I smiled. "Sana nga, Manang Flor."

Hindi sumagi sa isip ko iyon. Ang totoo iisa lang naman talaga ang dahilan ko kaya ko ginawa ito, pero nang mabanggit nga ni Manang Flor lalo tuloy akong ginanahan sa plano. Pag nakita ni Papa na nakakapagluto na ako, na natututo na ko sa mga gawain rito, may tsansa na alisin niya na ang parusa sa akin.

I smiled even more. It's like hitting two birds with one stone!

Si Manang Flor ang kumilos sa karamihan ng trabaho dahil nga 'di pa naman ako sanay na magluto, pero nandoon pa rin ako sa tabi niya para manood at mag-asikaso. Lahat ng namatyagan ko isinaulo ko talaga magmula sa paggisa ng kanin at pag-marinate ng karne. I even took note of the recipes and save it on my phone.

"Manang Flor, wait, ha? Charge ko lang phone ko sa taas," paalam ko sa kasama.

I got so excited last night that I even forgot to charge it overnight. Nag-message pa nga sa akin si Renzo nung madaling araw pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya ni-reply-an.

"Sige at pagbalik mo isusunod na natin ireng bistek," sabi niya at tumango sa kinalalagyan ng karne.

Tumango na lamang ako. Lumabas ako ng kusina at madaling umakyat ng grand staircase, pero hindi pa man ako nakakatapak sa pinakaunang baitang nang mapansin ko sa pinakaitaas naman na baitang si Gino.

Nagkukusot siya ng kaliwang mata at parang kagigising lamang. The sight of him made my heart hammer for unexplainable reasons. Hindi ko na lang inintindi ang puso ko at piniling tawagin siya.

"Gino," sabi ko nga habang nakatingala sa kaniya.

Huminto siya sa pagkusot. Bumaling sa kinatatayuan ko at nang sumagi ang mga mala-uling niyang mata sa akin para bang namulupot ang bituka ko. I guess it was me doing things for the first time. Hindi naman kasi ako sanay na maunang mamansin, na maunang humingi ng tawad, na maunang magpakumbaba. Hindi ko nga ni minsan nagawa ito kay Renzo.

Sa kaniya lang. Si Maginoo lang.

Hindi siya sumagot ngunit tumuloy pa rin siya sa pagpanaog. I waited for him to approach me at the side of the staircase. Yet Gino didn't. Hindi ko na masukat ang paninikmura ng bituka ko sa magkahalong hiya at nerbyos pero pinanindigan ko pa rin.

"M-magandang umaga, Gino!" I tried to sound authentic, remembering what my father taught me about greetings.

If you want to make a good impression, always set a positive tone.

Huminto man si Gino sa harapan ko pero hindi naman siya sumagot, sa halip pinaigting niya ang isang kilay sa akin. I felt like my heart was being cut but still put up a smiling façade.

"I'm cooking breakfast. Gutom ka na ba?"

Nanimbang ang titig niya sa akin. "Na naman? Hindi ka ba nadala?"

Naroon ang inis sa tono niya kaya nabura ang kung ano mang ngiti sa labi ko.

"I just.. wanted to make up with you.. sa nasabi ko dati."

Tumawa siya ng pagak. "At sa tingin mo sa luto mo makukuha ang tawad ko?"

I wanted to answer but as if a giant lump was stuck on my throat. I knew he was mad at me but didn't expect his words were this hurtful.

"I.. I'm.."

I wanted to tell him I am with Manang Flor. She's there to guide me, para hindi pumalpak ang plano ko, kasi kung iniisip niyang hindi ako nadala sa nangyari, I did.

Hindi lang ako nadala, kundi natuto ng bahagya, nakonsensiya ng lubos, at ngayon nabagabag ng sobra dahil nararamdaman ko ang isang bagay na hindi ko pa naman nararamdaman noon mula nang 'di ko pa siya kilala.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now