HSTT - 32

6.5K 186 33
                                    

🖤🖤🖤

Bumyahe kami pauwi sa bahay nang kami lang ni Kuya Ryoga. Mas nauna na kaming umalis at iniwan namin doon si Ritsumi kasama si Kuya Red. Hindi na kami nagpa alam pa sakanila at basta nalang umalis.

Hindi umimik buong byahe si Kuya Ryoga at hindi nalang din ako umimik. He was silent and he looked like he was thinking the whole journey so I let him think. Hindi na ako nakisabay pa.


Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang sagutan nilang mag Kuya. Why does Kuya Red need to tell na makipag hiwalay sa akin or else may sasabihin siya sa akin? It was pretty obvious that he was blackmailing Kuya Ryoga. Tungkol kaya saan 'yon? Pero palagay ko ay tungkol ito sa pagka tao niya. Sa mga sikreto niya.

Nang dahil sa outing na 'yon, mas lalong dumami ang mga tanong na nasa isipan ko.

Yung picture frames. 'Yung picture niya noong bata siya kasama ang isang babae at 'yung picture na nasa walk-in loset kasama ang Mommy niya at Mommy ko. 'Yung sagutan nila ni Ritsumi. Kung paano lumuhod si Ritsumi sa harapan niya dahil alam niyang nag sisinungaling ito. Tapos nag punta pa si Kuya Red sa resort na 'yun dahil sa pag tawag ni Ritsumi sakaniya. I wonder why Ritsumi got so scared with Kuya Ryoga that time? Ano bang meron sakanila? Sumasakit ang utak ko sa totoo lang! Buti nalang holiday ngayon at walang pasok.





Humiga ako sa kama ko at binalot ko ng kumot ang katawan ko. Ayos lang kaya si Kuya Ryoga? Hinatid niya lang ako rito kanina at agad din siyang umalis. Kuya Raine is not here dahil malamang nasa trabaho siya at hindi ko na siya naabutan pa. Mag isa ko lang tuloy ngayon sa bahay. Nakaka lungkot naman.

Mas maigi nalang siguro kung matulog ako. Kailangan ko pang mag pahinga dahil napagod ako sa lahat nang nangyari kahapon at kanina. Pakiramdam ko mas napagod ako sa pag iisip e.








Unti unti akong nagigising mula sa pagkaka tulog ko dahil sa pag ring ng cellphone ko. Inabot ko ito sa gilid ng kama habang naka pikit pa rin ang mga mata ko. Inaantok pa rin ako.

"H-hello?" I answered.

"Nasa bahay ka na raw?" It's Kuya Raine.

"Oo, Kuya. Hinatid ako ni Kuya Ryoga kanina. Bakit?"

"Wala kang kasama diyan ngayon?" Nag aalalang tanong niya.

"Wala? Wala ka pa yata sa bahay e."

"Tangina naman ba't iniwan kang mag isa."

"Ha?" I asked dahil hindi ko narinig masyado at isa pa ay inaantok pa ako.

"Kakagising mo lang ba o ano?"

"Natutulog ako. Nagising lang ako dahil sa tawag mo. Bakit ba?" I decided to open my eyes even though I didn't want to.

"Lagpas 11 PM na tapos ikaw lang mag isa riyan sa bahay!" Bulyaw niya sa akin at bakas sa boses nito na galit siya.

"Ba't ka nagagalit? Umuwi ka nalang kaya, Kuya?"

"Nasa Cebu ako. Can I fly?"


Umupo ako sa kama and I checked the time on my side table. It's 11:36 PM na pala. Ang haba pala nang itinulog ko? I haven't eaten yet. Mas lalo akong mapagagalitan nito e.

"Anong ginagawa mo riyan sa Cebu?"

"Mamaya mo na ako tanungin tungkol diyan. Tatawagan ko si Ryoga para samahan ka."

"S-sige."

"Wait! Huwag mong papatayin ang tawag ko hanggang sa dumating si Ryoga riyan. I'll call him using my another phone."

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now