Nang malaman kong nagaaral siya ng masteral for bussiness administration sa Ateneo ay napilitan din kami ni Sergio na magenrol duon kahit pa nakatapos na din naman kami sa ibang bansa.

"Gagawin mo talaga ito para mapalapit kay Stella...para ba ito sa kapatid mo o baka naman type mo?"  pangaasar niya sa akin. Kaagad ko siyang inirapan.

"She's not my type, will you stop...naiirita na ako sayo" suway ko sa kanya. Minsan natutuwa ako sa pagiging madaldal niya lalo na kung tungkol sa importanteng information. Pero pag sa mga ganitong bagay. Ang sarap suntukin ni Sergio para manahimik.

Nalaman ko din ang tungkol sa mga pagreto reto ng Daddy niya sa kanya. Nakakainit ng ulo lalo na't mukhang ayos lang sa kanya ang set up na iyon.

"I don't do boyfriends" pagtataray niya sa akin pero hindi naman makatingin sa akin ng diretso. Ang babaeng ito!

Nagtangis ang aking bagang. At parang ang kapal ng mukha ng babaeng ito sa parteng iyon. Gandang ganda sa kanyang sarili, Oo maganda ka! Kaya manahimik ka diyan.

"Whoa, I'm not hitting on you. You are not my type" there, I said it.

Nakita ko ang mas lalong pagpula ng kanyang mga pisngi. Gusto kong mapangiti, parang ang sarap niyang asarin palagi. Damn this girl.

Ginamit ko pa ang connection ko para lang mapilit ang professor na maging magkagrupo kami. Kasama na duon ang ex fiance niya at ex bestfriend. Nung una ay akala ko mageenjoy ako, pero sa tuwing kinukulit niya si Stella at nahuhuli ko siyang nakatingin dito ay parang gusto ko na lang sundutin ang mata ng Ram na iyon.

Napangisi ako isang araw ng makita kong madilim ang langit. Mukhang uulan ng malakas, pwedeng pwede ko ng magawa ang plano ko. Kaya naman ng makakuha ako ng tiempo ay kaagad kong isinagawa iyon. Binutas ko ang gulong ng kanyang sasakyan. Buti at napigilan ko pa ang aking sarili, isang gulong lang ang binutas ko. Gusto ko sana ay sirain na ng tuluyan ang sasakyan niya para ako na lang ang maghatid sundo sa kanya.

Dinala ko siya sa condo ko ng hindi kami makadaan sa bahang kalsada dahil sa dala kong sports car. Tingnan mo nga naman ang tadhana, talagang umaayon sa akin.

Nainis pa ako dahil matatagal ang pagkain pag umorder pa ako dahil sa lakas ng ulan. Sinuway pa ako ni Stella na wag na lang piliting magpadeliver dahil kawawa naman ang driver. Aba't nangengealam pa siya, wag niya akong inisin at hindi ako magandang magutom.

"Ayaw ni Daddy, mas gusto niyang mag focus kami sa pagaaral" sagot niya sa akin ng tanungin ko siya kung narunong siyang magluto.

Napanguso ako. "Hindi ka pala pwedeng asawahin kung ganuon" sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagkahiya niya dahil sa akin sinabi. Wag kang magalala, ako marunong...akong bahala sayo.

Marami akong nalaman sa kanya tungkol sa aking kapatid. Dahil duon ay may update ako palagi, naging madali ang pagbabantay ko sa aking kapatid, at sa kanya na din.

Nalaman ko ding sinasaktan sila nito. Mas lalo kong minadali ang trabaho ng malaman ko iyon. Kukuhanin ko si Frances, at kung papayag si Stella ay isasama ko din siya. Mas lalong tumindi ang galit ko kay Mr. Serrano ng makita kong may pasa si Stella isang araw ng pumasok siya.

"Sinong may gawa sayo niyan?" tanong ko, hindi ko na din napigilan ang aking sarili. Ni hind niya magawang tumingin aa akin. Nakaramdam ako ng inis sa kanya ng itinanggi pa niya. Para bang pinagtatanggol at pinagtatakpan pa niya ang Daddy niya.

Niligawan ko siya. Liligawan ko siya, hindi dahil kasama iyon sa plano kundi dahil gusto ko. Gusto ko siya, tama si Sergio. Gusto ko si Stella, gustong gusto.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Where stories live. Discover now