chapter 44

4K 132 94
                                    

"Ilang araw nga ulit tayo dito?" tanong ni Kurt habang nilalantakan ang baon kong sandwich.


"Tatlong araw nga Kurt paulit ulit." iritableng sagot ni Jonas habang nakatingin sa kanyang cellphone.


Napagala ang tingin ko sa laki ng resthouse na ito. Andito kami sa Baler, Aurora. Isa sa mga property ni Dad ang resthouse na 'to na may beach front view. Wood and concrete ang tema ng bahay, tatlong palapag at may walong kwarto. Meron din infinity pool.


"Just want to remind everyone na we are here para mag insayo. Right Kelvin?" ani Mars sabay akbay kay Chin. "Bango mo babe."


"Yeah. So magpahinga na muna ang lahat. Kayo na pumili kung saan kwarto ang gusto niyo. 2:00 pm pa lang naman. 5:00 pm tayo mag start."


"Okay tara babe dun tayo sa iisang kwarto." aya ni Mars kay Chin. Tumango si Chin.


"Demi..." ani Jonas kaya napatingin kami sa kanila.


Halata sa mukha ni Jonas ang frustration. Tila may gustung gusto sabihin. "Tabi tayo kwarto." sabay hilamos ng palad sa mukha.


"Hahahhahaha." Silang lahat. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil ayaw kong matawa nang malakas.


"Opo young master."


"Takteng buhay 'to." bulong ni Jonas.


Sabay naman kaming napatingin ni Uriah sa isat isa.

Hala kinabahan ako bigla.


"By the way, bilin ng dad niyo young lady na mag-isa ka lang daw sa kwarto mo." singit ni Kelvin.


"Yown. Salamat Mr. Brahmin." Jonas.


"Hahahahahha iyak pre." Mars.


"Tama yan damay damay na." Dominic.


Hindi ako umimik. Baka sabihin nila nalungkot ako bigla.

Pero ano ba naman daddy! Minsan na nga lang makalayo layo sa mata ni dad e. Kaso andito si Kelvin naman.


4:30 PM nung magising ako dahil sa gutom. Buti nalang at gising na din si Kurt na nagluluto ng pasta. 


5:00 PM nung lumabas kami at pumunta sa may dalampasigan. Ano kaya ang ensayong gagawin namin? 

Martial arts? 1 vs. 1?  Wala naman kasi kaming nakikitang mga kagamitan dito.


"Anong gagawin natin?" tanong ko.


Ngumiti nang malapad si Kelvin at tumingin sa dagat na pagkalakas lakas nang hampas ng alon.


"Patagalan sa dagat." aniya at binato ang hawak na coral sa dagat.


"Ayun lang?" ani Mars.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon