Chapter 1

512 24 3
                                    

Rence POV

"Anak gising na,ikaw talagang bata ka! palagi ka nalang ganyan pag unang pasukan".ang pag-sigaw sakin ni mama mula sa baba.

Kanina pa talaga ako gising tinatamad lang talaga akong bumangon.

"Hahampasin kita ng sandok kapag di ka pa bumangon dyan!".ang pag-sigaw ulit ni mama.

Sa narinig ko ay bigla akong naalarma,bumangon na ko upang kuhain ang towel na nakasabit sa gilid ng closet ko.

"Opo ma,Eto na!"

"Pagkatapos mo maligo Bumaba kana dito para kumain ng almusal".

"Opo".

Bago ako pumasok sa cr ay saglitan muna akong tumingin sa salamin at sabay sabing "Ang ganda ko talaga".Hahaha ang kapal ba ng mukha ko?pasensya na may pinagmanahan kasi .

Hindi naman sa pangit ako,May itsura naman ako kahit papaano.

At ayun nga pumasok na ko sa cr at naligo at kumanta ng kumanta hanggang sa sumakit ang lalamunan.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ko para kumain ng almusal.

ng nakahanda na ang almusal ay kumain na kami ni mama.

Kung napapansin nyo na hindi nababanggit ang papa ko,namatay na kasi siya,nagkaroon siya ng sakit sa bato dahil sa kadahilanang namana niya ito sa kaniyang mga magulang. Marahil hindi kayo masyadong pamilyar sapagkat bibihira lang ang ganitong klase ng sitwasyon.

ng mamatay si papa 4 years ago ay mas lalo kaming nahirapan ni mama at malaki ang naidulot nitong lungkot samin lalong lalo na kay mama.

Pero siyempre kailangan parin namin maging matatag lalo na at kami nalang dalawa sa buhay.

Ng matapos na kong kumain ay umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto at nagbihis ng uniform ko at syempre nagretouch ng kaunti.

"Anak bilisan mo na at baka ma-late ka nyan,Wag kana magpaganda anak wala na talaga tayong mababago dyan sa itsura mo kahit anong gawin natin".

"Ma naman eh! panira ka ng beauty ko".si mama talaga panira ng moment kahit kailan.

pero kahit ganyan yan si mama mahal na mahal ko yan.

tanggap naman na ako ni mama at papa wala naman na silang magagawa dahil pinanganak na talaga akong ganto.Hahaha.

Pagkatapos kong magpaganda ng bonggang bongga ay kinuha ko na ang gamit ko at bumaba.

ng makababa na ko ay hiningi ko na ang baon ko tsaka nag-paalam kay mama at lumabas.

wala pa akong kilala dito sa lugar namin dahil kakalipat lang namin ni mama nung bakasyon. Lumipat kami dito dahil mura lang ang renta

Maganda naman dito at mababait din ang mga tao marami nga agad naging closed si mama eh.

ng makarating nako sa sakayan ng tricycle ay naghanap na ko ng masasakyan.

ng makahanap nako ay may dalawa pang space yung isa sa backride at yung isa naman ay sa loob.

pero mas pinili kong sumakay sa backride,okay narin toh para makita ko kung gano kaganda dito at para makabisado ko na rin ang daan.

Habang wala pang sumasakay sa loob ay luminga-linga muna ako sa paligid.

Ang alam ko Kanto ang tawag ng lahat sa lugar na ito.Hindi lang namn sakayan ng tricycle ang meron dito meron ding mga tindahan ng ulam,junkfood vendors,botika fast-food restaurants at marami pang iba.

Ng may sumakay na sa loob nagsimula ng umandar ang tricycle.

Habang nasa byahe naalala kong malapit lang pala dito ang isa sa pinakamalaking mall sa Pilipinas ito ang SM North Edsa.Bigla akong na-excite.gusto kong pumunta pag walang pasok.

Ng makarating na sa school ay bumaba na ko para magbayad atsaka naglakad papasok sa school.

Ng makapasok na ako ay huminto muna ako tsaka pumikit at dinama ang presensya ng paligid.

Sana maging maganda ang school year ko ngayon.

Ng maramdaman kong nagmumukha nakong tanga ay minulat kona ang mga matako.nakita kong may mangilan-ngilan na tumitingin at nagtataka yung iba naman tumatawa.dun ko lang naramdaman ang hiya.

naglakad nako papunta sa isang building at tsaka umakyat.

Habang tinatahak ang daan paakyat bigla akong napaisip sino-sino kaya ang mga magiging kaklase ko.sana marami akong maging kaibigan

Grade 12 na ko this year dito sa Aguinaldo High School.alam kong mahihirapan ako this year dahil pag nag graduate nako ay magkokolehiyo nako kaya kailangan mataas ang marka ko.kaya kailangan kong galingan.

ng makaakyat nako ay hinanap kona kung saan ang room ko.

Ngunit ng papaliko nako ang huli ko lang natandaan ay nasa sahig nako at masakit ang katawan.



End of Chapter 1

-----------------------------------------------------------

Sana nagustuhan nyo ang unang chapter ng story ko

if you like you can tap the vote sign pwede rin kayong magcomment kung may gusto kayong sabihin.

Enjoy reading guys :)

Unpredictable love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon