Chapter 7

216 15 3
                                    

nagising ako dahil nakaramdam ako na may yumoyogyog sakin pag ka tingin ko si mama pala.

"bumangon ka na dyan may bisita ka sa baba"sabi ni mama na agad ko namang ipinagtaka.

"bisita? sinong bisita?".taka kong tanong kay mama at nagkuskos ng aking mata.

"kaklase mo daw, bilisan mo na at bumaba"sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko.

kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na ba.

10:30 am

kahit bangag pa ang utak ko ay tumayo nako,tsk sino ba kase yung taong yun.

pumasok ako sa cr para mag hilamos at mag toothbrush syempre nakakahiya naman kung haharap ako sa bisita na mukhang gusgusin at mabaho ang hininga

pagkatapos ko ay bumaba na ko at nakita ang taong hindi ko inaasahan na pupunta.si jayce.anong ginagawa nya dito?

nakita ko pang iniikot nya ang kanyang paningin sa loob ng aming bahay hanggang sa mahagip ako ng mga mata nya.

nakapang alis sya. napakagwapo nya sa suot nya actually kahit nam di sya nakapang alis gwapo na talga sya pero sa porma nya ngayon di ko lang talaga kayang pigilan na titigan sya nakaka attract sya sa suot nya.

matagal tagal ko rin sya tinitigan pero bago pa nya ko mahalata ay umiwas na ko ng tingin.

"anong ginagawa mo dito?"tanong ko na agad namang ikina kunot ng noo nya.

"sinusundo ka may lakad tayo right? wag mong sabihing nakalimutan mo"sabi nya at dun ko lang naala na may usapan nga pala kami na mag ma mall ngayon.

"oh sige sandali lang maliligo lang ako"sabi ko hindi ko na tinanong kung bakit sinusundo nya pako,hindi naman sa nag iinarte ako ha pero its just that hindi nya naman na ko kailangan pang sunduin at pangalawa hindi rin kami close mag kaaway pa nga kami eh.nakakapag taka lang talaga.

umakyat na ko sa taas at agad na tinungo ang banyo upang maligo.syempre binilisan ko nakakahiya naman sakanya sinusundo nya na nga ko pinag antay ko pa sya.

pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang aking susuotin ang outfit ko ngayon ay sweater na color light pink na may design na panda at ang pang ibaba ay track pants na color peach.syempre ganto yung sinuot ko dahil nga malamig sa mall.

pagkatapos kong magbihis syempre nag retouch ako ng kaunti light lang para bagayan ang damit na suot ko at pagkatapos ay tumingin ako sa salamin.

"perfect!"sabi ko at bumaba na

pagkababa ko ay nakita ko sa jayce na nakatalikod sakin simple lang yung suot nya pero bakit ganun na lang yung tama sakin.naka suot sya ng white t-shirt na may nakasulat na chillin at pants na light brown at silver na relo sa kanyang kamay.

"tara na" pagkasabi ko nun ay humarap sya at tiningnan nya ko.

matagal tagal rin nya kong tinignan kaya nagtaka nako

"bakit? pangit ba?"tanong ko

"h-hindi, lets go" medyo nautal nitong sabi .anong problema neto.

nagpaalam na kami kay mama syempre binigyan ako ng pang gastos alangan namang hindi anong gagawin ko dun sa mall.naglakad na kami kung san manya pinark yung kotse nya.

tahimik lang ako sa byahe dahil yun nga hindi naman kami close netong kumag na to HAHA.

ng makarating na kami sa mall ay pinark nya na ang kotse nya at bumaba na kami nat naglakad papuntang entrance.

nakita namin na nasa gilid ng entrace sila cheena kumpleto na sila,nakakahiya kami na lang ata yung hinihintay nila ng makita na nila kami ay pumasok na kami sa loob,buti na lang talaga at sinundo ako netong si jayce kung hindi tulog pa ren siguro ako ngayon

"so ano guys anong uunahin natin?"tanong ni cheena

napag isipan namin na mag sine muna at pagkatapos ay kumaen at pagkatapos ay mag shopping.

syempre ok lang sakin yun kahit papaano malaki naman yung binigay na pera ni mama.

so ayun pumunta na kami sa sinehan si jayce at hiro ang pumila sabi kasi ni jayce sya na daw ang bahala sa babayaran sa sine na ikinatuwa namin syempre nagpasalamat kami.pero grabe ha ganyan ba talaga kayong mga mayayaman kung maka waldas ng pera walang pakealam.

horror ang napili naming panuorin dahil lahat kami yun din naman ang gusto maliban kay jayce na hindi namili kami na daw bahala.

nakabili na sila nung ticket at kung minamalas ka nga naman katabi ko si jayce at ang isa ko pang katabi ay si tristan.

bumili na kami ng kakainin namin habang nasa loob ng sinehan.popcorn at softdrinks lang ang binili ko.kinuha ko na ang wallet ko sa bulsa para magbayad iaabot ko na sana ang bayad ko ng bgiglang may naglihis ng kamay ko at si jayce iyon.

"miss ako na ang magbabayad,my order is also same to him at pakidagdagan na rin ng large fries"sabi nya na ikina gulat ko.

"hala! hindi ako na" sabi ko at tangkang iaabot na sana ulit kay ate ang bayad ko pero pinigilan nya ulit ako.

"no,i insist"

nagpumilit pakong magbayad pero ayaw nya talaga kaya wala nakong nagawa kahit nahihiya ako.

"s-salamat"yan lang ang tangi kong nasabi at kinuha na yung order ko kinuha nya an rin yung order nya.

nilagay nya sa lalagyan ko yung large fries na inorder nya kaya tiningnan ko sya.

"sayo yan"sabi nya.

"huh?pero binili mo to" sabi ko ng may pagtataka

"binili ko yan para sayo"sabi nya atsaka ako iniwan ng nakatulala

anong meron sa lalaking yon?.



___________________________________

omayghadd! sorry po talaga at ngayon lang ako nakapag update sobrang busy ko po kasi sobrang dami ng modules sorry po talaga.

if you like this chapter you can tap the vote sign and leave a comment about your thoughts in this part.





















Unpredictable love (BoyxBoy)Where stories live. Discover now