CHAPTER 21

45 2 2
                                    


Allen's POV

"Let me go!" Nagpupumiglas si Kaye habang hawak ko ng mahigpit ang braso niya . Hinila ko siya malapit sa pool kung saan walang tao.

"Look what you've done!" Sigaw ko sa kanya, inalis niya naman ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"And so?! Bakit? Ano bang pake mo?!"

Tinignan ko siya sa mga mata, punong-puno ito ng galit.

"May pake ako Kaye! Una, dahil kaibigan ko sila at pangalawa . ." Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko. Para akong biglang pinanghinaan ng loob.

"Pangalawa ano? Na sinisira ko ang pagkakainigan niyo? Na walang ibang alam kundi saktan ang mga taong nasa paligid nila? Na walang ginawa kundi magtolerate ng mga bad attitudes ng bawat isa? Na ano? Na dinala ko si Nicky sa mismong birthday ni Arvin? Oo Allen! Balak kong pagsamahin ulit sila, ayokong mapunta ang taong mahal ko kay Kisha! No! Never!"

Tatalikod na sana siya sa'kin pero nahigitan ko siya sa braso at iniharap sa'kin.

"Ano b--" pinatahimik ko siya sa kakasalita niya sa pamamagitan ng paglapat ng labi ko sa labi niya. Niyakap ko siya mula sa baywang at ang isa ko namang kamay ay hinawakan siya sa ulo.

Nakakairita na. Sigaw siya ng sigaw.

Sinubukan niyang pumiglas mula sa pagkakadikit ng labi ko sa labi niya pero 'di ko siya hinayaan at mas lalo ko pang itinulak ang ulo niya papadikit sa'kin. Mas lalo ko din hinigpitan ang pagkakayakap ko sa baywang niya.

Nang maramdaman kong 'di na siya gumagalaw unti-unti ko na siyang pinakawalan. Nakatingin siya sa malayo at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Kaye . . I-I Lo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang na lumagapak sa mukha ko ang palad niya.

Tinignan ko siya, galit na ang nababasa ko sa mukha niya. "How dare you." Mahina niyang sabi pero halatang may halong galit.

Ilang sandali pa tumakbo na siya palayo sa'kin, samantalang ako naiwang nakatayo doon.

"Ang sakit." Hinawakan ko ang pisngi ko. Tinakbuhan niya nanaman ako, tangina talaga.

~*~

Third person's POV

"Kisha! Wait!" Pinilit nilanh maabutan si Sha pero sadyang ang bilis niyang tumakbo kahit nakatakong siya.

Nang maabutan siya ni Baste, agad siya nitong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya. Punong-puno na ng luha ang mukha niya, ang make-up niya halos kumalat na din.

"Sha . . " bulong ni Baste.

"I-iwan niyo muna ako please." Yumuko siya at patuloy pa din sa pag-iyak.

"Pero Sha, hindi ka namin pwedeng iwan ng ganitong oras." Ani Mark.

"Please . . " pagmamakaawa nito.

Bumuntong hininga si Arvin, "Sige. Ikukuha kana namin ng taxi."

"Pero--" sasabat pa sana si Kev pero tinignan lang siya ni Arvin. "Ok."

Nang maikuha nila ng taxi si Kisha agad naman itong sumakay at agad na umalis ang taxi.

Habang bumabyahe, walang ibang ginawa si Kisha kundi ang umiyak. Hindi niya din namalayan na hindi niya nasabi sa taxi driver kung saan siya patungo.

"M-manong, sa park nalang po sa UN." Aniya.

Hindi sumagot ang driver, pero hindi niya na iyon pinansin pa at sumilip nalang sa labas ng bintana.

Napansin niyang hindi ito ang daan papunta sa parke kung saan siya dapat pupunta.

"Manong, hindi po yata dito ang daan papunta sa Taft." Puno pa rin ng luha ang mukha niya.

"'Wag ka mag-alala hija, dadalhin kita sa lugar kung saan 'di ka na iiyak ng ganyan." Sabi ng driver.

Kinakabahan na siya, nadadama niyang may masamang balak ang taxi driver sa kanya.

"Manong, sa tabi nalang po." Mahinahon niyang sabi.

Hindi sumagot ang driver, bigla namang tumunog ang lock ng mga pintuan at ng i-check niya, naka-lock na ang mga ito.

"Manong, sa tabi nalang po!" Medyo tumataas na ang boses niya pero 'di pa rin siya pinapansin ng driver.

Naisip niyang tawagan sila Mark, nang kunin niya ang bag niya bigla iyong hinablot nv driver sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha!" Anito.

"Ibaba niyo 'ko!" Nang tumingin siya sa labas nakita niyang napakadilim ng paligid, naramdaman niyang tumigil na sa kakaandar ang sasakyan. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero ayaw, maya-maya naramdaman niyang nasa tabi niya na ang driver at hinahaplos ang hita niya.

"Huwag mo 'kong hawakan!" Sigaw niya at tinabig ang kamay nito.

"Pakipot ka pang babae ka ha!" Atsaka siya nito pilit na hinalikan sa leeg. Pinipilit din nitong hawakan ang maseselan niyang bahagi lalo na ang kanyang dibdib.

Wala siyang ibang magawa kundi ang magsisigaw, pumiglas at umiyak, sana lang may makarinig sa kanya.

Ilang sandali pa ang lumipas narinig niyang may pilit na nagbubukas ng pinto ng sasakyan.

Nagsisisigaw siya at pinilit na makaalis mula sa mahihigpit na hawak ng manyak na driver.

Maya-maya narinig niya ang pagbasag ng salamin. Pinilit niyang tignan kung sino ang nagbasag.

"Kevin . ." Iyan ang tangi niyang naisambit bago siya mawalan ng malay.

-End Of Chapter-


My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon