Chapter 15

75K 2.6K 1.1K
                                    

Singsing





Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, kahit pa nanatili ang lamig at walang kaemoemosyon niyang tingin sa akin. Marahan akong umiling, hindi ko matatanggap iyon.

"Hindi yan totoo, Frank. Please..." pakiusap ko sa kanya. Kung nasabi niya lang iyon dahil sa galit, naiintindihan ko.

Umigting ang kanyang panga. "Ginamit lang kita para mapalapit sa kapatid ko, para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya" madiing sabi niya.

Nahigit ko ang aking hininga. Hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya. Sobrang bigat sa dibdib. Para akong namamanhid. So, all this time?

Muling tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata. Muli kong sinubukang hawakan siya pero kagaya nung una ay lumayo lang siya sa akin na para bang nandidiri siya sa akin. Na ayaw niyang magtama ang mga balat namin.

"Alam kong mahal mo ako Frank, naramdaman ko...ngayon ko lang naramdaman iyon. Sayo lang" garalgal na sabi ko sa kanya.

Muli akong humakbang palapit, gusto ko siyang yakapin. Sobrang bigat ng loob ko, isang yakap lang niya. Magiging ayos na ako, isang yakap lang kay Frank.

"No!" asik niya at bahagya akong tinulak. Hindi niya na kailangan pang mageeffort sa pagtulak dahil kaunting tabig lang ay para na akong matutumba ano mang oras dahil sa panghihina.

"Napilitan lang akong pakisamahan ka, tiniis lang kita...hindi kita minahal, hindi kita mahal!" madiing pagpapaintindi niya sa akin na para bang kulang na lang ay ipasok niya iyon sa aking kokote.

Nalaglag ang aking panga. Ni hindi ko magawang lunukin iyon. Hindi ko malunok ang mga salitang binitiwan niya. Sobrang sakit. Para akong sinaksak sa dibdib.

Napahawak ako sa dibdib ko habang umiiyak. Naninikip iyon, ni hindi ko magawang makabawi. Gusto kong sumigaw para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko kaya, wala akong lakas.

"Frank, wag namang ganito" mahinang pakiusap ko, patuloy pa din ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Akala ko ba, uuwian ko siya? Naghanda ako dahil ang sabi niya may special na occasion. Akala ko ba, may surprise siya sa akin, ano ang surprise niya? Ang palayasin ako?

Muling naningkit ang mata niya. Bigla akong nakaramdam ng takot ng siya nama ngayon ang humakbang palpit sa akin. Napadaing ako ng mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Paano mo nagawa iyon kay Sera? Bakit mo ginawa iyon? Napakasama mo! Makasarili ka Stella!" madiing asik niya sa pagmumukha ko.

Halos manlabo ang galit niyang mukha sa aking paningin dahil sa mga luha. "Inutusan ako ni Daddy..." paliwanag ko.

Mas lalo siyang nanggigil. Halos alugin niya na ako, akala niya siguro bigla na lang babagsak sa sahig ang sagot pag ginawa niya iyon sa akin. Lumabas ang mga hikbi dahil sa bayolente niyang pagalog sa akin.

"Frank..." tawag ko sa kanya. Masyadong mahigpit ang hawak niya sa aking mga balikat, pakiramdam ko ay kayang kaya niyang baliin iyon dahil sa sobrang galit.

"Katulad ka ng pamilya mo, kagaya ka ng Daddy mo! Wala kayong ginawa kundi ang pahirapan ang kapatid ko!" asik niya sa akin.

Sinubukan ko siyang tingnan sa mga mata. Pero kahit gaano ko siya katagal titigan ay hindi ko na makiya si Frank. Hindi ko na makita yung Frank na minahal ko. Nagbago ba siya o talagang ito siya?

"Mahal ko si Sera..." sambit ko.

Umigting ang kanyang panga. Bayolente niya akong binitawan, muntik na akong maaout of balance. Mabuti na lang at kahit nanghihina ay nakabawi pa ako.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz