HSTT - 56

4K 185 44
                                    

🖤🖤🖤

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakaharap ako sa salamin at tinitignan ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Soot ko ang gown na pinagawa namin noon para sa prom na 'to. Today is Friday, and it's our ball night.

I'm wearing an off shoulder silver silk gown with a long slit on my right leg. Nakalugay ang buhok kong nakakulot sa ilalim at may maliit na korona sa ulo ko. It's a headband actually. I feel like I look like a princess. Hindi naman sa pagmamayabang, but I think I'm so beautiful tonight.

"You look so gorgeous, baby."

I looked back and I saw Kuya Raine at my door. Nakatayo siya roon habang nakatingin sa akin at nakangiti. He walked inside and stood beside me.

"You look like Mom."

"Do I?"

"Yep. You're so gorgeous just like her."

"Thanks. Pero sinong mas maganda? Ako o si Ate Jenny?" Nakangiti na tanong ko at bigla siyang naubo sa tanong ko.

"W-what did you say?"

"Sino kako ang mas maganda? Ako o si Ate Jenny? 'Yung girlfriend mo."

"How did you know about her? About us?"

"Ano..." I paused for a while, thinking how did I know about it.

God! Paano ko nga ba nalaman? Pilit kong inisip at kinalkal sa kokote kung paano ko natuklasan ang tungkol sakanila pero bakit wala akong maalala? Hindi niya ba sinabi sa akin?

I touched my head when I felt pain while thinking about it

"Hey, are you okay?" Tanong niya at ngumiti na lamang ako.

"Don't think about it anymore, and yes. You're way prettier than her tonight."

"Only tonight?"

"Hmm..." He put his index finger on his head like he was thinking.

"Okay, okay. I got it. She's your woman so it's natural na mas maganda siya kaysa sa akin and that's a fact."

"Go downstairs. Axel is waiting for you."

Kinuha ni kuya ang purse ko atsaka niya ito inabot sa akin. Si Axel ang kasabay kong pupunta ng Rockwell dahil siya ang date ko. 'Yung plano ko sana na dito nalang si Lei mag ayos ay hindi natuloy dahil ayaw ni Luther pumunta rito sa amin. Ewan ko ba kung bakit.

"Until what time ang ball?" Kuya asked while we're heading down stairs. Inaalalayan niya ako sa pagbaba.

"Not sure, Kuya. Pakisabi pala sa make up artist, thanks ha. He did a great job and you did a great job too sa pagpili sakaniya. Thanks, Kuya!"

"Tell that to Jenny. Siya ang naghire non at nagbayad."

"Really?!"

Umalis na kasi kanina 'yung bakla na make up artist dahil may pupuntahan pa ito. I didn't know na si Ate Jenny pa pala ang nag hire don. Well, maybe Kuya told her about my ball dahil sakaniya ako nagpapahanap ng make up artist e.

"Yep."

"Okay. If I meet her, I'll say thanks."

Huminto kami sa living room and I smiled at Axel when I saw him there sitting. He stood up from the sofa and looked at me while smiling. Pakiramdam ko ang pula pula ng mukha ko dahil sa way ng titig niya sa akin.

He is wearing a black suit and it perfectly fits him. Kahit pa naman 18 palang siya, his body is good enough to look like a well man. He's really handsome and I won't deny it.

His Story To Tell (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt