CHAPTER 11

52 2 0
                                    


Jun's POV

"Gago ka kasi! Bakit mo kasi ginawa 'yon?" Sermon sa'kin ni Mark.

"Hindi ko nga sinasadya na masigawan siya." Mahinahon kong sagot..

"Siraulo. Alam mo bang unang beses mong gawin 'yon sa kanya? Aware ka ba? Ha?"

"Aware ako." Halos bulong nalang ng sabihin ko 'yan.

"Kausapin mo si Kisha ha. Pag 'di kayo nagka-ayos .." napatingin ako sa kanya.

"Edi hindi kayo nagka-ayos." Inis kong inalis ang tingin sa kanya. Akala ko naman kasi may suhestiyon siyang ibibigay sa'kin.

"Alam mo kasi dude, hindi kasi talaga tama 'yong ginawa mo. Kung sa'kin mo ginawa 'yon baka nasapak pa kita." Natatawa-tawang sabi naman ni Eli.

Nandito kami ngayon sa isang room. Kasama ko si Kaye at ang buong AJAX except kay Kisha at Kevin. Hinila nila ako papunta dito, pinalibutan at sinermonan. Ineexpect ko nang mangyayari 'to dahil ugali 'to ni Mark.

"Palamigin mo muna ang ulo ni Sha. Sariwa pa sa kanya 'yong nangyari." This time si AJ naman ang nagsalita.

"Pa'no kung 'di niya na 'ko kausapin? Lalo na ngayon, bantay-sarado siya ni Kevin."

"'Pag gusto may paraan, 'pag ayaw maraming dahilan." - Xander

"Tama. Tsaka nandito naman kami para tulungan ka. Madali lang naman suyuin si Sha. Bigyan mo lang ng lollipop 'yon, mawawala na agad 'yong galit n'on sa'yo." Suhestiyon ni Arvin.

"Tama! Tama! Ako na bibili ng lollipop kung gusto mo. " - Mark

"'Yung strawberry flavor bibilhin namin para tanggapin agad ni Kisha." Nasasabik na sabi ni Baste.

"Anong 'namin'? Ako lang bibili. Baka hindi pa tayo nakakalabas ng supermarket ubos na 'yong lollipop." Pang-aasar ni Mark. Binato naman siya ng crumpled paper ni Baste.

Bumuntong hininga na lang ako. Nagagawa pa nilang magbiruan habang ako namomroblema. Ayokong magalit ng tuluyan sa'kin si Sha. Siya nalang ang babaeng umiintindi sa'kin at nagmamahal.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Kevin. Na mahal daw ako ni Sha noon pa.

"Guys, mahal daw ako ni Sha." Natigil sa paghaharutan ang mga loko at tumingin sa'kin. Pinaulanan nila ako ng tingin na nagtatanong ng 'seryoso'?

"Di nga?" Umupo sa tabi ko si Allen.

"Sino nagsabi? Pa'no mo nalaman? Sino nagtsismis sa'yo? Saan mo napulot 'yang balita na 'yan?" Sunod-sunod na tanong ni Baste.

"Isa-isa lang." Kaswal kong sagot.

"sorry."

"Si Kevin ang nagsabi sa'kin. Pumunta siya sa unit ko nung araw na umiyak si Sha. Sinun --" biglang sumabat si Arvin.

"Sinuntok ka?!" Napa-atras ako ng konti dahil sa pagsigaw niya sa tapat ng tainga ko. "Sensya na."

"Oo, sinuntok niya 'ko sa mukha at sinabi sa'kin na mahal nga daw ako ni Sha."

Bigla kaming napatingin kay Kaye na tumakbo palabas ng kwarto.

"Anong drama non?" - Xander

Nagkibit-balikat lang ako. "Baka biglang tinawag ng kalikasan." Walang emosyong sagot ni Eli.

"Kinailangan ata maglabas ng sama ng loob." - Justin.

"Bakit naman 'di siya nagpaalam? Agad-agad nalang siyang lumabas ng kwarto." - Arvin

"Baka labas na labas na." Sabi ni Mark. Nagtawanan ang iba pa at humarap ulit sa'kin.

"So ano na?" - AJ

"Anong 'ano na'?" Tanong ko.

"Ano nang plano mo sa nararamdaman ni Kisha sa'yo. Take note bestfriend mo 'yon." - AJ

"Di ko alam." Pabulong kong sabi.

"Panong 'di alam?" - Eli.

"'Di ko alam. Naguguluhan ako .."

"Pa'nong di ka maguguluhan eh hanggang ngayon kasi si Nicky pa rin nasa puso't isip mo." Sabi ni Xander na seryosong-seryoso ang mukha.

"Hindi naman 'yon ang dahilan .."

"Anong hindi? Kaya mo nga siya nasigawan dahil sinabihan ka niyang nagpapakatanga ka nalang kay Nicky diba? At ayaw mo 'yon marinig dahil umaasa ka pa din na babalik sa'yo si Nicky." Sabi naman ni Mark. Tumagos sa'kin 'yung sinabi niya. Oo, galit ako kay Nicky pero umaasa pa din ako na babalikan niya ako.

"Di ka nakasagot dahil totoo." Pagsingit naman ni Allen. Bumuntong hininga nalang ako. "Magmove-on kana pare. Wala kang mapapala." Pagpapatuloy niya.

"Alam mo, tama si Sha eh. Nagmumuka kang tanga sa ginagawa mo. Ang daming babae diyan na pwedeng ipalit kay Nicky. Nandiyan si Sha .. Si Kaye din .." - Mark

"Ayoko kay Kaye."

"Ako din. Ayoko sa kanya." Sabi ni Justin sabay tawa.

"Ako din." - AJ

"Same here!" - Mark

"Me too." - Eli

"Ako din." - Baste

"Kaya dapat kay Kisha ka nalang." They said in unity na malaki ang ngiti sa mga mukha.

I sighed. Hindi ko alam kung bakit pagdating sa mga 'to tinatanggap ko ng buong puso ang mga masasakit na salitang ibinabato nila sa'kin pati na rin ang mga suhestiyon nilang nakakaloko.

-End Of Chapter-

Third update for today! Ang sipag-sipag ni Author hehehe.

My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon