di ko mapigilan ang sarili ko at makapagconfess ako sa kanya nang wala sa oras.

"Lalo lang tayong bumabagal sa paglalakad e." Pagpapalusot ko.

"Gara naman! Ang ganda-ganda na ng pagkanta ko e. Mapapaamin na sana kita. Hahaha." Bigla siyang tumawa ng malakas. Ako naman medyo naiinis na sa kanya.

"Ewan. Tigilan mo 'ko." Binilisan ko ang paglalakad ko pero sadyang mahahaba ang bias ng taong 'to kaya nahabol ako agad. Hinarang niya ko at tumayo sa harap ko.

"Bakit ba ang sungit mo? Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ang sungit-sungit mo sa'kin tapos di mo pa ko pinapansin. Porke lagi mong kasama si Kevin kinakalimutan mo na 'ko." He said while pouting. Naglalambing nanaman siya sakin >_< God help me! How can I resist this guy? Kung pwede ko lang sabihin ang totoong dahilan. Ang saya mo kasi kay Kaye! Nakakainis ka >_<

"Hahaha. Ang cute mo talaga!" I pinched his nose. Pinilit ko nalang tumawa. "Nakakainis ka kasi e. Bigla mo 'kong iniwan nung nagpunta tayo sa mall."

"Ah hehe. Sorry na. Sobrang gwapo ko kasi e." *peace*

Napangiwi ako sa sinabi niya kahit totoo yun, "Ganda na sana ng usapan natin Jun. Diyan kana nga." Naglakad na ko palayo sa kanya. Mabilis siyang humarap sa direksyon ko  at sumabay sakin.

"Hahaha. Sorry. Halika na, hahatid na kita sa room mo."

Kinuha niya yung iba kong gamit at naglakad patungo sa school. Habang naglalakad, biglang sumagi sa isip ko yung nararamdaman ni Jun ngayon about sa Girlfriend niya. I mean ex-girlfriend. Kaso ayaw niya pa kasing pag-usapan yun e. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ok lang ba siya. May mga times talaga nakatulala lang siya at sobrang lungkot ng mukha. Minsan naman sobrang ligaya niya tulad ngayon. Ang laking Bipolar Bear talaga ng lalaking 'to.

My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora