CHAPTER 1

498 234 168
                                    

THE PLAN 🌙

XYRIA'S POV

“Xy, hindi ka ba napapagod kakapapansin mo riyan kay Corl? Like duh! Kasi ako pagod na pagod na kakasaway sa 'yo,” mataray na sabi sa akin ng kaibigan ko na si Crystal.

Tinignan ko ito nang masama at gano'n din ang aking kaibigan na nakatitig din ng gano'n sa akin.

“Crystal, gusto ko yung tao, eh. Malay mo sa pagpapapansin ko sa kanya mapansin niya rin ako.”

“Akala ko ba mas gusto mo 'yung lalaki no'ng naglasing tayo?” pagkukuwestiyon ni Crystal sa akin.

“Wait, don't tell me in love pa rin siya sa taong iyon?!” hindi makapaniwalang tanong ni Glyrise rito.

“Then, she won't.” Mataray na wika ni Crystal sabay tayo muna saglit upang ayusin ang kaniyang pag-upo.

“Tama na, marupok ako. Tsaka kahit naman gusto kong makilala 'yung tao na iyon. Kaso hindi ko naman nakita ang mukha niya kaya wala ring k'wenta. Pero may iba kasi akong pakiramdam sa kaniya, malay n'yo si Corl pala 'yung taong iyon?” wika ko sabay ayos ng upo.

“Pero ang mas mahalaga ngayon ay paano niya ako mapapansin?” problemadong wika ko.

“Hmm, kapag naging waitress ka sa mismo roon sa resto o bar niya. 'Saka ka lang no'n pagtutuunan ng pansin dahil empleyado ka niya.” Singit nitong si Glyrise na abala sa pag ubos ng in-order nitong pagkain para sa kanilang tatlo. Sa sobrang takaw ni Glyrise halos ubusin niya na ang lahat ng pagkain sa mesa habang hindi sila nakatingin.

Isa lang ang masasabi niya at 'yon ang hindi nila siya naiintidihan. “Alam n'yo namang gusto ko siya diba? Kaya okay na sa akin kahit maging waitress pa ako ng resto niya para lang mapansin niya.”

Oo, marupok mang marinig pero ganito ako magmahal, eh. Kayang tiisin ang lahat makamtan ka lang.

Wait, do I love him or I'm just captivated with his face?

“Xy, hindi normal na gusto mo siyang makita araw-araw. Hindi mo ba naisip na baka maweirduhan yung tao sayo? Dahil diyan sa pinaggagawa mo? Tsaka hindi mo ba kilala si Corl Nexus Wrights?” ani ni Glyrise.

“Tama si Glyrise at buti kung binabati ka rin niya pabalik tuwing nagkikita kayo diba?” sagot ni Crystal.

Nega talaga nito kahit kailan!

“Ayos na 'yun. G'wapo naman siya,” nasabi ko na lang para hindi ako magmukhang kawawa sa harap nila.

Katangahan.”

Tumayo si Crystal mula sa pagkakaupo. “Halika na. DUMAAN na tayo sa resto ng baby Corl mo at matapos na itong kahibangan mo NGAYONG ARAW.”

Hindi ko alam kung sinasadya niyang diinan ang mga salitang dumaan at ngayong araw ngunit sa isip ko kahit ganyan ang mga yan sinusuportahan pa rin nila ako sa mga kabaliwan ko.

Agad akong napangiti sa aking kinauupuan at sumunod kay Crystal, sabi sa inyo eh 'di rin ako matitiis ng mga 'to. Nang 'di 'ko makita si Glyrise sa likod ko nilingon ko yung mesa namin kanina. At nakita 'ko ro'n si Glyrise na hanggang ngayon kumakain pa din ng binili naming cake.

"Glyrise, tara na!" mahina kong sigaw dito.

"Maiwan muna ako dito, kumakain pa ako eh!"

Itinaas ni Alyssa ang kilay. "Napakatakaw mo talagang babae ka."

"Inggit ka lang kasi kahit kumain ako nang kumain sexy pa rin ako," Sabi niya with matching dila at hinimas pa nito ang kanyang maliit na beywang para i-emphasize na sexy talaga siya.

Falling For Callous Man [ON-HOLD]Where stories live. Discover now