CHAPTER 09

146 12 0
                                    

Bumangon ako at nagtungo na sa banyo para maligo. Matapos maligo, nagbihis na kaagad ako ng uniporme at kinuha ang bag sa maliit na sofa. Lumabas ako at nakita ko si Clan, may kausap siya sa phone.

"Oh talaga? Baka tinatamad lang 'yong kuya mo kaya walang nabili." rinig kong wika nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo na lang ako sa kusina. Wala akong nakita bukod sa pagkain na nakahain sa lamesa.

"Clan, nasaan na sila Mama?!" sigaw ko habang inaayos ang aking kakainin. Hotdog at pritong itlog ang nakahain.

Nasaan 'yong dilis?!

"Aba, umalis na! Tanghali ka na kasi gumising." padabog nitong sagot.

Umupo ako sa upuan at kumain na. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda at nag-online saglit.

Mina Fano

Just pm Ma'am Clare for some reasons. Clare Gomez, ang name niya sa Facebook.

Para sa event siguro 'to?

"Ma'am Clare? Hm, kilala ko 'yon!" ani ko. Search naman kaagad ang ginawa ko para ma-message na siya agad. Buti na lang at nakita ko naman ang account niya.

You:

Hi Ma'am Clare / Secretary! Good day. I'm Achiemi Fuerte po from grade 9 section A. Sabi po ni Misis Fano, I-message ko raw po kayo. So, here I am po.

Binaba ko ang phone nang pumasok sa kusina si Clan. Ready na agad siya sa pagpasok.

"Good Morning kapatid!" kumuha siya ng tasty at sinawsaw agad sa kape ko! KAPE KO! "Una na ako sa iyo, Ate Achie! Marami pa akong gagawin sa school. Bye bye!" tumakbo siya palabas upang maiwasan ang suntok na ibibigay ko sa kaniya.

Tumunog ang phone ko.

Clare Gomez

This is Ma'am Clare, good day. I want to ask lang sana sa iyo kung may problem ka ba about sa susuotin mo sa event?

Mabilis akong nagtipa ng isasagot sa kaniyang tanong. Malay ko ba kung anong dapat isuot sa ganoon.

You:

Hehe. To be honest po, hindi ko alam kung ano po ang susuotin.

Clare Gomez

Okay! Baka may time ka mamaya after class, punta ka sa mall malapit sa school then chat me kapag nandoon ka na. Okay?

You:

Okay po! Thanks.

Naglakad na ako papasok bago pa mahuli sa unang klase. Biglang may umakbay sa akin, hindi naman na ako nagulat nang makita ang mukha ni Jem nang ako'y lumingon. Palagi naman siyang sumusulpot kaya siguro sanay na rin ako.

"Balita ko may iniirog ka raw? Sino naman 'yon? Share mo naman!" bungad niya.

Dumiretso kami sa paglalakad habang ang kaniyang braso ay na nanatiling nakaakbay sa akin.

"Secret! Pero kung pipilitin mo naman ako edi sasabihin ko na rin." humagikhik ako kasabay ng pagsandal ng ulo sa kaniyang balikat.

"Okay, wala akong balak na pilitin ka." inalis niya ang braso niya at naunang naglakad palayo sa akin.

Pangit kabonding

"Okay, okay. Si Westin." mahina ngunit may halong impit kong saad.

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Gusto rin naman pa lang malaman!

Unexpectedly FallingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