Gusto ko siyang lapitan at itanong sa kanya kung saan ang masakit at kung bakit parang naiiyak siya pero wala akong lakas nang loob, natatakot ako na baka ang isagot niya ay ang mga nagawa kong mali sa kanya nuon.

"Sino? Sinong nagyaya sayong kumain sa labas? Bakit ka pumayag?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong bahagyang lumapit sa kanya upang abutin ang kamay niya pero agad din niya itong iniwas, napatitig nalang ako sa kanya dahil sa inasta niya.

"Katherine."

"Wag ka mag alala dahil hindi naman ako sumama sa taong hindi ko naman kilala." Paliwanag niya naman habang hindi makatingin sa mga mata ko.

"Kung ganun sino ang nagyaya sayo lumabas? Si Alexander ba?" Saad ko dahilan para mapatingin siya sa akin at kita ko ang pamumula nang mata niya. "Siya ba?" Dugtog ko pang tanong sa kanya.

"Oo, si Alexander." Napansin ko ang bahagyang pag kunot nang noo niya upang pigilian ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata niya.

"B-bakit?"

"Anong bakit? Wala naman sigurong masamang lumabas nang kasama siya, single naman ako tsaka manliligaw ko siya." Saad nito sabay iwas ulit nang tingin sa akin.

Tama ba ang narinig ko? Manliligaw? Sino si Alexander? Nililigawan siya nang kaibigan ko?

"Hindi ka single Katherine, may asawa ka at anak. Ako ang asawa mo." Kahit na halos manginig na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Nililigawan ka niya? Pumayag kaba?"

"Oo naman, bakit hindi naman ako papayag? Tsaka mabuting tao si Alexander kaya hindi din malabong mahulog ang loob ko sa kanya."

Napayuko nalang ako at bahagyang napapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko, ganito pala talaga kasakit kapag yung taong mahal mo ay nabaling na sa iba ang atensyon niya.

Agad akong tumayo at napansin ko siyang tumingin sa akin dahil sa pag tayo ko. "Aalis na ako, matulog kana din dahil anong oras na." Saad ko sabay labas nang mansyon nila nang hindi man lang siya tinitignan.

Ito ang pinakamasakit sa lahat dahil umaasa ako na susundan niya ako upang pigilan sa pag alis ko, ganun naman siya dati diba? Hindi niya hinahayaang magalit o masaktan ako dahil lagi niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal, dahil sa sakit na pinaramdam ko sa kanya ay nagbago ang lahat nang iyan dahil nang makasakay na ako sa sasakyan ko ay walang Katherine na lumabas sa mansyon nila.

Napasuntok nalang ako sa manubela ko habang hindi ko na mapigilan pa ang pag agos nang mga luha ko, ginusto ko naman to nung una diba? Ginusto ko naman na iwan niya na ako pero bakit nagkakaganito ako? Ako naman ang may gusto nito, tinupad niya lang ang kagustuhan ko pero bakit ganito ang inaakto ko ngayon?

Hinayaan ko lang na mailabas ko muna ang lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon bago umuwi, dahil baka pag nag maneho na ako habang sobrang bigat pa nang nararamdaman ko at sa kapal nang luha sa mata ko ay maaksidente ako. Hindi puwedeng mangyare yun dahil bubuoin ko pa ang pamilya ko, makakasama ko pa nang matagal ang mag ina ko.

Nang medyo okay na ang nararamdaman ko ay napag pasyahan ko nang umalis at umuwi sa bahay namin ni Katherine, ngayong alam kong nililigawan kana niya ay mas dodoublehin ko pa ang effort na ipaparamdam ko sayo Katherine. Hindi ko hahayang mahulog ang loob mo sa kanya, hindi ko hahayaang tuluyang mawawasak ang pamilya natin.

KINAUMAGAHAN, nagising nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Agad akong napahawak sa ulo ko at bahagyang umupo tsaka sumandal sa headboard nang kama ko, hinilot ko iyon upang mabawasan kahit konti ang pag kirot nun. Mukhang naparami nanaman yung pag inom ko kagabi, naalala ko na pag kauwi ko kagabi galing sa mansyon nila Katherine ay agad akong tumungo sa bar counter dito sa bahay namin at naglabas agad nang hard drink tsaka diredoretsong nilagok iyon.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Where stories live. Discover now