CHAPTER 6

279 161 100
                                    

The Interview 3.0

"Tinignan niya ito ng masama dahil hindi ba nito alam na masisilipan siya? Tsaka kalalaking tao niya hindi ba siya marunong maging gentleman?" sabi niya sa kanyang isip. 

"Bakit kaya hindi ako na lang diyan sa inuupuan mo at ikaw dito sa mesa na ito?" Suggest niya.

"At sino ka para sabihin sa akin yan? Tandaan mo amo mo ako at trabahante ka lang dito. Tsaka hindi mo ba natatandaan na kasalanan mo yan kaya magtiis ka."

"Pero babae ako at ikaw ay lalaki. You can sit wherever you want!"

"So nag e-english ka? Yung totoo kailangan mo ba ng trabaho? Oh nandito ka lang para magpa impress? But maganda yan kasi minsan nagkakaroon kami ng mga foreign costumers dito sa restaurant."

"Ano bang sinasabi mo? Nandito po ako para magtrabaho kasi kailangan ko. Tsaka 'SIR' wag nyo pong ibahin ang topic." Sarkastikong sabi niya habang pilit na ibinababa ang palda niya.

"Nagsisisi na talaga ako ngayon dapat kasi sumunod na lang ako eh." Sabi niya sa sarili.

"Simulan na natin ang interview. Nagkapag tapos ka ba ng pag aaral?" Sabi nito.

"Oo." Tipid niyang sagot dahil naka focus siya palda niyang kanina pa taas ng taas.

"Do you have any experience regarding being a waitress?"

"None but I can clean and prepare tables because it is not just about if you have a experience being a waitress because for me kaya naman natin itong matutunan."

"Very good answer. Do you have bar experience?"

"Yes." 

"May boyfriend ka na?"

Napatigil siya sa pag aayos ng marinig ang tanong nito. "Ano? Paki ulit nga?"

"Ang sabi ko may boyfriend ka na ba?" 

Aba inulit talaga bigla tuloy tumaas ang kanyang kilay.  "Kasama ba ito sa interview?" 

"O-Oo. It's part of personal background so yes. Tsaka ayoko ng may boyfriend dahil panira lang yan sa trabaho." 

"Wala akong boyfriend pero kung gusto mo ikaw na lang." Pilya niyang sabi kasi hanggang ngayon di pa rin siya makapaniwala sa tanong nito.

Nainterview naman siya dati pero bakit walang ganun na tanong sa kanya. Tsaka mas grabe pa nga ang pinag trabahuan niya dati kasi puro taping at walang tulugan kasi may isho-shoot pa.

"Stop flirting with Ms. Alyssa. Ayaw ko lang naman na uma-absent ka para lang sa date o kaya may pupuntahan kayo."

"Sir hindi ako a-absent para lang diyan sa sinasabi mo." Sabi niya at agad ding binaba ang palda niyang tumaas na naman. "Tsaka masipag ako sir sa trabaho ko. Kaya wala ka dapat ipag alala kasi ma---" Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil napansin niyang biglang tumayo si Corl at agad na lumapit papalapit sa kanya.

"S-Sir a-anong gaga---"

He takes off his black fitted 3-buttoned single-breasted blazer and put it over her lap to cover her legs.

Tinignan siya nito sa mga mata. "There. Ok na? Do you feel comfortable?"

Lihim siyang napalunok. Grabe! Ang bango ng hininga niya! Kanina niya pa ito naamoy pero mas mabango pala sa malapitan.

"S-Sir a-ahm o-okay n-na p-o." Nauutal niyang sagot. Halong kaba at kilig ang nararamdaman niya hindi niya alam kung anong gagawin dahil isang dangkal na lang ang layo nila.

Falling For Callous Man [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora