CHAPTER 5

223 172 127
                                    

The Interview 2.0

Hindi niya napansin na naglakad papalapit sa kanya ang baby Corl niya. Tumigil lang ito ng isang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.

Shett! Naamoy ko ang mabango niyang hiningaaaa!

Siguro kanina pa ako nahimatay dito!

Pero mamaya na pag nakalabas na dito.

"If you want to work here, you better FOLLOW MY RULES. Una," Tinignan nito ang legs niya ng masama.

Shett! Ang legs ko.....

"Cover them. Ayokong nakikita yan. Always wear jeans or something na mahaba, basta kailangan TAKPAN MO!" Galit nitong sabi.

Napaka possessive naman ng baby Corl ko.....

Nakooo baka mainlab ako sayo ng Di oras eh....

Hindi niya hinayaan na mapansin ni Corl ang pamumula niya kaya kumunot siya ng noo. "Pero base sa mga nakita ko sa baba at sa mga waitress dito, maiikli naman ang suot nilang skirt. Mas mahaba pa nga ang akin eh." Pagdadahilan niya.

"Sundin mo na lang sinasabi ko or hindi ka makakapag trabaho dito!" Sabi nito sa kanya.

Paunti-unting nawala ang kaba na kanyang nararandaman at napalitan ng pagkainis. Sino ba ang lalaking ito para pakialaman ang pananamit at make up niya?

Walang iba kundi ang mahal mo! At ang magiging boss mo kung tatanggap ka?

Putchak hindi na naman nakikipagsundo ang utak niya. Oo na mahal ko pero nakakainis na kasi eh. Mukhang talo na ako.

"Sige na at tatakpan na dami dami pang sinasabi. Sabihin na lang niya na gusto niyang siya lang ang makakita ng legs ko ipapakita ko naman sa kanya eh." Sabi niya pero ang Sige na at tatakpan lang ang kanyang ipinarinig sa binata.

"May sinasabi ka?" Tanong nito sa kanya.

"Wala po boss!" Sagot niya pabalik.

"Mabuti. Pangalawa, bawal ang may boyfriend or kung anong may kaugnayan sa isang lalaki." Sabi nito habang naglakad papunta sa kanyang upuan.

"Bakit naman Sir?" Tanong ko. Syempre ngayon ko lang ito narinig sa lahat ng pinag apply-an ko ha.

"Ayoko dahil malas yun sa negosyo." Sagot nito pabalik sa kanya.

Anong connect? Sabi ng isang bahagi sa utak niya.

No comment na lang siya at hinintay ang kasunod nitong sasabihin. Mamaya na siya sa sagot baka kung anong sabihin pa nito sa kanya eh.

"Pangatlo, ayoko ng late at pala absent. May day off naman para gawin mo lahat ng gusto mo. Pang-apat, dapat Palagi kang nakangiti bawal ang nakasimangot dahil nakakataboy ito ng swerte at customer. Always know what's the best for our costumer and that is to serve them well, that's our motto. Sundin mo ang lahat ng yan at wala tayong magiging problema."

Tango lang ang tangi niya naisagot pero ang totoo kanina pa niya gustong sabihin na...

Hindi ko alam na naniniwala pala siya sa fung soi....

At ang istrikto niya wait not istrikto ang POSSESSIVE NIYA...

Pero naiintindihan niya ito. Kasi ganun rin siya sa mga PA niya. At pati ang mga derector sa kanya kapag may shooting sila sa isang soup opera.

Ps. PA means Personal Assistant.

"Kailan ako magsisimula?" Tanong niya na bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanila.

Falling For Callous Man [ON-HOLD]Where stories live. Discover now