CHAPTER 6

77 3 2
                                    

Kisha's POV

"Bye! See you tomorrow!" Nagwave na 'ko sa mga blockmates ko at tuloy-tuloy ng pumunta sa mall kasama si Kevin. Alas-dos palang ng hapon. Uwian na kasi namin. Sila Arvin naman ay may klase pa hanggang mamayang gabi.

May bibilhin lang sana akong libro at uuwi na din agad. Kaso itong si Kevin mukhang ayaw pa umuwi at inaya pa kong kumain. Pumayag din naman ako dahil wala naman akong gagawin mamaya.

Pagpasok namin sa isang restaurant, may lumapit agad sa amin na waitress at ibinigay ang menu book. Napansin kong nakatitig siya kay Kevin, habang si Kevin naman abala sa pagtingin sa menu. Kakaiba naman kasi talaga ang aura nitong isang 'to. Talagang lahat ng babae mapapatitig sa makinis niyang mukha. Naka-pulang polo siya na hanggang siko ang haba ng manggas. Tapos nakablack na pants na sakto lang ang pagkakafitted sa kanya. Maliliit lang kasi ang hita ni Kevin. Kung pagsusuotin nga siya ng damit pambabae, mas maganda pa siya sa tunay na babae. Nakabrush-up din ang buhok niya. Sobrang gwapo niya ngayon.

Napalingon akong muli sa waitress at nakatitig pa rin 'to sa kanya. Bigla namang nakuha ang atensyon ko ni Kevin ng magsalita siya.

"Sha, ano sa'yo?" Inilapag niya sa mesa ang menu at tumingin sa'kin.

"Hmm. Eto nalang sa'kin." Sabay turo sa imahe ng pagkain sa menu. "Tsaka isang mango shake." I turn my head to see the waitress but she's still starring at Kevin. I cleared my throat that caught her attention.

"Ah. Hmm. Yes po? Ano pong order niyo sir?" Aba. Ini-snob ako. Hinayaan ko nalang si Kevin ang magdikta sa kanya ng mga inorder namin. Pagtapos ay umalis na din siya.

"Mukhang malakas ang tama sa'yo ng waitress na 'yon ah." Pang-aasar ko kay Kev. Tumingin naman siya sa'kin.

"Hindi ah." Kinuha niya ang cellphone niya at nagsimulang kalikutin iyon.

Itinungkod ko ang siko ko sa mesa at ipinatong doon ang ulo ko. "Hindi ba yun? Eh ang lagkit-lagkit ng tingin sa'yo. Kulang nalang matunaw ka sa sobra titig niya." Di siya umimik. "Teka nga, ano bang meron parang iba ata aura mo ngayon? May popormahan ka ba? Share mo naman kung sino." Pagpapatuloy ko na may nakaguhit na ngiti sa mga labi.

"Wala noh." Nilapag niya ang cellphone sa mesa at tumingin sa'kin.

"Wala daw. Sige naaaa." Pagpupumilit ko naman. Nagpakawala siya ng buntong hininga at saka ulit nagsalita. "'Yung babaeng gusto kong pormahan, may ibang .." he sighed again."May ibang ?" Nakatingin lang ako sa kanya. "Basta, sa tingin ko hindi ko siya pwede ligawan." Aniya.

"B-bakit naman? May iba ba siyang gusto?" He nodded. "Eh ano naman ngayon? Wala pa naman sigurong nagmamay-ari sa kanya eh. Kaya may chance ka pa."

"E-ewan. B-basta. Mahirap." Sandali akong napatitig sa kanya. Biglang lumungkot ang mga mata niya. "Sino ba kasi siya? Do you want me to help you to win her heart?" I said smiling.

"You will help me?"

"Yes." *smile* ilang segundo ang lumipas bago ulit siya nagsalita.

"What if --" biglang naputol ang sasabihin niya ng dumating ang mga inorder naming pagkain. "Thank you" sabi niya sa waiter.

"What if ano Kev? Nabitin ako 'don ha." Sabi ko sabay subo sa inorder kong white spaghetti.

"Ah. Wala yun." Nginitian niya lang ako. "Masarap ba? Di mo naman sinabi sa'kin na kumakain ka ng white spaghetti. Edi sana pinagluto kita."

"Ah. Hehe ayoko na kasing makaistorbo sa'yo. Tsaka ang dami kaya nating ginagawa sa school."

"Wala naman kaso 'yon sa'kin. Tsaka kahit kailan hindi naging istorbo sa'kin ang ipagluto ka."

Medyo kinilig ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko, napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko. Kaya ngumiti lang ako at yumuko na para ituloy ang pagkain. Mamaya makita niya pang namumula ako.

Pagtapos kumain, hindi pa kami agad umuwi. Nilibot pa namin ang buong mall at tumambay sandali. Maya-maya may natanggap akong text mula kay AJ.

From: AJ

'Sha, do you know what happened to Jun? He didn't attend our classes today.'

Bigla kong naalala na hindi ko nga pala siya nakita buong maghapon. Akala ko naman 'di lang talaga kami nagkita at na-late siya kaninang tanghali sa pagpasok.

'Di ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Don't worry, i'll text him as soon as possible. Try to contact him also. Thanks!'

Agad ko namang idi-nial ang number ni Jun.

"Bakit?" Tanong ni Kev.

"Si Jun kasi 'di daw pumasok." Paliwanag ko.

"Ah ganun ba. " Biglang nagbago ang expression ni Kevin ngayon. Kung kanina masaya ngayon naging seryoso na.

Ilang beses kong sinubukang tawagan siya pero 'di siya sumasagot. 'Di rin siya nagrereply sa mga texts namin. What happened to him? It's already 6pm. Uwian na nila Mark. Nakausap kaya nila si Jun? Naisipin kong tawagan si Justin.

"Hello Justin?"

"Yes noona?"

"Are you still with them?" Pertaining to AJAX.

"Yeap. Have you already talked to Jun?"

"Itatanong ko pa nga lang sana sa'yo yan. I can't contact him. I already dialed his number so many times but he's not answering it." Nagsisimula na kong kabahan. Maya-maya pa narinig kong kinuha ni Mark ang phone kay Justin.

"Hello Sha? Di mo pa rin siya nakakausap?" Halatang nag-aalala na sila.

"Hindi pa din." Sabi ko sa malungkot na tono. "Pupuntahan ko nalang siya sa condo niya."

"Sasamahan ka namin."

"No need. Im with Kevin now. We're still here at the mall. Siya nalang ang isasama ko."

He sighed. "Ok. Sorry Sha."

"No need to say sorry. Alam ko naman na may mahirap kayong project, I understand."

"Ok. Thank You Sha. Call us when you found him."

"I will. Bye."

After we ended our conversation, agad ko namang hinarap si Kev na kanina pa nakikinig sa usapan namin. Tinanong ko kung pwede niya ba 'ko samahan sa condo ni Jun. Pumayag naman siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya, mukha siyang seryosong-seryoso. I was about to stand when my phone rang. It's Jun. Finally ..

"Jun? Where are you?" Bungad ko agad. Pero iba ang sumagot. Kabisado ko ang boses ni Jun, at alam kong hindi siya iyon.

-End Of Chapter-

My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon