chapter 45

10.2K 320 826
                                    


"Ui baliw ka!" sabay hampas ko sa kanya nung maisara niya ang pintuan ng kwarto.



Napasandal lang ako sa pader habang nakatayo siya sa harap ko. Madilim at ang lamig sa kwarto niya pero bakit parang pinagpapawisan ako.



"Ito napaka seryoso binibiro lang naman kanina." Paliwanag ko.



Nagulat nalang ako nung bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal. Natakpan ko nalang ang bibig ko para pigilan ang sarili na mapasigaw.



Uriah! Parang baliw.



"Ano ka ba ano ka ba!" reklamo ko habang pinapalo ang braso niya nung itapon ako sa kama. Literal na hinagis ako. Siraulo. Napaupo ako bigla.



Narinig ko pa siyang natawa.



"Sige saktan mo lang ako. Lalo akong natetempt pag ganyan ka." aniya at sobrang hina pero lalim ng boses niya.



Natigilan ako at talagang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Ano ba 'yan!



"Diba sabi bawal ako may kasama sa kwarto. Bawal tayo matulog magkasama sa iisang kwarto..." Paliwanag ko at di ko na natapos ang sasabihin nung lumipat siyang pwesto.



Umupo siya sa likuran ko at nakapwesto ako sa pagitan ng kanyang mga hita. Naramdaman ko ang mga bisig niyang pumulupot saking katawan.



"Sino ba nagsabing matutulog tayo?" sabi niya malapit saking tenga. Agad na nagtaasan ang aking mga balahibo at para akong nakiliti sa boses niyang... bakit ang sexy ng boses niya?



Agatha Agatha! Kalma. Kalma ka lang. Ayan mapang-asar ka ha.



Hindi na ako nakaimik naestatwa na ako.



"Tsaka sabi ni Kelvin, mag-isa ka lang dapat sa kwarto MO. E hindi mo naman 'to kwarto..." sabay kalas niya ng pagkakayakap sakin, marahan niyang inipon ang buhok ko tsaka inilugay saking kaliwang balikat.



"H-hoy! Ikaw pilosopo ka talaga." Sht. Nauutal ako! Grabe napakapilosopo talaga niya. Hmmm. Gusto ko 'yon.



Hoy ano ba Agatha! Wag kang papadala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon