CHAPTER 7

62 43 17
                                    

Meet Logan 😍

"Miss, miss ikaw ba yung bago?" Tanong ng makisig na lalaki sa harapan niya.

Am I in heaven? Bakit andaming fafa rito sa resto?

"Miss yung laway mo tumutulo kadiri ka sis!" Pabulong nitong tili sa akin.

"What?!" wala sa sariling sigaw ko.

"Tumahimik ka ngang babae ka! Tara dito," sabi nito sa akin sabay hila papunta sa kusina ba ito o ano? Basta isang room na sobrang kulob parang minsan nga lang dalawin ng linis sa sobrang dumi.

Bakit parang bakla siya?

"Ano ba at bakit mo ako hinila dito?" Naasar na sabi ko.

"Ang ingay mo kasi at tsaka ikaw pa lang ang may alam na bakla ako," parang nahihiyang sabi nito.

"So tama ako? Bakla ka nga as in bading, sirena , beki at kung ano ano pa?" takang sabi ko.

"Tawagin mo na ako sa gusto mong tawagin basta tayo lang ang nakakaalam nito ah," paninigurado nito sa akin.

"Alam mo sis saying ka. Magpakalalaki ka na lang kasi, wait! Ano nga pa lang pangalan mo?" pagtatanong ko rito.

"My name is Logan Stephen Buenavista, but I'm not into girls sis talong din ang hanap ko," sabi nito habang ang mga kayumangging mata'y nandidiri.

"Sayang ka talaga," pag uulit ko.

"Tsk! Hindi sayang ang beauty ko dahil marami naming fafa dito," maarteng sabi nito.

"Tsk! Umasa pa ang lola niyo na may papatol sa kanya! Meron naman babae! Hindi lalaki," mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka sis?" seryosong tanong nito.

"Ah wala, wala. Ano pala ang gaga---"

"Binabayaran ko kayo dito para magtrabaho hindi para magchismisan!" Malakas na sigaw nito.

Agad akong napa ayos ng tayo dahil sa gulat. Anong nangyayari bakit parang galit siya? Parang kanina lang ah! Good mood siya.

"Sis masanay ka na diyan kay Sir Corl, ganyan talaga yan kaya araw- araw may natatanggal sa trabaho. Kaya heto oh, damit mo suotin mo rin yan agad- agad." Sabi ni Logan sabay abot ng isang pares ng damit.

"Saan pwedeng magbihis?" tanong ko rito.

"Ay oo nga pala wait Cheska, ikaw muna dito. Ito-tour ko muna si? Wait ano nga ulit pangalan mo?" tanong nito sa akin.

"Just call me Xy or Xyria," sabi ko rito.

"Wait may ka-pangalan ka! Ah oo nga yung sikat na si Alyssa Xy ano ba yun? Basta yung sikat na model," singit naman ni Cheska.

"Ah wahaha kapangalan lang naman, tara na logan! I-tour mo na ako," sabi ko kay beks na ayun busy sa cellphone niya naku kapag nakita siya ni baby Corl paktay siya talaga.

"Hoy! Bakit busy ka diyan gusto mo bang mahuli ni baby Corl? Este ni Sir Corl?"

"Halika nga rito ghorl. Wag ka ng maingay diyan. Tara na!" sabi nito sabay tumayo at itinour nga ako sa buong restaurant.

"So do'n sa may kanan ang cr?" tanong ko rito.

"Yes kaya ngayon pwede mo nang isuot ang damit na ibinigay ko sayo kanina. Sige na, magbihis ka na para makatulong ka rito." Utos nito sa akin na agad ko rin namang sinunod.

Pagkatapos siyang i-tour ni Logan, ang machong fafa na hindi niya inakalang beki pala at ito rin ang manager ng buong resto, kaya agad siyang pinagtrabaho nito. Hindi niya napansin ang ibinigay nitong uniform ay hapit na hapit pala sa kanyang katawan. Kulay itim na mini-skirt at isang kulay puti na polo na hapit na hapit sa kanyang katawan. Ang kanyang buhok na dati'y nakalugay, ngayon nakatali na.

Falling For Callous Man [ON-HOLD]Where stories live. Discover now