CHAPTER 23

2.3K 73 13
                                    

Kevin's POV

Gabi na at hanggang ngayon ay hindi padin bumabalik dito si Alexander, mas lalong dumadami na din ang mga taong gustong makiramay pero sinigurado ni Daddy Antonio na walang reports na makakapasok.

Kita ko ang lungkot sa mga mata nang taong dumadating, karamihan sa mga naririnig ko ay sila yung mga tinulungan ni Katherine dahil sa mga pinatayo nitong charity, libreng school at libreng hospital para sa mahihirap.

"Dre una muna ako balik nalang ako mamaya." Agad akong napatingin kay James nang mag salita ito.

"Sige dre, salamat." Tumayo ako at yumakap sa kanya, ngumiti lang ito at nag lakad papalayo.

Napaupo nalang ulit ako at tumitig sa kabaong nang asawa ko, punong puno nang mga bulalak ang sala nang mansyon nila pati sa labas at garden ay marami din. Nag kalat din ang malalaking picture niyang nakangiti, mga ngiting kailanman ay hindi ko na makikita pa.

Ilang araw na akong di kinakausap nang mga magulang ni Katherine, tanggap ko naman yun dahil sinaktan ko ang anak nila pero kahit na di nila ako pinapansin ay ni minsan di nila ako pinalayas sa bahay nila.

Hinayaan nila akong makita at makasama ko ang asawa ko, nalaman ko din kay Daddy na hindi tinanggal nang Daddy ni Katherine ang lahat nang shares nila sa kompanya namin at dun ko napag tanto kung gaano sila kabuting tao.

Naramdaman ko nalang ang pag agos nang mga luha ko sa pisngi ko habang nakatitig sa larawan nang asawa ko na nasa tabi nang kabaong niya. Sobrang ganda niya dyan, sobrang ganda nang mga ngiti niya na para bang mapapangiti kana din pag nakita mo iyon.

Tinitigan ko pa lalo ang larawan niya at habang patagal nang patagal ay dun ko nakita kung gaano kaganda si Katherine, ang mala anghel at mala dyosa niyang mukha ang dahilan kung bakit maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya.

Sa dinami dami nang lalaking nagkakandarapa sa kanya ay ako ang napili niya, bakit diko man lang nakita kung gaano ako kaswerte nang ako ang piliin mo Katherine? Na ako ang minahal at pinakasalan mo, bakit nagawa pa kitang saktan at lokohin?

Dahil hindi ko na mapigilan pa ang emosyon ko ay agad akong tumayo at lumabas nang mansyon nila tsaka ako nagmadaling sumakay sa sasakyan ko, nagkagulo ang mga reporters nang makita nila ako buti nalang at nakasakay ako agad sa sasakyan ko dahil kung hindi maiipit ako sa mga tanong nila at yun pa naman ang iniiwasan ko.

Binuhay ko ang makina nang sasakyan at mahigpit akong napagawak sa manubela nang sasakyan ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil bawal akong malumod sa emosyong nararamdaman ko dahil baka ito pa ang maging dahilan para maaksidente ako.

*Beeeeeeeep*

Malakas kong binusinahan ang mga taong nasa harap nang sasakyan ko at nag sigilid naman sila, nang mapansin kong makakadaan na ang sasakyan ko ay agad kong pinaharurot iyon palayo sa mansyon nila.

Biglang nag flash sa isip ko yung sinabi niya nung birthday party niya habang kausap niya ang parents niya. "Gusto kong pumunta nang Palawan Mom, gusto kong pumunta dun kasama ang asawa ko." Paano tayo makakapunta nang Palawan kung wala kana Katherine? Paano ko matutupad ang kagustuhan mong pumunta dun nang kasama ako?

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na din ako nang bahay namin, bumaba ako sa sasakyan at pumasok sa loob.

Dumeretso ako sa kusina at kinuha ang tatlong bote nang alak tsaka ako tumungo sa sala, napasalampak nalang ako sa sahig at inilapag ang hawak kong alak sa center table.

Ang dilim nang kabuoan nang bahay at ang tanging liwanag lang nang buwan ang siyang nag bibigay nang konting liwanag, parang ang buhay ko ngayon na madilim din at tanging alaala nalang ni Katherine ang nagbibigay sa akin nang konting liwanag upang kayanin ang bangungot na kinakaharap ko ngayon.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon