Chapter 11

55 5 0
                                    




Sabado ngayon kaya as usual maaga ako nagising.


Syempre pagkabangon gagawin ko muna ang daily routine ko pagka gising, naghilamos lang muna ako tsaka bumaba.



"Goodmorning ma" bati ko sa butihin kong ina ng makita ko syang nagwawalis sa sala.



"Anong meron at may pa bati bati ka pang nalalaman jan, ikaw ha umamin ka may kailangan ka ano?".haynako ang nanay ko talaga ambilis magduda.


"Ano ka ba ma, masama na bang batiin ka atsaka wag kang magalala ma wala naman akong kailangan sayo noh".



"Oh sya may niluto akong almusal dyan kumain ka na andami mo pang sinasabi" talak ng nanay ko sakin, aba ako pa talaga ang madaming sinasabi.


"Sya nga pala ma pupunta dito mamaya si tristan".


"Sinong tristan? Yung kababata mo sa dating nating tinitirhan?". Tanong ni mama at tumango nalang ako."Mabuti yan at matagal tagal ko naring di nakikita ang batang iyon"



"Inaaya nya din pala kong gumala bukas ma alam mo na gagala lang hihi" sabi ko sa nanay ko sabay ngiti.



"Oo na, oh sya tapusin mo na yang almusal mo na yang almusal mo at pupunta lang ako kay mareng rosilda" sabi ng nanay ko sabay labas ng pinto haybako makiki chismis nanaman yon mga nanay nga naman.



Tinapos ko na ang pagkain ko atsaka bumalik sa taas para mag toothbrush.



Tutal wala din naman akong gagawin ngayon naisipan kong linisin nalang ang kwarto ko dahil sobrang kalat na at mukhang nadaanan na ng di mabilang na bagyo.



Wala din naman akong pwedeng gawin dahil di naman ako chismosa katulad ng nanay ko at wala pa rin akong kakilala dito sa bago naming tinitirhan dahil nga kakalipat palang din naman namin at mukhang wala din namang gusto makipag close sakin.



So ayon nga linis dito linis doon at hanggang sa matapos ko na ayusin ang kwarto ko. Perfect! Malinis na ulit at hindi na mukhang hayop ang nakatira Haha.



Maya maya pa ay narinig ko ng bumukas ang gate,mukhang tapos na makipag chismisan ang nanaya ko.


"Anak bumili ka nga ng gamot don sa butika naubos na ksi yung gamot ko" ayan ang napapala ng pagiging chismosa sumasakit ang ulo.


Kahit hindi pa ako sanay lumabs ng bahay dahil nga wala naman akong kakilala dito ayy sinunod ko nalang syempre masakit nga ang ulo ni mama alangan namang mag pasaway pa ko.


Hiningi ko na ang pambili atsaka lumabas ng bahay. Hapon palang naman kaya naisipan kong lakarin nalang dahil mejo malapit lang naman ito atsaka para hindi na rin gumastos pa ng pamasahe.



Ng makarating nako sa butika ay binili ko na agad ang gamot na pinapabili sakin.


Naisipan kong mag ikot ikot muna saglit dahil maaga pa naman.


Habang nagiikot ikto ako ay parang may nahagip ako na familliar na postura ng tao nasa kabilang kalsada kasi ito kaya hindi ko masyadong makita, ng malapit na ito sakin ay tsaka ko lang nakumpirma kung sino ito.


Si Jayce.


At di lang yon may kasama pa syang babae at mukhang masaya pa sila dahil nagtatawanan sila at nakangiti sa isat isa.



Hindi ko alam pero parang bigla akong nawalan ng gana hindi ko ma explain kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit ganito? Tama bang nararamdaman ko to.


lumingon sya sa may gawi ko kaya agad akong nagtago sa mga kumpol na taong papadaan, sana hindi nya ko nakita. Pero teka bakit nga ba ako nagtatago? Sino ba sya.



Ng makita kong nakalayo na sila ayy umalis na ko, naisipan kong mag tricycle nalang dahil palubog na ang araw at kasya pa naman ang pera ko.



"Oh bakit ganyan yung mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa". Tanong sakin ni mama pagka pasok ko palang ng bahay.




Siguro nagtataka si mama kung bakit ako malungkot maski ako hindi ko din alam kung bakit ako malungkot.



"Wala ma pagod lang to" sabi ko kay mama sabay abot sakanya ng binili kong gamot at umakyat na sa kwarto ko.



Pagkahiga ko sa kama ay biglang nag flash sakin yung nangyari kanina kung saan nakita ko si jake at yung babaeng nakangiti sa isat isa na halatang masayang masaya. Hanggang ngayon naguguluhan padin ako sa nararamdaman ko.






------w------w------w------w------w------w------w------w------w------w------w-------




Hi sorry kung matagal nakapag updage sobrang naging busy lang yalaga ko sa school idagdag pa yung pagiging president ko at honor student i hope you'll understand :')




If you like this part please vote and leave a comment about your toughts in thia chapter!

Unpredictable love (BoyxBoy)Where stories live. Discover now