&

13 0 0
                                    


Sunday ngayon at tinanghali ako ng gising kaya naman wala akong choice kundi ang sumama kay mama pa-bayan kasi may aattendan na 1st birthday ng anak ng pinsan ng tatay ko. Then sisimba na lang ako after since 4pm pa ang start ng misa. 


"Ate, maligo ka na daw!" Sigaw ng kaharap kong si Ales.


"Bingi ba ako Ales, ha? Kaharap mo lang ako!"


"Eh bakit nasigaw ka din 'Te? Bingi ba ako?"


Di ko na sya pinansin kasi hindi kami matatapos sa kakaganun at wala namang magpapatalo sa amin. Napatingin ako sa phone ko dahil napansin kong may miscall na naman si Jake. Mahilig kasi yung magpamiscall pag hindi kami nagkakausap. It's been weeks na din nung sinabi nyang liligawan nya ako at last week sya nagpaalam kina mama for making it official.


Nung isang araw nga ay tinanong ko sya kung bakit tatawag sya tapos pagka-ring ng isa o dalawa ay papatayin nya na din. Di ko lang kasi talaga makita ang logic nya sa ginagawa nya. He said kaya nga daw miscall yun dahil miss nya na ako. Ang daming alaman talaga! Magkambal nga talaga sila.


I texted Jake na kagigising ko lang at sinabi ko sa kanyang may lakad kami nina mama at hindi ko sya kakausapin. Tinatamad kasi akong makipagusap ngayon.


Alas dose na ng tanghali kami umalis since medyo malayo din kami sa bayan tapos akala namin matratraffic kami kaso hindi ganun ka-heavy gaya pag weekdays. Saktong may isang oras pa bago magsimula ang party and since 'Filipino time' naman madalas ang party ay pwede na din sumimba sa kasal. Ganun na din naman yun ata.


Nakatingin lang ako sa altar habang nakatayo at nakikinig sa sermon ng pari ng may biglang tumabi saking lalaki na nakabarong. Nasa may likurang parte kasi ako ng simbahan kasi hindi na ko sumunod kina mama sa loob. Nakakahiya naman kung walang mauupuan yung mga abay at attendees nung may kasal. Pati nagsisimula na nung dumating kami kaya sila na lang ang nakaupo.


Naamoy ko ang pabango nya at naririnig ko ding nagtitipa sya sa cellphone nya. Tumingin ako ng palihim at nakita kong naka-shades sya. Amp. Pogi. Ang tangos ng ilong ng Koya mo. At since nakatagilid sya kita kong ang haba ng pilik mata nya. Nakakapagtaka talaga. Bakit pa mga lalaki ang biniyayaan ng mahahabang pilik mata tapos yung kilay nya ang kapal kapal. Nakakaasar lang kasi wala naman silang pake sa ganun. Tas namumula ang kanyang pisngi at ang labi! Lord, bless me!


Iniiwas ko na ang tingin bago pa nya mahuli na nakatingin ako.


Lumipas ang ilang minuto ng magulat ako sa tunog ng cellphone nya. Naeeskandalo ko syang tiningnan. Hindi lang pala ako ang ganung nakatingin sa kanya, pati pala yung malalapit sa may pwesto namin nakatingin na parang nasisindak. Paano ba naman kasi ang ringtone nya ay tunog ng babaeng umuungol! Kung di ba naman walang saltik ang lalaking ito!


"Shit." Bulong nyang narinig ko naman kasi nga katabi ko lang sya. Kita kong mas namula ang pisngi nya at hula ko dahil sa pagkapahiya. Di ko maiwasang hindi matawa kasi natataranta na sya at nagsisimula ng dumami ang nakatingin sa gawi namin.


Nagulat ako ng bigla nya akong higitin habang parang hininaan nya na lang ang volume ng phone nyang umuungol padin. Hindi ako nakapagprotesta sa bigla ng hilahin nya ako sa may gilid ng simbahan kung saan may . Natauhan na lang ako ng bitawan nya ang braso kong hinila nya at patuloy syang nagmumura habang kinakalikot nya ang phone na hanggang ngayon ay mahinang umuungol.

A Night Before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon