CHAPTER 22

99 11 3
                                    

"Good morning," bati ko kila Mama. Medyo tanghali na akong nagising dahil sa kakaisip kagabi!

Medyo nakakalito na rin 'tong lintek na puso ko.

"Papasok ka na kaagad?" tanong ni Mama at tumango naman ako. Tanghali na kasi ako nagising kaya wala ng oras para mag-almusal.

Agad akong tumakbo palabas ng bahay pero napatigil din nang makita si Jaivelle. Nakatayo siya sa may gate namin habang nakatingin sa langit. Mayroon din s'yang dalang kotse!

Tumikhim ako habang papalapit. Agad kong naagaw ang kaniyang atensyon kaya hinarap niya ako.

"Magandang umaga, Jaiv!" medyo ilang kong bati. Nahihiya pa rin ako sa kaniya. Tumango lang siya at lumapit sa akin sabay kuha ng bag. Wala naman akong nagawa kung hindi ibagay ito.

"Let's go."

"Teka! Sasabay ako sa iyo? Hala, baka mahulog ako niyan, ha! Huwag ganiyan, Jaivelle! Marupok ako!" biro ko.

"Then fall. Who knows I might catch you." sagot niya. Hindi ko alam kung biro ba 'yon basta ang alam ko kinilig ang atay ko!

Shet. Marupok ako 'no!

Sumakay na ako sa kaniyang kotse. Walang nagsasalita sa amin kaya kinalikot ko na lang ang glove compartment ng kaniyang sasakyan.

"Ano nga pala.. Sorry hindi ako nakapunta kahapon kasi ano.. Basta may emergency lang, haha."

"Okay lang. Don't worry because I'll make sure that he will ask for forgiveness." aniya.

Hindi ko gaanong narinig ang kaniyang sagot dahil mahina lang ang kaniyang boses.

Nag-park lang siya at bumaba na rin. Naglakad na kami papunta sa may hagdanan habang dala niya pa rin ang aking bag.

Tumigil ako sa second floor at hinarap siya. "Huwag mo na akong ihatid, kaya ko naman eh." nakangiti kong sabi. Kumunot ang kaniyang noo kaya nagtaka ako.

"Huh? Sa third floor din ang room namin, 'di ba?"

Halos lamunin naman ako ng kahihiyan! Nakalimutan kong sa third floor din pala naka-locate ang room nila!

Tanga mo, Achiemi!

"Sabi ko nga mauuna na ako sa 'yo!" sobrang nahihiya kong hiyaw kasabay ang mabilis na pagkuha sa aking bag. Tumakbo na ako sa third floor sa sobrang kahihiyan.

Agad akong pumasok sa room dahil late na ako! Buti na lang at late rin si Sir Dan.

"Magandang umaga pero mas maganda ako!" masiglang ani ko habang inaayos ang bag. Tumingin ako kay Lair nang walang matanggap na tugon.

"G-Good morning." gulat na bati niya sa akin kaya umupo ako sa harap ng kaniyang upuan. Wala na akong pakialam kung marurumihan ang palda ko.

"Problema mo?" simpleng tanong ko ngunit umiling lang siya. Hindi ako kumbinsido kaya gumawa ako nang paraan para mapangiti man lang ang kaibigan.

Tumayo ako at binuhat ang upuan ng kaklase ko. Wala pa naman ang nakaupo rito kaya okay lang.

Taka niya akong tiningnan.

"Chair up?" ani ko habang nakangisi. Hindi ako nagkamali dahil napangiti siya!

"Chair up pa nga, Sis." natatawang aniya.

Dumating na si Sir Dan kaya bumalik na ako sa aking upuan. Nagsulat ako ng notes at nakinig ako sa lesson namin dahil gusto kong patunayan na nag-aaral talaga ako at hindi lang dito ang kaya ko!

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now