Chapter 8 - "A Gorgeous Headstart"

262 3 0
                                    

A/N: That's Meg on the right side.

-----------------------------------------------------------

"Saan tayo magsisimula?" - April

Oo nga pala, andito kami sa mall kasi sabi nila mag 'total makeover' daw ako. Para mapansin ako ni Troy. Hinatid lang kami ni Josh dito kasi hindi siya makakasama, may basketball practice siya sa kanilang subdivision.

"Depende kung ano ang 'ideal girl' ni Troy. Ooi, anong hilig ni Troy sa isang babae?" - Meg 

Naglabas si April ng notepad na pink at ballpen na sky blue na pang-bata. 

"Uhh, teka...simple, athletic at unique." - Me

"April! Isulat mo na ang mga sinabi ni Jessica!" - Meg

"Aye aye captain!" - April (sabay nag salute kay Meg) ^o^

Nakakahiya naman oh. Nagtitinginan pa naman ang mga tao.

Hay naku...

After makapag-decide kami, pumasok kami sa isang boutique na pagmamay-ari ng sister ni Ivan. 

*FLASHBACK*

After namin nag usap at ini-share ang planong e make-over ako, nag suggest si Ivan na ilagay sa listahan ng mga pupuntahan namin ang boutique ng kanyang older sister.

 "Eto oh. May 70% discount ka na kaagad." - Ivan (sabay abot ng card na sabi niya i-present lang namin sa cashier para mabigyan kami ng  discount)

"Ibibigay mo'to sa amin? Pero paano ka?" - Me

"Hindi ko naman yan magagamit. Walang panlalake dun. At isa pang sabi ni Ate Ash, ibigay ko daw ito sa mga female friends ko."

*END OF FLASHBACK*

Ayun na nga. Pumasok kami sa at nagsimula nang magpili.

"Ito! Ito! Piiink!" - April

"Hindi pwede yan. Athletic diba? A-THLE-TIC." - Meg

"Eh yung mga babaeng tennis players, nag p-pink naman sila ah."

"April." 

Yumuko nalang si April at patuloy sa paghahanap. Sila lang dalawa ang pinapahanap ko kasi wala akong hilig sa mga athletic type na mga damit at lalo na kung ginagawa ko to dahil kay Troy.

In-on ko ang iPod ko at inilagay ang headphones.

Nagtingin-tingin nalang ako kasi na bo-bored na ako.

"Araay!" - Me

Teka. Sino ang gumawa nun? Kinurot daw ba ako.

Paglingon ko...

Oh no...

...

...

...

...

"SIIIISSSSS! Ang ganda mo na!!"

Si Ate Ash, yung ate ni Ivan. Nung kami pa ni Ivan, sobrang close namin no'n. Parang magkapatid ang turingan namin. 

"H-hi Ate Ash." - Me

Hindi pa rin siya nagbabago. Childish pa rin siya pero mas malala noon.

At ayoko nang i-remember pa kasi nakakahiya na.

TSK.

"Sorry nga pala na kinurot kita. Tawag ako ng tawag pero di ka nakikinig."

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon