chapter 42

4.4K 157 95
                                    


Hindi siya agad sumagot, tumitig lang siya sakin at napabuntong hininga. Ang mukha niya ay napakaseryoso. Magsasalita pa sana ako ulit nung bigla siyang ngumiti nang nakakaloko.

"Biro lang. Hahahah hay nako Agatha. Kahit di ko tignan ang pulse rate mo e alam ko kung gaano kabilis yan ngayon. Tinitignan ko lang ang iyong emotional and mental capacity. Masyado kang halata. Dapat matutunan mo din kontrolin ang mga yan. Manang mana ka sa mom mo."

Napahinga ako nang malalim at napainom. Aatakihin ako dito kay doc e.

"Dapat matuto ka din kontrolin ang emosyon mo. Madali kang mababasa ng kalaban mo. Isa 'yan sa mga dapat matutunan mo."

Well... aminado ako, madalas ay di ko maitago ang emosyon ko. Makikita mo sa mukha at pananalita ko kung ano ang nararamdaman ko. Pero tama si doc, kailangan ko matutong pigilan ang mga 'to.

Ang hirap. Pero kung iisipin mo ay nagagawa iyon ng mga kaibigan ko. Talagang napahusay nila at gusto ko din matutunan kung ano ang meron sila.

Sa susunod, kasabay ko na silang ginagawa kung anuman ang ginagawa nila ngayon. Kailangan ko lang muna talaga magsimula sa pinaka basic.

Maya maya ay iniwan ko na muna si doc para pumuntang kusina kasama si Tammy upang ipaghanda ng makakain ang lahat . Na walang ginawa kundi ang magdaldal tungkol kung paano kahusay ang aking kapatid na si Ethan.

Di naman halatang crush niya si Ethan. Pero hayaan natin, di ko siya aasarin para hindi siya mailang. Magluluto nga din ako ng pancit canton, favorite 'to ni Demi e. Kararating niya lang kasi ngayon ulit dito galing probinsya.

Natapos na ang ensayo naming lahat. Wala kaming mga pasok bukas kaya napag pasyahan na mag overnight dito sa HQ. Andito kami ngayon sa garden at nag barbeque party. Kompleto kami ngayon at nagsasaya.

"Kausap ko pala ang daddy mo kanina sa phone." Ani Uriah nung abutan ako ng hotdog at umupo sa tabi ko.

Madalas kami magkasama nitong mga araw. Natutuwa ako sa nangyayari.

"Hmm bakit daw?"

"Kinakamusta lang tayong lahat. Uwi na daw siya sa isang araw."

"Waww close na kayo?"

"Ayaw mo daw siya kausapin e."
Sabay narinig ko siyang ngumisi at ininom ang beer na hawak

Lakas maka commercial ha. Pero grabe, sarap niya panuorin habang umiinom grabe ung lunok talaga rinig na rinig mo e tapos yung adams apple makikita mong ang ganda ng pagkakahulma tapos pagkatapos iinom mapapa 'ahh' na parang sarap na sarap siya sa beer.

Napakagat tuloy ako sa hotdog na hawak ko. Masarap ba yang beer? Parang gusto ko din tuloy uminom.

"Hala gusto ko din ng hotdog." sabi ni Chin at parang nagmamaktol na bata habang inaagawan si Ethan.

"Kumuha ka dun wala ka bang kamay at paa." sagot ng masungit kong kapatid.

"Oi Mars hotdog daw sabi ni Chin." sigaw ni Jonas kay Mars na nasa ihawan.

Bitbit ni Mars ang inihaw at nakangising lumapit at tumapat sa harap ni Chin na nakaupo malapit sakin.

"Hotdog babe? Pili ka ito..." sabay nguso ni Mars sa kanang braso na may hawak ng stick ng hotdog. "Oh ito..." sabay nguso sa ibabang...

na sinundan din namin lahat ng tingin.

Oh my! Nanlaki ang mga mata ko at inalis ang tingin dun. Binaling ko nalang sa direksyon ni Uriah na saktong pagtingin ko ay nakapangalumbaba at nakatingin sa mukha ko.

Tila tinitignan niya kung anong reaksyon ko sa ginawa ni Mars. Bukod sa kumakabog na dibdib ko ay malakas na tawanan ang naririnig ko.

Namula ako bigla at di nakapagsalita.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon