Chapter 13

63.4K 2.2K 243
                                    

Sinungaling







Sobrang bigat sa dibdib ang malamang itinakwil ako ni Daddy. Na hindi nila ako tatanggapin sa oras na bumalik ako sa kanila. Sa kabila ng ginawa ko para sa aming pamilya. Sa nagdaang taong sinunod ko ang lahat ng gusto niya. Itatakwil niya ako dahil lang sa mas pinili ko ang sarili ko ngayon.

Ngayon lang ako nagdesisyon para sa akin. Si Frank lang ang naging desisyon ko para sa aking sarili. Isang beses lang akong humiling na suportahan nila ako dito. Pero, sa tingin pa din nila ay mali ito. Takot si Daddh na magkamali ako dahil masyadong mataas ang tingin niya sa akin.

Sa sobrang taas ng tingin niya ay maging ako natatakot na. Dahil siguradong isang pagkakamali lang, kahit gaano kaliit ay malakas na salampak sa lupa ang aabutin ko. Too much is bad. I just want to be the average kind if daughter. Na pwedeng magkamali, because that's where we learn. From our mistake.

"Frank" malambing na tawag ko sa kanya matapos kong yumakap sa kanyang likuran.

Kanina pa siya abala sa mga tawag. Ni hindi na niya naintindihan ang movie na pinili kong panuorin namin. Weekend pero nasa trabaho pa din siya. Kahit nandito lang siya sa condo ay parang ang layo layo niya.

Hinayaan niya akong yakapin siya habang nakatanaw sa malayo at seryosong nakikipagusap sa katawagan.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Siya na lang ang meron ako ngayon, masakit itakwil ng sarili kong pamilya. Pero alam ko, darating ang araw na matatanggap din nila ang desisyon ko. Darating ang araw na mapapatunayan ko sa kanilang tama ang desisyon kong ito.

"Send me the files, now" madiing utos niya sa kausap.

Isang mahinang mura ang pinakawalan niya bago niya padabog na ibinaba ang tawag. Mula sa mabibigat na pagbuntong hininga ay alam ko na kaagad na stressed siya.

"Problema sa trabaho? Pero, weekend ngayon" pagaalala ko.

Nitong mga nakaraang linggo ay mas naging abala siya. Minsa nga ay hindi na siya nakakapagpahinga ng maayos dahil dito. Nakita ko kung paano maging dedicated si Frank sa trabaho. Na para bang sa oras na may gawin siya ay hindi niya hahayaang hindi niya iyon magawa ng tama at maayos. Na sa oras na may umpisihan siya ay tatapusin niya.

"I need to do some report, importante ang klienteng ito" seryosong sagot niya sa akin.

Nang bahagya akong gumalaw para tingnan ang ginagawa niya ay duon ko nakitang abala naman siya sa pagtipa sa kanyang cellphone.

"Sige, papatayin ko na lang muna ang movie. Aayusin ko ang sala para makagawa ka" pagsuko ko at kaagad na bumitaw ng yakap sa kanya para linisin ang center table.

Bahagya lang siyang tumango, hindi man lang nag angat ng tingin. Mas lalong kumunot ang noo niya ng muli nanamang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang tawag. Isang hampas sa glasswall ang ginawa niya bago niya ito tuluyang sinagot.

Napanguso na lamang ako, kawawa naman si Frank. Ang alam ko kasi ay hindi ito suportado ng kanyang ama. Ang Mommy lang niya ang kasama niyang nagplano sa companyang ito. At ang alam ko, ilang taon na din ang lumipas ng mamatay ito.

Matapos kong maglinis ng sala ay kaagad na pumwesto duon si Frank para magtrabaho, napailing na lamang ako. Sabi niya sa akin nuon ay wag masyadong ipressure ang sarili ko. Pero siya itong masyadong nagprepressure sa sarili niya.

Sandali akong nagpalaam na magshohower sa kwarto namin. Matapos kong gawin iyon ay bababa kaagad ako para naman maghanda ng dinner namin. Kagaya ng una naming pagkikita ay ala sais ng hapon palagi gustong magdinner ni Frank. Sanay na siguro siya duon.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Where stories live. Discover now