Chapter 27

1.6K 75 11
                                    

Chapter 27: Giants

'Cristel's pov'

Sa wakas masaya na si Enna sa kanyang love life ngayon. Mas okay na rin yun. Natakot siya sa una pero nilabanan niya ito at nanaig ang pagmamahal niya kay Hero. Haha naging bitter na naman ako. Ewan ko ba mas lalo pa ata akong natakot ngayon ayoko na ng ganito. Gusto ko na ring maging masaya. Hays.. Paano ba? Sana hindi na susuko si Blaze ngayon. Sana...

Nabaling sa pinto ang aking tingin ng may kumatok. Hmmm hindi pa pala natulog si kuya?

"Sis, gising ka pa ba?"- i know it. Bakit kaya?

"Pasok, Kuya."- i've no choice.

Pinihit niya naman ang doorknob at binuksan ang pintuan. Isinilip niya naman ang kanyang ulo bago pumasok ng tuluyan.

"Hmm? May kailangan ka ba, Kuya?"- tanong ko sa kanya.

Umupo naman siya sa dulo ng aking hinigaan at masuyong nakatingin sa akin. Kaya tinaasan ko ito ng kilay upang iparating sa kanya na naghihintay ako sa sagot niya.

"Ahm. Something bothered on you, right?"- tanong niya. Huh! So stress na pala talaga ako ngayon?! Gosh! Di ko alam. 'Ah? Talaga?!' tsh. Epal!

"Hmm slight?"- patanong ko na sagot sa kanya.

"Spill it!"- matigas na utos niya. Wow.. Tsk. Kung hindi lang kita kuya. Baka natosta na kita. Hmp!

"Ahm. Natakot kasi ako,Kuya. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako kay Blaze."- Sagot ko na lang.

Napa buntong-hininga naman siya. Ang lalim hindi ko masisid hehehe.

"Baby, dapat ka talagang sumugal kung gusto mo na maging masaya. Love is always taking a risk.."- hays.

"I know. And you're right, Kuya. Maybe i'll give him a second chance para maging masaya na ako."- yeah right! One last chance.

"Good. Now matulog ka na. Babalik na tayo sa academy. Kasama natin si Shine."- sabi niya sa akin kaya tumango ako. Bago siya lumabas ay hinalikan niya ako sa noo at lumabas na.

Sana nga maging maayos na. Sana maging masaya na ang love life ko.

'Dannaya's pov'

No! No! Kailangang malaman to ng mga anak ko. Kailangan na makapaghanda sila.

Malalim na ang gabi. Tiyak tulog na ngayon ang mga tao sa palasyo. Pero alam ko may isa pa na gising at walang iba kundi ang mahal kong asawa. Alam ko na labis na ang pangulila niya sa akin. Miss na rin kita mahal ko. Ngunit kailangan ko itong gawin upang walang mapapahamak sa ating mga anak.

Kalaingan na mabalaan ko sila para walang mapahamak bukas.

'Xion!'

Tawag ko sa aking guardian na phoenix. Siya ang uutusan ko sa pagpabigay ng aking sulat babala para sa aking mga anak.

'Your highness?'

'Xion, ilagay mo ang sulat na ito sa ibabaw ng bed side table namin.' utos ko kay Xion

'Masusunod po.' aniya at lumipad na.

Mga mahal ko. Mag iingat kayo..

'Czack Flame's pov'

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na ako sa aking pagpapanggap na masaya sa harapan ng lahat kahit ang totoo ay nadudurog na ako. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan sa mahal kong asawa sa kaharian ni Hades. Miss na miss ko na siya. Labis na pangungulila ang aking naramdaman ngayon. Sana makasama na ulit kita mahal kong Dannaya.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα