"Blaze, malapit na sila."-  sabi ni Cristan na nakaalalay kay Winter na malapit ng manganak.

"Okay. Ayos na ba ang lahat?"- tanong ko. Nag thumbs up naman sila. Hay kinabahan ako bigla.

'Third person's pov'

Nalilito parin si Cristel sa mga nangyayari hindi niya alam kung ano ang dapat niyang iakto dahil wala naman siyang kaalam alam sa mga nangyayari.

"Mom, where are we going?"- tanong ulit niya sa ina na nakangiti. Nagtataka siya kung bakit nakangiti ang ina simula pa kanina. Halos sumakit na ang ulo niya sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari.

Mas lalo nangunot ang noo ni Cristel ng makita niyang napupuno ng mga nagagandahang mga bulaklak ang kanyang nilalakaran kaya magtanong sana ulit siya sa ina ngunit laking gulat na lamang niya na wala na ang ina sa tabi niya. Nagtataka man ngunit nanaig naman ang kuryusidad niya kaya pinapatuloy niya ang kanyang paglalakad. Hanggang sa umabot siya sa may lake na napuno ng mga swan na sobrang ganda yung tipong kumikislap ang kanilang balahibo pag natamaan ng ilaw sa papalubog na araw. Napatigil siya sa paglalakad at tinanaw niya ang magandang tanawin sa kanyang harapan. Nilibot ni Cristel ang kanyang paningin hanggang sa matanaw niya ang isang fountain na pinalibutan ng mga klase klaseng bulaklak at may mga maliliit na pixies na lumilipad. Sa nais niyang makita ito ng malapitan ay naglakad siya papunta doon.  Nang makalapit na siya ay siya na ang pinalibutan ng pixies at parang pinapaalis siya ng mga ito. Sa isang kisapmata pa ay biglang nagbago ang kinatayuan ni Cristel na ikinagulat niya ng labis. Ngunit agad naman itong napawi dahil nakita niya ang kanyang mga magulang, kaibigan at kapatid. Nakangiti ito sa kanya. Kaya ngumiti rin siya.

"Hi, liitle sis!"- sigaw ni Cristan kay Cristel na ikinatawa nila.

"Hello, Kuya."- pabalik rin na sigaw ni Cristel sa kapatid.

"Look up the sky, sis, and be happy."- nangunot  ang noo ni Cristel sa sinabi ng kanyang Kuya ngunit sinunod niya parin ito.

Namilog ang kanyang mga mata ng makita niya ang napakaraming pixies na lumilipad kaya agad siyang nabahala.

"What happened to them, Kuya?"- tanong ni Cristel sa kapatid ngunit hindi ito sumagot. Nakangiti lang ito sa kanya kaya tiningnan niya ulit ang mga pixies at nakahilera na ang mga ito at kusang tumulo ang mga luha niya sa nabasa. Makukulay ang mga pixies dahil sa kanilang buhok, kasuotan at sa mga dust kaya napakagandang tingnan talaga ng mga ito. Ngunit ang nagpatulo ng kanyang mga luha ay ang letra na nabuo ng mga ito.

"Will you marry me?"- basa niya.

Wala sa sariling napalingon siya sa kanyang likuran dahil sa presensya na naramdaman. Paglingon niya ay si Blaze na nakaluhod ang nabungaran niya hawak nito ang napakaganda na singsing na gawa sa diyamante na iba't ibang kulay ang mga bato.

"Will you mary me?"- tanong nito sa kanya.

"Pinayagan ka na nila?"- sa halip na sagot ay tinanong niya si Blaze.

"Oo, kaya pakasalan mo ba ako?"- sagot nito at tinanong siya ulit.

Nakangiti naman siyang tumango."oo naman. Kay tagal ko kaya naghintay sa araw na ito."- anas niya sa masayang boses.

Naghiyawan naman ang lahat na naroon. Masaya naman sina Czack at Cristan sa kanilang naging pasya dahil nakita nila mismo ang saya sa mukha ng kanilang nag-iisang prinsesa.

