"Ewan?"

"Control your jealous ass."

"It is hard."

"You chose that."

I smiled sadly because I deserve this feeling. Deserve ko ang takot na nararamdaman ko na baka mapalapit siya sa iba at mahulog sa iba. Natatakot ako tuwing iniisip ko 'yon, dahil paano ako kapag nangyari 'yon? Saan ako pupulutin kapag nakahanap siya ng iba at nakaramdam ng pagmamahal sa ibang lalaki?

"Hindi mo pa ba nakikita kung sino ang para sakaniya?"

"Hindi. Putangina nga e."

I always see other people's fate, kung sino ang makakasama nila, kung sino ang makakatuluyan nila, but I don't see mine and her! Isn't it unfair?


"Kabahan ka na." Pang aasar niya.

"Ikaw ang kabahan."

"Bakit?"

"Parang hindi ikaw ang magiging asawa ni Lancie e." I said and I laughed. He immediately stood up and sat beside me.

"Gago, sino?"

"Ewan ko. Hindi ko kilala." Pang iinis ko sakaniya.

"Seryoso nga man?"

"Oo nga. Galaw galaw din kasi. Ikaw din bahala ka."

Sinuntok niya ang braso ko atsaka niya ako inirapan. Attitude din talaga 'to e. Kung hindi ko lang kaibigan 'to baka nasapak ko na siya.

"Nga pala, bakit ikaw lang mag isa rito? Nasaan si Raine?"

"Umalis sila ni Rej. Bumabawi sa kapatid niya." He said at tumango na lamang ako.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko habang iniisip ang pag uusap namin nang makauwi ako ulit ng bansa. Luke called nang malaman nila na hindi pala ako tuluyan na nakakalimutan ni Reginy. It made me wonder why she didn't forget me. Dapat wala na ako sa alaala niya. I should've introducing myself again to her.





I held my head as I am slowly waking up. Agad kong nakita si Brandon na nakaupo sa may couch at nakatingin sa akin. I looked at my hand at nagulat ako nang makitang hindi ito nakatali.

"Ba't hindi ako nakatali?" I asked and he walked towards me. Inalalayan niya ako sa pagupo sa kama.

"Man, Luke called one week ago."

"Oh?"

"Rej still remembers you." He said which made my jaw dropped.

"What?"

"Hindi rin nila alam kung bakit natatandaan ka pa niya. Nakalimutan niya na ang tungkol sa inyo pero kilala ka pa rin niya."

How did it happen? She should've forget me.

"Is she just pretending? Baka nagpapanggap lang siya."

"No, she isn't. It's Luke who she likes now."

I called her before going home at doon ko na kumpirma na naalala niya pa rin ako. I booked a flight going home in the Philippines with Brandon. Dumiretso ako agad sa bahay nila at nadatnan ko silang nagsasaya. It pains me to see that they are complete without me and they look happy. They are enjoying without my presence.


"Can we talk? Alone." I told Raine.

Ramdam ko ang galit niya at tagos 'yon sa buto ko. Alam kong nagpipigil lang siya ng galit sa akin dahil nandirito si Reginy. This is the first time na mag uusap kami after my dad's birthday.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now