Chapter 35

100K 2.8K 505
                                    

Proud






Panay ang ngiti ko habang kumakain kami ng donut ni Frank. Hindi pa din maalis ang pagkakabusangot ng mukha niya dahil sa pag dating ni Patrick kanina. Hindi pa din siya maka-move on. Ako nga, nakamove on na sa donut ko.

"Paano nga pala ang companya mo, ok lang na wala ka duon?" tanong ko.

Para kasing palagi siyang wala duon. Baka mamaya ay napapabayaan na niya ang trabaho niya.

Masungit na bumaba ang tingin niya sa kanyang kamay para ipagpag iyon. "Si Sergio na ang bahala" sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong tumango.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain hanggang sa makita namin ang paglapit ni Manang.

"Ma'm Stella, pinapatawag ka ng Mommy mo" sabi niya sa akin.

Nagkatinginan kami ni Frank. Marahan siyang tumango sa akin kaya naman sumunod ako kay Manang sa loob. Ilang beses ko ulit na nilingon si Frank. Nanatili lang ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siya para iparating sa kanyang magiging ayos lang ang lahat.

Sumunod ako kay Manang. Pagkapasok ay naabutan ko si Mommy na nakaupo sa may sala. Tipid siyang ngumiti sa akin, ngumiti din ako pabalik at umupo sa katabi niyang upuan.

"Pinatawag niyo daw po ako, Mommy" sabi ko sa kanya.

Marahan siyang tumango. Pagkalapit ko ay kaagad niyang hinawakan ang aking mga kamay. Sandali siyang tumitig sa akin, nakangiti na para bang pinagmamasdan niya ng mabuti ang aking mukha.

"Maaga kaming aalis bukas ng Tito Paul mo para puntahan ang ibang negosyo natin. Dalawang araw siguro kami mawawala..." sabi ni Mommy sa akin.

Nanatili akong tahimik. "Hindi na kita gigisingin bukas pagkaalis namin. Pagbalik ko..." hindi niya kaagad natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla siyang pumiyok.

Namuo ang luha sa mga mata ni Mommy. Para itago iyon ay nagawa pa niyang ngumiti kahit alam kong may iniinda siyang lungkot.

"Pagbalik ko, gusto kong malaman ang plano niyo ni Frank. At kung ano man iyon...susuportahan ko kayo" sabi niya sa akin habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Uminit ang gilid ng aking mga mata. "Hindi na ako bumabata, naisip kong...mas gusto kong makita kang masaya habang nandito pa ako" emosyonal na sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad kong hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay.

"Mommy, wag po kayong magsalita ng ganyan" suway ko sa kanya.

Tipid niya akong nginitian. Hinaplos ang aking pisngi. "Hindi natin iyon maiiwasan, tumatanda na si Mommy" sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Tama ang Tito Paul mo, hindi si Frank ang Daddy niya. Iba siya, iba si Frank..." sabi pa ni Mommy. Habang sinasabi niya iyon ay para bang may bumabalik na pakiramdam sa kanya. Ramdam ko ang sakit.

Marahan akong tumango. "Wag na wag ka lang sasaktan ulit..." sabi pa niya kaya naman tumulo ang masasaganang luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko din masisisi si Mommy. Hindi ko naman alam ang mga pinagdaanan niya nuon. Mahal niya si Mr. Del Prado nuon, pero kinailangan nilang maghiwalay. Masakit ang maiwan, mahirap ang maghintay, lalo na kung hindi mo alam kung babalikan ka pa.

Siguro, sa mga nagdaang taon. Pinaniwala ni Mommy ang sarili niya na nakalimutan niya na ito, na napatawad na. At dahil ngayon na nagkita ulit sila ay bumalik ang sakit at galit. Bumalik ang lahat, kailangan talaga nila ng closure, para mapalaya ang isa't isa.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon