CHAPTER 05

211 19 6
                                    

Sinipa ako ni Clandrea kaya pinalo ko naman ang kaniyang paa na nililinisan ko ngayon.

"Sige, maglikot ka't susugatan ko 'tong paa mo!" banta ko habang mahigpit na hawak ang daliri niya sa paa.

"Sugatan mo! Sisirain ko 'tong project mo!" pagbabanta niya rin habang hawak ang ginawa n'yang project ko.

Ganito umiikot ang buhay naming magkapatid. Madalas kaming brutal sa isa't isa pero kahit ganoon nama'y handa ang kamay namin kung kailan namin ng tulong.

Dahil wala naman akong talento sa pag-design, tinulungan ako ni Clandrea. Pero dahil nga hindi kami 'ideal perfect sisters' hindi pumayag ang kapatid ko na walang kapalit. Kaya ito ako ngayon, naglilinis ng kuko niya sa paa.

"Ate, kilala mo ba 'yong maldita na taga kabilang section? 'Yong mukhang inihaw sa nagbabagang ihawan?" tanong niya gamit ang walang prenong bibig. Manang-mana ka sa akin, kapatid.

"Hindi," tipid kong sagot habang inaalis ang cuticle nito.

Umayos siya nang upo kaya nagalaw na naman ang ginagawa ko. Isa pa talaga't iipitin ko itong balat mo gamit ang nipper!

"Ito na nga, 'yong babae kasi na 'yon ay sobrang lamin ng galit sa akin, as in! Pagbintangan ba naman akong mang-aagaw?! Like, kanin ba s'yang nabahaw? Anong tingin niya sa akin? Papatol sa may kadena na sa leeg? At siya pa talaga itong may ganang magalit sa akin, ha!"

Tanging tawa ang naging tugon ko. Hindi na bago sa akin ang ganitong kuwento niya tungkol sa buhay. Normal lang 'yon dahil hindi naman nakapagtataka na lapitin 'yan ng lalaki, dala ba naman ang lahi ng Fuerte!

"What the ew siya, Ate! Natural na makikita ko 'yong boyfriend niya kasi kaklase ko iyon at groupmate pa sa school project! Kasalanan ko ba na nilalapitan ako? Aba't umayos siya, masyado siyang nagpapahalatang insecured siya sa presence ko!" maarte n'yang pinitik sa hangin ang mahabang buhok.

"Tumigil ka na sa kakakuda, gupitin mo na 'yan," utos ko kasabay ng pagnguso sa kaniyang ginagawa. Umirap siya kaya hinila ko ang cuticle na nakuha ko, mabilis siyang dumaing dahil doon.

Halos ilang oras kaming gano'n. Nang matapos ako sa paglilinis ng kaniyang kuko ay nagpaalam akong pupunta muna sa banyo para maligo. Pakiramdam ko'y nanatili sa balat ko ang paa ni Clandrea! Ew!

"Clan, umalis ka na d'yan. Matutulog na 'ko." humikab ako at hagyang nag-inat.

Sinipat ng mata ko kung gaano kamiserable ang higaan dahil sa kalat ni Clandrea.

Ang kaniyang paa ay nasa unan ko habang ang ulo ay nasa paahan. Idagdag pa 'yong kamay n'yang may hawak na colored paper at sa kabila nama'y gunting. Ang kabuuan ng higaan ko ngayon ay puno ng mga piraso ng papel!

Lumapit ako sa kaniya upang kuhain ang gunting at colored paper. Baka mamaya hanggang panaginip may galit siya sa kinukwento niya tapos maisaksak niya 'yong gunting sa kalapit niya! At ako iyon!

Niyugyog ko pa ang kaniyang balikat pero lalo lang lumakas ang hilik ng babaeng 'to!

Hinayaan ko na lang siya, humiga ako sa kaniyang tabi at binalot sa kumot ang sarili. Ngunit muli akong bumangon nang makaramdam ng gutom. Hindi pa rin ako puwedeng matulog dahil hindi pa tuyo ang buhok ko, ayaw ko naman mabaliw!

Muli kong sinubukang yugyugin ang balikat ng katabi. "Clan, nagugutom ako.. kain tayo.."

Nagbago siya ng puwesto at sa gulat ko'y hindi ko na napaghandaan ang biglang hampas ng paa niya sa mukha ko.

"Clandrea Kane!"

Umungot lang ito, ayaw paistorbo. "Nasa akin ba bibig mo? Kumain ka kung gusto mo, wala akong pakialam sa nararamdaman mo." pabalang niyang sagot at lalong umulkot sa pagkahiga.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now