Chapter 42 - "Complicated" (Part One)

128 1 1
                                    

-TRISTAN'S POV-

Saan ba si Jessica naglalakad? Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiuwi ang iPad niya. Hindi ko naman natawagan kahapon kasi off ang phone niya. Isang araw na ito sa akin and palagi nalang may bagong email at Skype calls para sa kanya. Try ko nga ulit tawagan? Haays...nasasayang ang load ko sa kanya eh. >.<

Dinial ko na ang number niya at hinintay na may sumagot. Nagring naman siya...kagay kahapon pero hindi ako sigurado kung masasagot ba.

AYOS! Sinagot na!

"Hello?" - Me

Ano 'to? Hininga lang ang aking naririnig ah.

"Hoy Jess! Kunin mo ang iPad mo sa akin! Naiinis na ako sa mga Skype calls mo galing sa pinsan mo!" - Me

Wala pa ring boses. May kinakausap ba talaga ako? Tiningnan ko ulit ang phone ko kung na-receive pa pero on-call na eh.

"So Jess pala pangalan niya?"

O.O

Bakit panlalake ang boses?

"S-sino ito? Bakit nasa sa'yo ang number ni Jess?" - Me

"Kaibigan niya."

"P-pangalan?"

"Hindi na yun importante."

"Bakit nasa sa'yo ang cellphone niya?"

"Iniwan niya sa akin."

"Saan siya ngayon?"

"Aba ewan ko."

"Haaa? Paano mo hindi alam?!"

"Tsk."

"Ibalik mo sa kanya ang phone niya."

"Bakit ko naman ibabalik?"

"Seryoso pre? Hindi mo alam kung bakit?"

"Oo nga eh. Seryoso ako. Bakit ko ibabalik kung hindi ko naman alam kung saan siya ngayon."

"Akala ko ba magkaibigan kayo?!"

"Eh sa hindi ko alam kung saan siya ngayon."

I admit. Kahit ako hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. (__'__)

"Oh s-sige...ganito nalang. Magkita nalang tayo upang maibalik na ang cellphone niya."

"Wag na. May kapatid naman akong babae at kilala siya."

"Ehh--"

Binaba na ang tawag. >.<

Teka, sino ba talaga siya? Argh! Matawagan nga si Ivan!

-END OF TRISTAN'S POV-

-IVAN'S POV-

Hindi talaga ako tatantanan ng babaeng ito. Nakakasawa na ang mukha niya. SOBRA. Palagi nalang siya kwento ng kwento tungkol ng mga bags niya pati na din ang mga damit niya. PERO WALA AKONG PAKIALAM.

*PHONE VIBRATING*

Ai. May tumatawag.

"IVAN! Kailangan nating mag-usap ngayon!"

Si Andrew.  -__-

"Oh? Tungkol saan?"

"Kay Jessica!"

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon