Epilogue

119K 3.3K 1.2K
                                    

Thank you for supporting Frank and Stella's story. I really enjoy writing this story. Just like you, mamimiss ko din sila. May we also found the love na hindi maggigive up sa atin, no matter what. May we also find our Stars. The next chapter would be the Special Chapter. Keep safe and God bless everyone! Love lots, Maria.
____________


Frank's Pov







"Ibigay mo sa akin ang lahat ng info ni Stella Serrano. Hindi, hindi ko pa nakikita...send me her picture also" seryosong sabi ko sa aking kausap.

Pumasok ako sa elevator para umalis na sa isa sa aking mga condo. I have a lot of condo sa iba't ibang lugar but I still have my main.

"Teka!"

"Sasakay ako"

Seryoso akong nakikinig sa aking kausap ng may babaeng humabol sa may elevator. Napirap na lamang ako lalo na ng makita kong humahangos siya, pagkapasok ay kaagad siyang nagsumiksik sa gilid, hanggang unti unti akong nairita ng marinig ko ang kanyang pagiyak. 

Bahagyang kumunot ang aking noo ng hindi ko magawang magconcentrate sa pakikinig sa aking kausap dahil sa babaeng iyon.

"Mga walanghiya" bulong bulong pa niya.

"Miss, can you shut up? May kausap ako" inis na suway ko sa kanya ng hindi ko na napigilan. Ang dami kong iniintindi ngayon, Kung madrama ang buhay niya, she can keep it to herself.

Sumama ang kanyang tingin sa akin. Medyo nagulat pa ako ng magangat siya ng tingin. Wala na akong masabi, maganda siya. She has a soft features, I've been with a lot of woman. Pero ngayon ko lang naappreciate yung mga katulad niya. I never been into a serious relationship. I hate commitments.

"Wala akong pakialam!" sigaw niya sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko, sinigawan niya ako. Dapat ay magalit ako. Perl hindi, kahit nakasigaw ay malambing at ang lamig pa din ng kanyang boses. Para akong hinihele.

Nang makabawi sa pagkamangha ay kaagad ko siyang tinakot. Aba't lalaban ka pa sa akin eh halata namang hindi ka makakasuntok.

"Pabababain kita dito" pananakot ko.

"Sige, gawin mo!" hamon niya sa akin. Aba't lumalaban pa talaga!

Hindi ko napigilang mapatingin sa kanyang mga labi. Galit siya habang nagsasalita pero bakit parang ang sarap niyang halikan? Halikan ko kaya para manahimik? May boyfriend na kaya ang isang ito? At bakit siya umiiyak?

Lalapitan ko na sana ng kaagad na bumukas ang elevator. Tinawag ako ng isa sa aking mga tauhan kaya naman naalis ang tingin ko sa babaeng iyon. Napamura pa ako ng bigla na lang siyang tumakbo palabas, bago iyon ay sinangga pa niya ako. Tangina.

Napahilot ako sa aking sintido ng bayolente akong binitawa ang folder na may laman ng information ni Stella Serrano. Ang matagal ko ng nawawalang kapatid na si Frances ang nakababata niyang kapatid na si Sera Serrano.

Kayang kaya kong kuhanin ang kapatid ko, magpakilala sa kanya at ipaalala kung sino talaga siya. Ngunit, kailangan naming magingat. Marami ang natuwa sa kanyang pagkawala dahil na din sa usapin ng mana mula sa mga negosyo ng aming pamilya.

"Kilala mo?" tanong ni Sergio sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita kong hawak na din niya ang litrato ni Stella.

Kumunot ang aking noo at medyo nakaramdam ng iritasyon ng makita kong tumagal ang titig niya dito.

"Nakasabay ko na elevator nung isang araw" tamad na sagot ko sa kanya. Nagiwas na lang kaagad ako ng tingin kay Sergio. Baka pag tumagal pa ay uminit lang ang ulo ko sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Where stories live. Discover now