HSTT - 28

5.7K 194 100
                                    

🖤🖤🖤 

I woke up with a big bright smile on my face! Simula sa pag mulat ng mga mata ko hanggang ngayon ay hindi na mawala ang saya sa akin. Not just because it is my birthday but because this day is special to me and Kuya Ryoga.

I can't just believe that we are finally official! Sa lahat ng inimagine kong maging jowa, si Kuya Ryoga 'yung never kong inimagine tapos sakaniya pala ako babagsak. God! Things happen unexpectedly talaga.

Pero sa kabila ng saya na nararamdaman ko ay hindi ko maitatago ang takot. Takot na malaman ni Kuya Raine ang tungkol sa amin. Oo masaya ako pero nakokonsensya rin ako at the same time. I am betraying him. I am lying to him. I am keeping a secret from him at ang mas malala, 'yung ka bilin bilinan niya pa ang sinuway ko.

Mommy, Daddy, sana okay lang po kayo riyan sa langit. Sana hindi po kayo galit sa akin at sana masaya po kayo para sa akin.


"Beeeees! Happy birthday!" Nagising ako sa pagkaka tulala ko at napa lingon ako nang marinig ko ang sigaw ng bestfriend ko. Tumakbo siya papalapit sa akin at sinalubong niya ako ng yakap.

"Thank you, Lei." Pasasalamat ko sakaniya. Humiwalay siya sa akin at inabot niya agad ang paper bag.

"Para sa akin?"

"Malamang! Alanganaman para sa Kuya mo? Ikaw may birthday 'di ba?" Pamimilosopo niya.

Nginitian ko na lamang siya dahil baka makonyatan ko lang siya ng wala sa oras. Gaga 'to.

"Thanks ha. Kahit pilosopo ka."

"Uy, Leinah. Nandito ka na pala." Lumapit si Kuya Raine sa amin atsaka niya inakbayan si Leinah.

Napa kunot ang noo ko sa nakikita ko dahil feeling ko bagay sila? Jusko! Ito na ba ang epekto ng pagiging mag jowa namin ni Kuya Ryoga? Lakas ha!

"Syempre naman, Kuya. Papahuli ba ako? Ano bang handa?"

"Mga favorite niya syempre."

"Masarap ba ang pagka luto? Ikaw nag luto?"

"Syempre naman masarap 'yon. Si Luke nag luto lahat hindi ako."

Well, hindi na umuwi si Kuya Luke at dito na siya natulog. Hindi siya umuwi dahil siya pala ang mag luluto lahat ng handa namin. Grabe lang e. Pinag luluto niya ako pero pinapalitaw namin sa Kuya ko na marumi siyang mag isip sa amin ni Kuya Ryoga. Naaawa tuloy ako sakaniya. Siguro gagawa nalang ako ng mabubuting gawain sakaniya. Like, tulungan siya kay Lancie ganon. Pambawi man lang.

"Naku. Crush mo pala ang nag luluto ng mga pagkain e." Pang aasar sa akin ni Leinah at dumila nalamang ako sakaniya.

"Bawal pa magka crush 'yan."

"Kj mo naman, kuya."

"Kj talaga 'yan." Pag sang ayon ko at tinawanan namin siya ni Leinah.

"Saan na kaya si Ryoga? Ba't wala pa siya?" Tanong ni Kuya Raine. Kinuha niya ang cellphone niya at mukhang tatawagan niya na si Kuya Ryoga.

Nang umuwi siya kaninang madaling araw ay nagsabi siya sa akin na mali-late daw siya ng dating dahil may aasikasuhin pa raw siya. Hindi ko naman alam kung ano.

"Rej, papaupuin mo na muna si Leinah sa living room." Tinulak niya si Leinah at sinuntok naman siya nito. Cute nila.


"Tara na bes. Gutom ka na ba?" Tanong ko sakaniya habang papunta kami sa living room.

"Hindi pa naman."

"Kain ka na kaya?"

"Gaga ka. Ano? Mauuna akong kakain? Yoko nga. Sabay sabay na tayo."

His Story To Tell (R-18)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu