CHAPTER 25

2.1K 69 6
                                    

Kevin's POV

Halos mapadaosdos na ako sa kinakatayuan ko dahil hindi ako makapaniwalang nakatingin sa babaeng nasa harap ko ngayon. "Kevin, I miss you."

Unti unti itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kevin nararamdam mo ba siya? Anak natin yan, anak mo yan." Naramdamdam ko nalang ang mga luha kong nag uunahang pumatak habang nakatingin sa mga mata niya.

Gustong gusto ko siyang yakapin pero di ko magawang makagalaw, gusto kong sabihin sa kanya ang patawad at mahal kita kaso walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Ang bilis nang araw no? Parang kailan lang nalaman kong buntis ako pero ngayon malaki na ang tyan ko, ang kulit na nga nang anak mo e." Nakangiting sabi nito sa akin at napatingin nalang ako sa tyan niyang malaki na, ang anak ko.

Habang hawak ni Katherine ang kamay kong nasa tyan niya ay diko maiwasang maiyak sa sobrang saya dahil hindi ako makapaniwala na ang mag-ina ko ay nasa harap ko ngayon.

Napatingin nalang ako sa maganda niyang mukha, nakita ko itong nag sasalita pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Pilit kong binuka ang bibig ko upang mag salita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko, parang kinukurot naman ang puso ko nang makita ko ang sunod sunod na pag patak nang luha niya.

Ano bang nangyayare sa akin bakit di ako makagalaw at makapag salita? Napatingin nalang ako sa kamay ko nang bitawan niya iyon at nag lakad siya papalayo sa akin.

No please! Hindi ko kakayanin pag umalis ka, kayo nang anak natin. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, gusto kong tumakbo papalapit sayo para pigilan ka sa pag lalakad papalayo sa akin pero hindi ko magawa makagalaw tangina!

"I love you."

Bigla nalang ako napabalikwas nang bangon at hingal na hingal akong nakaupo sa kama ko, nagtataka akong pinalibutan nang tingin ang silid dahil ang huli kong natatandaan ay umiinom ako mag isa sa bar ni James pano ako nakauwi dito?

Bigla nalang ako napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako nang pagkahilo, shit naparami nanaman ata ang nainom ko.

Napapikit nalang ako at napasabunot sa buhok ko nang mas lalong sumakit yung ulo ko. May imahe akong nakita, imaheng naging dahilan para maimulat ko agad ang mata ko.

Katherine?

Agad akong tumayo at lumabas nang silid ko. "Katherine?" Tawag ko habang pababa nang hagdan, pero pagkababa ko sa sala ay sinalubong lang ako nang tahimik na kapaligiran.

Wala ni isang bakas ni Katherine ang nakita ko, napaupo nalang ako sa sofa at naramdam ko nalang ang mga luha kong umaagos mula sa mata ko.

Panaginip lang pala ang lahat, kung alam ko lang na panaginip lang ang pangyayareng iyon Katherine sana hindi nalang ako nagising. Sana nanatili akong tulog kung saan makakasama kita, makakasama ko kayo nang anak natin.

Katherine's POV

Akala ko sa mga oras na iyon ay mamatay na ako, akala ko hindi na kita makikita pa Kevin.

Palihim akong nakatingin sa kanya habang umiinom siya nang alak, diko alam pero ramdam ko ang sakit nang pinag dadaanan niya siguro dahil nalaman niya na ang panloloko sa kanya ni Angel.

Ilang buwan na ang nakakalipas nang pumutok ang balitang patay na ako, pero lahat nang iyon pawang pampapanggap lamang.

Plinano nang parents ko na palabasin na patay na ako dahil gusto nilang makita kung talaga bang nag sisisi si Kevin sa lahat nang ginawa niya sa akin lalo na nung sinabi sa kanya na nag dadalang tao ako.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon