!%

6 0 0
                                    


Dumating ang weekend na mabilis. Pulos quiz at organization event lang nangyari throughout the week. Nasaktuhan na org week kaya free na ang weekend ko. Kahit gusto kong magpahinga na lang muna ngayong weekend may usapan kami ni Cameron na pupunta kami sa mama nya. Medyo kinakabahan nga ako at magkakasama na naman kaming dalawa. Naalala ko na naman kasi yung tinawag nya sakin last time.


"Pasaan ka gurl? Ang aga-aga bihis na bihis ka?" Pupungas-pungas na puna sakin ni Dhali paglabas nya ng kwarto ko. 


As much as possible kasi may sleepover kami nina Guia every weekend. Buti nga nakasama namin si Guia ngayon. Madalas kaming dalawa lang kasi missing in action lagi yung isa.


"Over-dressed ba ko?" Napatingin ako sa suot ko. Naka-sunday dress ako na flowy pero nakasneakers naman ako. Di nga ako medyo sanay na ganito yung outfit pero feeling ko kasi high-end yung clinic ng mama ni Cameron. Nakakahiya naman kung nakashorts at blouse lang ako.


Pinaningkitan nya ako ng mata. "Pasaan ka nga kasi aber? Ngangayon sumama satin si Guia tapos lalayasan mo pa kami. Sabunutan kaya kita." Agang-aga naglilintanya sya. 


Di ko tuloy alam kung sasabihin ko sa kanya yung lakad naming dalawa ni Cameron pero habang nakain sya ng cereal na hinanda ko para sakin sobrang sama ng tingin nya na akala mo ang laki ng kasalanan ko.


"Sama ng tingin mo pero kung makain mo yung almusal ko parang sayo no? Nahiya ka pa inumin mo na din kaya itong kape ko?" Napairap na lang ako. Pinanlakihan nya ko ng mata. "Fine, may lakad kami ni Cameron. Sasamahan daw nya kasi ako--" Bigla akong napatayo at paiwas sa buga ng tubig ni Dhali.


"PUTANGINA! Guia! Gumising ka dyan!" Hiyaw bigla ni Dhali na akala mo di nya ko muntikang buhagan ng tubig sa mukha!


"Hoy! Kahit tanghali na ang dami pading tulog! Wag ka ngang sigaw ng sigaw dyan! Nangbubuga ka pa ng tubig akala mo naman ang bango ng hininga mo. Di ka pa naman nagtotoothbrush, kadiri ka!!" Himala at walang kumatok sa pintuan ng dorm ko dahil sa sobrang lakas ng hiyaw ni Dhali. Nakakahiya talaga 'to. Si Guia di naman nagising. Kakaiba din talaga mga kaibigan ko.


"Pero tangina, tunay bang lalabas kayo ni Cameron? Ano? Moving on ka na talaga gurl?! OMG! I'm so happy for you!" Nanlaki naman ang mata ko sa lumalabas sa bibig nya.


"Mahiya ka nga! Mamaya may makarinig sayo tas kung anong isipin. Jusko ka ha! Di ko pala kasi nakwento sayo na after nung lumabas tayo kasama si Jordan nagdiretso akong McDo kasi di ako nakakain ng ayos sa kakasiko mo sakin lalo naman nung tumabi sakin si Cameron." Nagaalinlangan akong ituloy yung kwento ko kasi mukha syang tuta na di mapaihi na ewan kasi yung mukha nya kulang na lang maglabas ng sparks. "So, yun nga. Sinamahan nya ko kasi daw hindi ako nakakain ng ayos dahil sa inyo ni Jordan." Napaimpit naman syang tili. Napairap na lang ako.


"Dahil don sa labas na yun, exclusively dating na kayo? OMG!!!" Inirapan ko naman sya ulit. Grabe nakakaliyo na kanina pa ko irap ng irap sa taong to.


"Gaga ka, hindi! After non nagkasabay ulit kaming kumain sa McDo kasi napaginipan ko na naman kasi ulit yung ano." Nagalala naman sya sakin pero nginitian ko na lang sya. "Nakita nya kong nagsorry daw sa poste, na di ako aware talaga kasi bangag ako. Ang sabi nya sinundan nya na lang ako kasi ayaw daw nyang ako yung una nyang magiging pasyente. Tapos ayun nagchikahan na lang kami tapos umabot sa skincare nya. Nakita mo naman yung kinis nya diba! Nakakahiya na tayo yung babae pero sya pa yung mas makinis kesa sa atin. Edi yun nga, samahan nya na lang daw ako sa mama nya na dermatologist." Bigla naman syang umirit ng sobrang tinis na kelangan ko pang takpan ang tenga ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Night Before ChristmasWhere stories live. Discover now