CHAPTER 39

58 6 32
                                    

Bumungad sa 'kin sina Mama at Clandrea na ngayo'y nakaupo sa sofa. Agad lumapit sa 'kin si Mama at sinuri ang lagay ko. Bago ako umuwi rito sinigurado kong hindi na ganoon ka pula ang mukha ko at mugto ang mata.

"Ate, hinanap kita kanina sa room niyo, ah!" biglang sabi ni Clan at hagyang bumaling sa gawi ko.

"May iba ka pa bang pinuntahan, anak?" tanong ni Mama at tanging matipid na tango ang naging tugon ko.

"Mama, pasok na po ako," paalam ko. Nagtatakang tumango naman siya saka hinayaan akong lumakad papasok sa kwarto.

Nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto, bumungad sa 'kin si Ate Zuila. Nakatayo ito kaharap ang bintana habang mapayapang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"Ate," mahinang pagtawag ko rito. Binaba ko ang aking bag sa sahig at marahang naglakad palapit sa 'king kama.

Hindi man lang ito lumingon. Tuluyan na akong umupo sa kama, kinampay ko nang ilang ulit ang aking paa upang sa ganoong paraan malibang ako. Ramdam ko ang pagharap niya sa gawi ko at ganoon din ang kaniyang tingin.

"Spend the vacation with us," malambing na anito. Humakbang ito palapit. "Doon ka magbakasyon para kahit saglit makalimutan mo ang sakit." dagdag nito at saglit pa'y naramdaman ko na ang presensya niya sa tabi ko.

Hindi ako tumugon at pilit inunawa ang kaniyang sinabi. Magiging okay ba ang lahat kung tatakasan ko ito? Tuluyan ko nga bang malilimutan ang sakit kung aalis ako?

"Ate sasama ako sa 'yo para takasan ang problema ko?" inosenteng tanong ko. Hindi ko siya nilingon ngunit ramdam ko ang kaniyang titig.

"Hindi ka tatakas, Achiemi. Magpapahinga ka lang, hihinga ka lang.. Dahil hindi matatapos ang problema kung tatakasan ito.. Ang bawat problema ay dapat hinaharap ngunit hindi ibig sabihin noon ay bawal na magpahinga.. Palalakasin mo lang ang sarili mo dahil durog ka na, ubos ka na. Ngunit babalik ka rin upang harapin ang lahat at gawin ang sa tingin mo'y tama at magpapalaya sa sarili mo." marahan niyang kinapitan ang kamay ko at ilang ulit iyong pinisil.

Kumalma ang sistema ko dahil sa ginawa niya. Napaisip ako, hindi ko naman tatalikuran ang mga problema ko, magpapahinga lang ako at muling babalik upang harapin ang lahat. Hindi naman siguro masama 'yon 'di ba? Buong buhay ko hindi ko alam ang totoong kahulugan ng 'pahinga'. Lahat ginawa ko upang maging maayos ang lahat na kahit ang sarili ko'y pinilit kong maging maayos kahit hindi ko alam kung paano. Nakatuon ang atensyon ko kung paano mapapasaya ang ibang tao dahil natatakot na ako. Natatakot na akong muling maiwan mag-isa.

"You deserve rest. You deserve peace. You deserve healing and you deserve to be happy.." aniya. Sa pagkakataong ito, sumulyap ako sa kaniya at kasabay noon ang pagpatak ng luha ko.

Yes, I know I deserve that.

"Bakit ang unfair nila Ate? Binigay ko sa kanila'y happiness, love, and everything pero pain pa rin 'yong binalik nila.." lumuluhang tanong ko rito. "Masakit 'yon pero sabi ko okay lang. Okay pa naman ako." muli akong humarap sa unahan.

Kinapitan niya ang magkabila kong balikat at marahang hinarap sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mata. "Puro ka kasi okay lang ako, ayan tuloy akala nila hindi ka nasasaktan." giit niya saka binigyan ako nang mahigpit na yakap.

Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil sa ganoong paraan kumakalma ang sistema ko. Saglit naiibsan ang sakit. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang parte ng labi upang pigilan ang malakas na paghikbi.

"Sige lang, iiyak mo lang 'yan hanggang sa hindi mo na maramdaman ang sakit." hinaplos niya ang aking buhok. Agad kumawala ang hikbi ko nang sabihin niya iyon. "Basta pagkatapos, muli kang bumangon at lumaban." humiwalay siya sa yakap.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now