5 months later

"I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."- nakangiting anunsyo ni Aphrodite sa bagong mag-asawa na sina Blaze at Cristel.

"Yey! Mabuhay ang bagong kasal!"- sigaw ng lahat.

"Mabuhay!"- puno ng galak ang bawat isa. Kasiyahan na walang katumbas.

Puno ng mga light mages at black mages ang buong bulwagan ng reception sa kasal ng dalawa. Nagsayawan at kasiyahan ang makikita sa bawat isa. Hanggang sa may isang tinig na sumigaw sa panic.

"Ate! Kuya! Tulong manganganak na si Eury!"- natarantang sigaw ni Zaffiro na isa sa mga bisita na naroon kasama ang kanyang mahal na asawang buntis na at ngayo'y manganganak na.

Dali-dali naman silang lumapit kay Zaffiro at nakita nila si Eury na nakangiwi dahil sa sakit ng tiyan.

"Hey, Eury, relax lang ha. Zaff, buhatin mo siya dalhin natin siya sa kwarto niya dito sa palasyo."- wika ni Dannaya sa kalmadong boses na agad namang sinunod ng kapatid.

Humarap naman si Cristel sa mga bisita na naroon at nagsalita. "Pasensya na at mukhang hindi na matuloy ang ating salo-salo. Maari kayong magdala ng pagkain sa inyong pag-uwi."- wika nito sa mga tao ngunit nakangiti lang ang mga ito.

"Maghintay kami dito, mahal na prinsesa, hanggang sa magsilang si Goddess Eury."- sambit ng isa sa kanilang mga bisita. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Cristel sa narinig.

"Marami pong salamat."- aniya.

Sa silid naman kung saan nakahiga si Eury ay makikita naman sa isang sulok ang nataranta at takot na si Zaffiro.

"Zaff, kalma lang. Walang masamang mangyayari sa asawa mo, okay?"- pagpagaan ni Dannaya sa loob ni Zaff.

"Naranasan na namin yan, Zaff. Kaya kalma lang."- sabi naman ni Czaqary.

Ilang saglit pa ay dumadagundong na ang iyak ng isang sanggol kasabay ang pagliwanag ng buong kalawakan. Liwanag na hindi maipaliwanag. Kahit ang mga naroon pa sa reception ay nagtaka kung saan nanggaling ang liwanag na yon.

"Kamahalan, isang babae po ang anak ng iyong asawa."- sabi ng kumadrona na nagpaanak kay Eury.

Agad namang pumasok ang tatlo sa silid kung saan nakahiga si Eury na malinis na katabi ang isang bata na sobrang ganda at parang may korana sa noo.

"Ahm, kumadrona, ano yang nasa noo ng bata?"- tanong ni Dannaya.

"Queen, nandyan na po yan ng isilang siya ni Goddess Eury."- sagot ng kumadrona at yumukod bago lumabas ng silid.

"Nakakamangha ang iyong ganda, pamangkin ko."- sabay na wika ni Czaqary at Dannaya.

Binuhat naman ni Zaffiro ang anak.

"Darating din ang panahon na ikaw naman ang magtayo ng sarili mong mundo at kaharian Princess Sapphire Zarriya."- wika ni Zaffiro. Ngumiti naman ang bata ng marinig nito ang kanyang pangalan. Kasabay ng kanyang pagngiti ay ang pag bago ng kanilang mundo.

"Welcome to our beautiful world, Sapphire Zarriya Diamond."- bulong ni Dannaya. Na napuno ng kasiyahan ang dibdib dahil alam niya na ang kanyang pamangkin ang sumunod sa kanyang mga anak. Ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng nilalang.

—–The End

Yan lang nakayanan ni utak guys. So end na tayo. At buong puso po akong nagpapasalamat sa walang sawa ninyong suporta sa akin at sa story ko na ito. Sana supportahan niyo parin ang mga up coming na mga stories ko. Salamat po.

Nagmamahal,

Sorraya_angel


Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now