CHAPTER 3

265 199 99
                                    

Doing the plan

Wala sa sariling kinakabahan na pumasok ng Wrights' Cuisine si Xyria. Inayos niya ang kanyang medyo kusot na palda. Makikilala kaya siya ni Corl? Oh Di na naman siya papansinin? Agad siyang kinabahan ng maisip na makikita niya ulit ang binata.

Tinignan niya ng maigi ang kabuohan ng restaurant. Halatang mamahalin ang mga kagamitan sa loob. Ang totoo apat na beses pa lang siyang nakakapasok at nakakakain sa restaurant na ito.

Tingin pa lang masasabi niya na mamahalin ang ginagamit na plato, kutsara, tinidor at maging ang mga baso at puro mayayaman lamang ang makakakain sa restaurant na ito pero sobrang worth it naman sa sobrang sarap ng pagkain.

Nilapitan niya ang janitor na hindi naman mukhang janitor. Sa gwapo nitong mukha at sa tindig ng pangangatawan, mapagkakamalan itong artista o model na Katulad niya kung hindi ito nakasuot ng uniporme.

"Ahm Mr... Matanong lang kung andito ba ang may-ari ng restaurant na ito?"

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Na parang kinikilatis o may inaalala kung nakita na ba siya nito dati.

"Bakit? Kung isa ka sa mga babaeng pinaiyak at iniwan ni Sir Corl, umalis kana. Uunahan na kita. Hindi ka niya kakausapin o babalikan dahil marami ng pumunta dito at umuwing luhaan," mahabang paliwanag ni Mr. Janitor.

Bakas sa mukha niya ang walang pakealam sa sinasabi ng janitor. Alam naman niya kasi na babaero si Corl, at walang nakakagulat do'n.

"Mukha ba akong bayaran at maruming babae?" ani nito habang itininaas ang isa niyang kilay.

Tinignan siya nito muli. "Hindi naman. Pero kung ganun bakit mo siya hinahanap? May atraso ba siya sayo? Oh...

Hindi niya na pinatapos ang sasabihin ng madaldal na lalaki. "Mag-a-apply ako ng trabaho. Nakita ko kasi sa labas at sa mga poste malapit dito na naghi-hire kayo ng waitress," aniya sa magiliw na tono.

Bigla ulit siyang tinignan ng lalaki. Hindi ba siya napapagod ka katingin sa akin? Kanina pa eh. Nahinto siya sa pagmumuni ng biglang magsalita ang lalaki.

"Hindi ka naman mukhang pang-waitress ang bagay sayo ay maging secretary sa mga kompanya oh ano."

Hindi lang pala madaldal ang lalaki kundi pakialamero pa sabi niya sa Isip.

"Alam kung maganda ako pero 'di ko kailangan ng suggestion mo ang kailangan ko ay trabaho," mataray niyang sabi sa lalaki.

Napailing na lang ang lalaki. "Oo maganda ka nga, kaso mahangin at mataray. But seriously, you don't suit to be a waitress."

Aba ako pa na sabihan ng mataray? Eh ano pa siya pakialamero!

Englishero ang loko niyo pero 'di tayo papadaig. "Ano bang pakealam mo?" mataray niyang sabi at pinag-krus ang mga braso sa harap ng kanyang malaking dibdib.

"Wala akong pakialam," balik na sabi ng lalaki. Inilabas nito ang cellphone at parang may tinatawagan.

"Sir Corl, may nag-a-apply po ng trabaho dito. Opo at waitress daw... Ano? Oo, babae... Ahhh may naka-reserve na? Okay Sir sasabihan ko na lang," pinatay nito ang tawag at tinignan siya ng nakakaloko. "Pano ba yan, Miss. May naka reserve na pala sa in-a-apply-an mo. Wala ka ng choice susundin mo ang suggestion ko or maghahanap ka na lang ng ibang mapapasukan."

"Ganun? Janitress na lang ang a-apply-an ko katulad ng sayo." Pamimilit niya.

"Marami na kaming Janitress dito. Aagawan mo pa ng trabaho kung sakali si Manang Lisa na may anim na apong pinapakain at inaalagaan."

Falling For Callous Man [ON-HOLD]Where stories live. Discover now