“Palitan mo ‘yong mga banat mo shet. Baduy e.”

“Okay then?”

“Then… gumawa ka ng way para mapansin ka niya.” matamlay na sagot ni Chin.

“Okay… I think kailangan ko magpa tan.”

“Gago… hahaha!”

“I’m serious Dude. Takte ‘tong remote na ‘to ayaw na naman gumana.”

Napatigil sa pagtawa si Chin.

“Nga pala Dude, may bagong deliver na mga baril. ‘Yon ang papractisin natin nila Mars next week.”

Nung mabanggit iyon ni Jonas ay agad na nanumbalik sa isipan niya ang mga araw na nag eensayo sila nila Mars at maiigi siyang tinuturuan ni Jonas. Kung paano hawakan at alalayan ni Jonas ang kamay niya sa tuwing babaril siya at ang pagiging seryoso nito at focus sa pagtuturo sa kanya. Ibang iba ang ugali ni Jonas kapag nag eensayo, lalo siyang namangha sa pagiging disiplinado nito sa sarili.

“Hah, baka di na muna ko sumama sa inyo.”

“Bakit? Ilang araw ka nadin di pumupunta sa resto ah.”

“Busy.”

“Kung kelan naman nagresign ka na sa trabaho tsaka ka naging busy.”

Napahimas nalang sa leeg si Chin at di agad umimik.

“Oo nga pala, meron ako ditong favorite mong chocolates, sale kasi ‘to nung napadaan ako sa mall kaya binil ko hahaha, kunin mo sa office ah. Have to go. Goodnight dude.”

‘Favorite ko ‘yon.’ sa isip isip ni Chin ngunit ayaw niya munang pumunta doon at gusto na muna niyang dumistansya.“Goodnight din.”

“May sakit ka ba? parang ang tamlay mo. Baka masyado kayong nagpapagod ni Mars ah hahaha ! Sige bye!”

Marahang binababa ni Chin ang cellphone sa kanyang mesa, natulala nalang siya at napatingin sa sahig.

“Shet.” bulong niya sa sarili. Matamlay siyang tumayo at pagtingin niya sa may pinto ng kwarto…

“Ay SHET!” sigaw niya at napakapit pa sa upuan sa sobrang gulat.

Nakatitig lang siya dito at pinakalma ang sarili, tumambad sa kanya si Mars na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng balcony niya na kasalukuyang pinapagpagan ang damit.

“Paano ka nakapasok? Kanina ka pa dyan?”

Tiningala siya ni Mars upang tignan.  Ngumiti ito tsaka umiling. Humakbang ito palapit sa kanya habang pinipilit niyang umaktong natural. Hinawakan siya sa ulo nito at tsaka hinalikan ang noo. Napalunok siya at hinayaang ang sariling yakapin siya nito.

“Parkour.” malamig  pero tumonong normal na sabi ni Mars.

Naalala bigla ni Chin na marunong mag parkour si Mars. Kumalas siya at tumingala para tignan ang kasintahan. Napatitig nang maigi si Mars sa mata niya, pansin nito ang pamumungay at bigat niya.

“Bakit ka andito? Marinig ka ni Ethan sumbong pa ko nun kay tita.” mahinang tugon ni Chin.

Hindi umimik si Mars at nanatiling nakatitig dito, hanggang sa hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Chin at agad na hinalikan ito sa labi.

“Hmm teka…” naibulalas ni Chin habang nanlaki ang mga mata ngunit di na niya naituloy pa nung ilakad siya papunta ni Mars sa kama.Napakapit nalang siya sa damit ni Mars upang alalayan ang sarili. Ramdam na ramdam niya ang malalim na paghalik  sa kanya. Hanggang sa maihiga siya ni Mars at pumaibabaw sa kanya. Napapikit nalang din siya at sinagot ang halik ni Mars sa kanya.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Where stories live. Discover now