CHAPTER 17

31 2 0
                                    

Kisha's POV

Ilang weeks na ang nakalipas mula nang makita ko si Nicky sa park. Nacurious tuloy ako kung siya ba talaga 'yon o namalikmata lang ako. Pero sana . . Sana hindi siya 'yon. Sana 'di na siya bumalik. Sana 'wag niya na ulit balikan si Jun. Bumabalik na sa dati ang lahat. Bumabalik na ang Jun na masayahin. Oo, halos nawawala na 'yong feelings ko kay Jun. Ewan, parang I starting to like . . Kevin.

"Kisha, inaantok ako." Bulong sa'kin ni Kev. Nasa klase kami ngayon, at ang subject namin ay ang pinakaboring sa lahat -- Economics. Bakit kasi may subject kaming ganito?! I hate everything related to Araling Panlipunan! Ugh.

"Ako din." Tinignan ko ang wrist watch ko. "Quarter to ten na." Bulong ko ulit.

"Konting tiis na lang."

Paglabas namin sa room. Nag-stretch ako ng mga braso. "Hay salamat. Natapos din. Tara kain tayo."

"Sige. Treat ko." Pag-aya naman ni Kevin.

Si Kevin, alam ko may tinatago siya. Hindi ko lang marecognize kung ano. Nitong mga nakaraang linggo kasi, siya ang kasama ko. Minsan parang may gusto siyang sabihin sa'kin na hindi niya masabi-sabi.

"Kev, may gusto ka bang sabihin?" I said breaking the silence between us.

Napatingin lang siya sa'kin. "W-wala ah." Wala? Ako kasi mayroon but I think this is not the right time.

"Ok." Sabi ko habang nakangiti.

Pagtapos kumain, tumuloy kami sa park kung saan naghihintay ang ibang AJAX.

"Hi Guys!" Nag-wave ako sa kanila.

"Hello!" They said in unity.

Naupo na kami ni Kevin sa damuhan kung saan sila nakapwesto.

"Sha." Ang lalim ng boses ni Arvin.

"What?" Tanong ko.

"Malapit na birthday ko." Kaswal niyang sabi.

"Oh? Gagawin ko?" Walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Regaluhan mo 'ko." Aba magaling! Ang laki-laki pa ng ngiti niya.

"Ay wow!"

Bigla naman siyang sumimangot. "Grabe ka!" Sabay bato sa'kin ng Mr. Chips na hawak niya.

"Thank you!" Pang-aasar ko sabay ngiti ng matamis.

"So ayun na nga, birthday ni Arvin next week. Syempre, ano pa bang meron? Edi .." - Mark

"PARTY!" sabay-sabay naming sigaw.

Sa mga gan'tong pagkakataon, ni-isa sa'min walang umaabsent. Tuwing birthday ng isa, lahat kami required na pumunta. Sa simpleng paraan na 'yon kasi naipaparamdam namin sa birthday celebrant na mahalaga siya sa'min.

"Sha, gusto ko magdress ka." Hindi ko yata gusto ang trip ni Arvin ngayon.

"No." tumingin lang ako sa kanya ng walang emosyon ang mukha.

"Please? Birthday ko naman eh. Sige na, gusto na ulit namin makita ang girl side mo."

"No."

"Oo nga Sha, ang tagal na nung last time na nagsuot ka ng dress. JS prom pa ata natin 'yon noong third year." Sabi naman ni Jun.

Oo nga, third year pa 'yong last na pagde-dress ko. Nung senior kasi kami, 'di ako pumunta. Kahit anong pilit nila sa'kin noon, hindi talaga ako natinag. Pinuntahan pa nila ako sa unit ko para lang pilitin. Binilhan pa nila ako ng dalawang bagong dress no'n. Kaso wala talaga ako sa mood nang mga panahon na 'yon. Mahal ko na kasi si Jun noon at nasasaktan ako tuwing nakikita sila ni Nicky.

"Suotin mo 'yung dress na binili namin sa'yo nung third year." - AJ

"No."

"Sige na please!" Sabay-sabay nilang pagmamakaawa sa'kin.

Ilang segundo ang lumipas bago ako sumagot. "No and masikip na 'yong dress na 'yon sa'kin."

"Edi bibilhan ka namin." Suhestiyon naman ni Baste.

"No." Tumingin ako sa kanila isa-isa. Yung mga mukha nila mukhang nalugi. Bumuntong hininga ako. "Ok. Fine."

"YES!" Sigaw nila. I sighed. Kahit ano namang tanggi ko, 'di sila titigil sa pagpilit sa'kin. Kahit ata ipagtabuyan ko sila, 'di pa rin sila titigil.

"Ta's escort mo si Jun." - Arvin.

"Bahala kayo."

Ito ang unang beses na dadalo ako ng birthday party ng isa sa AJAX na nakasuot ng dress. I hope everything will be alright.

-End Of Chapter-

My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon