CHAPTER 14

41 3 0
                                    


Jun's POV

"Dude, ang galing. Muntik ka ng ma-rape!" Manghang-manghang sigaw ni Mark.

"'Wag ka ngang maingay. Tsaka 'di 'yon rape."

"Anong hindi? Kung hindi kami dumating siguro napagsamantalahan kana ni Kaye." - Eli.

"Ewan ko sa inyo. Ang iingay niyo nasa canteen tayo."

"'Di naman 'to Library eh. Kaya ok lang mag-ingay." - Mark

"Tama. Tama." Naghigh-five ang mga loko.

"Pero Jun, 'di ko talaga expected na magagawa ni Kaye 'yon sa'yo." - Xander

"Oo nga. Sayang. Ang ganda niya pa naman. Tapos rapist pala siya. Konti nalang magiging crush ko na 'yon eh." - Arvin.

"Anong crush? Bawal!" Hinampas ni Allen si Arvin ng hawak niyang stick.

"Anong bawal? Sa'yo ba siya?!" - Arvin.

"H-hindi." Nauutal na sagot ni Allen. Anong meron at ganoon nalang magreact 'tong lalaking 'to?

"'Pag nalaman ni Kisha 'yong ginawa sa'yo ni Kaye, magtatransform nanaman into amazona 'yon." Tatawa-tawang sambit ni Eli.

Nananahimik lang ako habang kumakain. Big deal sa kanila 'yong ginawa ni Kaye sa'kin. Pero naisip ko, kung nandito si Kisha, for sure magagalit 'yon.

"Kung 'di kami dumating, siguro instant tatay kana." Sabi ni Allen sabay tawa ng malakas.

Binato ko nga sa kanya 'yong walang laman na plastic cup at tinignan siya ng masama. "Siraulo. Di 'yon mangyayari noh."

"Di mo naman masasabi 'yon p're, lalaki ka at lasing ka pa ng mga panahon na 'yon kaya 'di malayong mangyari 'yon." - AJ

"Tigilan niyo 'ko." Tipid kong sagot.

Nanahimik naman sila ng maramdaman nilang medyo naaasar na 'ko.

"Guys, namimiss ko na sila noona [older sister] Kisha and Kevin."  Malungkot na sambit ni Justin.

"Ako din. Ang laking kawalan talaga nila sa tropa." - Baste

Sabay-sabay silang humugot ng malalim na buntong hininga.

"Jun, 'di pa ba kayo nagkakausap ni Sha?" - Eli

"'Di pa." Sa totoo lang, gustong - gusto ko nang kausapin si Sha. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga tingin niya sa'kin nung huli kong sinubukan na kausapin siya, parang may kung anong nagtutulak sa'kin na 'palipasin ko muna.

"Eh pa'no kung 'di na kayo nagkaayos?" - Arvin.

'Pag 'di na kami nagkaayos? Tsk. 'Di 'yon mangyayari. 'D ko hahayaan na mabalewala ang pagkakaibigan namin ni Kisha.

"Uy." Siniko ako ng bahagya ni Baste.

"A-ano. Di 'yon mangyayari." Tipid kong sagot. Nakatingin lang sila sa'kin.

"Ok. Sabi mo eh. Tara na. Malelate na tayo."

Habang naglalakad papunta sa room, may babaeng nakatayo sa hallway at parang may hinihintay. 'Di ko na sana siya papansinin pero nang inangat niya ang ulo niya, nakilala ko kung sino siya.

"Nicky .." sambit ko sa sarili. Nakita ko naman na nakatingin sa'kin sila Mark.

Kinakabahan ako, parang gusto kong tunakbo palayo pero 'di ko magawa. At parang lahat ng hinanakit ko sa kanya biglang naglaho nang makita ko ulit ang maamo niyang mukha.

Lumingon siya sa direksyon namin, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Jun." Agad siyang tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako. "I miss you."

-End Of Chapter-

My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon