Chapter 37

87.3K 2.6K 333
                                    

Support






Ramdam ko ang panghihina at lungkot ni Frank ng sumunod na araw. Kahit anong gawin niyang ngiti sa aking harapan ay ramdam ko pa din ang bigat ng dinadala niya.

"Morning" bati niya sa akin at kaagad na humalik sa aking pisngi.

Nilingon ko siya at tipid na ngitian bago din ako humalik sa kanyang pisngi. Bago ako umayos ng pwesto ay hinabol pa niya ang labi ko para halikan din ako duon.

"Ang ganda..." malambing na bulong niya sa akin bago ako niyakap ng mahigpit mula sa likuran.

Naabutan niya akong naghahanda ng breakfast at ng kanyang lunch box. Natatawa na lang kaming dalawa pag naaalala naming dalawa na sinabi naming corny ang lunch box.

"Wag mo masyadong ipressure ang sarili mo Frank, kaya mo yan" pangaral ko sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang aking ginagawa.

Nanatili siyang nakayakap sa akin mula sa likuran. Ilang beses kong naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo, sa leeg bago niya ipahinga ang baba sa aking balikat.

"Thank you" mahinang sabi niya. Bahagya ko siyang nilingon.

"Thank you kasi naniniwala kang kaya ko" dugtong niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. Marahan ko iyong hinaplos.

"Alam kong kaya mo, susuportahan kita kahit saan, Frank"

Hindi siya nagsalita, muli niyang ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang dalawang kamay niya sa aking dibdib.

"Frank!" suway ko sa kanya.

Nang ibaba ko ang tingin ko duon ay halos masakop ng malaki niyang kamay ang mga ito. Bahagya pang napaawang ang aking labi ng marahan niya iyong pisilin.

"Tinitingnan ko lang kung lumaki na, para mabilhan na kita ng bagong bra" natatawang sabi niya sa akin.

Sobrang init ng aking magkabilang pisngi. Kahit naman gabi gabing magkatabi ay hindi pa din nawawala ang hiya ko sa kanya. Lalo na pag ganito siya, masyado kasing intimidating si Frank. Pag nakikita ko siya, o malapit siya sa akin ay pakiramdam ko highschool student ulit ako na nakikita ang crush niya.

Kumawala ako ng yakap sa kanya para maharap siya. Magkaharap na kami ngayon pero ang kanyang mga kamay ay nakahawak pa din sa aking bewang.

"Ako na ang bibili nuon, nakakahiya" sabi ko at medyo napaiwas pa ng tingin.

Napangisi siya. Marahang hinawakan ang baba ko para paharapin ulit ako sa kanya.

"Nahihiya ka pa din sa akin hanggang ngayon? Magkakaanak na tayo" sabi niya sa akin.

Napahawak ako sa kanyang dibdib para bahagyang pasadahan ang kanyang suot na long sleeve.

"Minsan, hindi pa din ako makapaniwala..." paguumpisa ko.

Nanatili siyang tahimik na nakikinig sa akin. Tingin pa lang niya ay nagiinit na ulit ang aking magkabilang pisngi.

"Para ka kasing yung stars na tinitingnan ko tuwing gabi...akala ko, hindi ko maabot" medyo natawa pang sabi ko.

"Ako dapat ang magsabi niyan" sabi niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Dahil stars ang ibig sabihin ng pangalan ko?"

Marahan siyang umiling. "Because you're too good for me. I don't deserve you, yun ang totoo. Sa kabila ng mga nangyari, sa kabila ng mga nagawa ko"

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon