Chapter 11

2.3K 91 6
                                    

Chapter 11: Dark Mountain

'Cristel's pov'

Naalimpungatan ako sa tinig ni Kuya. Kaya bumangon na ako at binuksan ko ang pinto.

"Bakit kuya?"- tanong ko kay kuya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Nakadaong na ang barko. Halika na."- sabi ni kuya sa akin. Tumango naman ako at agad na pumasok sa banyo.

Naligo muna ako bago lumabas ng silid. Pagdating ko sa semi living room ng barko ay kompleto na sila.

"Hali na kayo. Kailangan nating makuha ka agad ang Crystal."- sabi ni Kuya.

"Tara." sabi namin.

Sabay kaming bumaba sa barko. Nang maka baba na kaming lahat ay biglang tumigil si Kuya.

"May kalaban."- bulong ni kuya.

"I know."- sabi ko at hinanda ko na ang aking sarili.

Patuloy lang kami sa paglalakad pinangatawanan nga nito ang pangalan ng lugar na ito dahil sa sobrang dilim. Hahaha.

Papasok na kami sa madilim na kagubatan ng may biglang lumitaw na mga taong sobrang itim at napakaliit.

"Sino kayo?! Bakit kayo napadpad rito?!"- sigaw nito sa napakatinis na boses.

"Siguro mga masama kayong nilalang!"- sigaw pa ng isa.

"Huminahon po kayo. Hindi kami masama may kailangan lang kaming kunin sa bundok na iyan."- mahinahong pakiusap ni Winter.

"Heh! At ano naman iyon?"- tanong nong pinuno kuno nila.

"Ang asul na crystal. Gamitin kasi namin ito upang mas lalong tumibay ang barrier sa aming paaralan."- sagot ni Autumn.

"Paaralan? Diamond Academy?"- tanong uli nito

"Opo."- sagot ni Autumn.

"Sige makadaan na kayo. Pero mag iingat kayo sa daan masyadong madilim dito."- sabi nito at biglang nag laho.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Mabuti na lang at naging matiwasay ang  aming pag lalakbay.

Medyo malayo layo na rin ang aming nilakbay at nakaramdam na ako ng pagod. Hays akala ko ba pag makatawid na kami sa dark sea ay dark mountain na agad.

"pahinga muna tayo, kuya."- sabi ko kay kuya na agad namang sinang ayunan ng iba naming kasamahan.

Umupo na kami sa ilalim ng malaking puno at nilabas na namin ang aming dala na mga pagkain.

Nagsimula na kaming kumain kahit madilim ay maaninag pa rin naman namin ang aming kinain.

Nauna akong natapos kaya tumayo ako at nag lakad lakad. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang sinabi ni Dreamy sa akin. Masasaktan kaya talaga ako? Kaya nga ako takot umibig eh dahil takot akong masaktan.

"Andito ka lang pala."- napaigtad ako ng biglang nagsalita sa likod ko si Blaze.

"Ah oo."- sabi ko nalang. Heto na naman ang bilis ng tibok ng aking puso. Gosh! Kalma lang baka masaktan ka niyan.

"Ang lalim ng iniisip mo ah."-  puna niya sa akin.

"Wala naman. Ayos lang ako."- sabi ko.

Mabuti naman at tumahimik na siya. Pero ilang saglit lang ay nagsalita siya ulit.

"Takot ka pa rin bang umibig?"- tanong nito.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now