Chapter 45 - "Meant to Be?"

Start from the beginning
                                    

"AY ANAK KA NG NANAY MO!"

Haaaay kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig ni Jess.

"April? Anong ginagawa mo dito?"

"Hoy. Ako dapat ang magtatanong sa yo ngayon. Saan ka galing?"

"Wala. M-may pinuntahan lang."

"Sama ka ngayon. Ayokong mawala ka na naman." - Me

Aangal pa sana siya pero binuksan ko na ang pinto ng kotse at hinila siya palabas.

"O-oi! Saan mo ako dadalhin? Si T-troy!"

O_O

"Troy? Andito siya?"

"Oo! Naghatid siya ng invitation sa bahay na yan."

Tinuro niya ang malaking bahay sa harap namin.

"Mamaya nalang. Magpapasama ako." - Me

"Saan naman?" - Jess

Saan nga ba? Ah alam ko na!

"Kina Josh. Magba-basketball."

Nabigla naman siya kaya natawa ako. Hahaha!

***

Pagdating namin sa bahay ni Josh, andun na silang dalawa ni Meg. Haaaaays ano kaya ang ginawa nila habang wala pa kami? Nagba-barbecue si Josh, at si Meg naman ang naghanda. Barbecue-night kasi namin ngayon.

"Jessica Faith! Saan ka galing?" - Meg

"Hehe...sa tabi-tabi lang."

 "Sino ang kasama mo?" - Josh

"Si...ano..."

 Hindi ko na siya pinatapos.

"Si Troy ang kasama niya. Haaays..."

As expected, nabigla silang lahat. Pano ba naman kasi, hindi pa nagpapakita si Troy sa amin simula nung...nung...kelan nga ba? Haaaay...

At dahil nandito kami sa backyard, nasa harap na din namin ang basketball court nina Josh. Naku! Ever since nagkakilala kami ni Drew nahilig na ako maglaro ng basketball. 

Napuna ko ang basketball at dali-dali ko itong kinuha. 

"Jess! Laro tayo!" - sinabi ko sa isang babaeng parang baliw

Nakatayo pa rin eh. Hindi man lang gumalaw o umupo sapagkat hindi naman ito ang first time na pumunta siya dito. 

"Huy okay ka lang?" - nilapitan ko siya

"H-huh? S-si T-troy kasi."

Haaaays. Inseparable nga talaga ang dalawa eh noh?

"Sige ah? Ite-text ko siya nga--"

"WAG! Tawagan mo nalang."

Psh.

Kaya tinawagan ko si Troy at blah blah blah~~hinahanap niya ngayon si Jess, hindi raw ma-contact, at papunta na daw siya dito.

"Tara Jess! Basketball tayo. May naisip akong game."

May konting alam si Jess tungkol sa pagba-basketball. Kaya wala na akong dapat ikabahala. Hihi!

"Ano naman yun?" - lumapit siya sa akin at ipinasa ko sa kanya ang bola

"Mag-isip ka ng guy. Kung ma-shoot mo ang bola, ibig sabihin nun MEANT-TO-BE kayo."

"Naku naman April."

"Sige na Jess."

"Sige na nga."

Pumwesto siya sa gitna at nagsimula nang i-dribble ang bola.

At ayun na...

"NO!" - Me

"YES!" - Jess

Ehh?? Minsan ang sarap batukan ng babaeng ito. Sheesh!

-END OF APRIL'S POV-

-JESS'S POV-

YES! Hindi pumasok ang bola! YES!

"Sino ba ang nasa isip mo that time?" - April

Aba aba hindi pwedeng sabihin...for now.

Alam kong may chances na hindi totoo iyon pero at least naman makakatulong iyon para hindi na ako umasa pa.

"Secret. Ikaw naman!"

Nagsalubong ang mga kilay niya nang pumwesto siya sa gitna ng basketball court.

"WHAT?! NO!" - April

Hahahahahaha! Ang baliw ng babaeng ito. Pumasok kasi ang bola.

"JESSICA! HINDI PWEDE!" - lumapit siya sa akin

"Bakit sino ba yun?" - Me

"Si...si...

Drew."

Ayun naman pala eh. :D

-END OF JESS'S POV-

The Jealousy Story (Fin)Where stories live. Discover now