Zhy's PoV:
Tahimik ang buong paligid, nasa kotse kami ngayon ni Dame, medyo pamilyar yung kotse nya at may kaamoy, pero baka dahil sa air freshener. Bumabyahe kami papuntang Bulacan kung saan naroroon daw ang kanilang Laboratory.
Walang umiimik sa amin, hindi man lang nag abalang buksan yung radio para naman hindi nakakabingi yung katahimikan. Napasandal nalang ako sa aking inuupuan, hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina, lalo na yung nangyari sa isla.
FLSHBCK
“Can I have my first wish?” Bigla sabi ni Dame, napatingin naman ako sa kanya at bakas sa mukha ko ang pagtataka. Anong sinasabi nya? Ahhh shit nakalimutan ko, may three wishes pala akong utang sa kanya. “Ay oo nga pala, Sige ano yun?” sabi ko sa kanya at hinarap ko, inaantay ko yung sasabihin nya, deretso syang nakatingin sa mga mata ko
“Forgive me.” Sabi nya, hindi naman ako nakaimik at tinitigan ko lang sya. Masakit yung ginawa nya sa akin pero mas masakit yung di sya nagtiwala sa akin.
“Please?” Inilapit nya ng bahagya ang mukha nya pero inilayo ko naman yung mukha ko at bumuntong kininga. Ano ba trip ng taong to?
“Since, I am your personal Genie, Yes, I forgive you.” Bumalik ang tingin ko sa TV, madali naman ako magpatawad, pero mukhang nagmamadali ang isang to, hinawakan nya yung kamay ko. “I’m sorry” Tinignan ko yung kamay nya na nakapatong sa kamay ko, madami akong tanong na gustong sabihin,
“Let’s just forget that event in our life.” Piniga nya yung kamay ko “Can you?” tinignan ko sya at marahang ngumiti “Ayoko din naman ng nagtatanim ng sama ng loob, well sa isang tao lang, at hindi ikaw yun.” Sana nga hindi ikaw iyon, may duda ako sa kanya pero tulad ng sinabi nya sa akin, kasapi sya sa grupo ng Uther, maari ko syang magamit, at the same time pagkatiwalaan. Pero magiingat na ako ngayon, napatigil ako sa mga iniisip ko ng nagsalita syang muli
“Zhy, I promise you, I will protect you for all costs.” Hinaplos naman ng kabilang kamay nya yung mukha ko, bakas sa mata nya ang pagsisisi at sakit, tinamaan siguro ng kunsensya ang luko.
“I will cherish you, and I’ll take care of you until my last breath, and hopefully you forgive me, voluntarilly.” Hahayaan kong mahulog ako sa taong ito, kung mahuhulog man ang loob ko sa kanya, mahirap magpatawad pero mas mahirap makalimot. Gustuhin ko man pero di ko pa sya kayang patawarin sa ngayon pero alam kong mapapatawad ko sya, hindi tulad ng taong naging dahilan ng pagkamatay ni Fyv, I loathe him, I despise him, I will kill him.
“and I know that it would be too much if I ask you to trust me again. So, I will do my best to gain your trust again.” Hinawakan ko yung kamay nya na nasa mukha ko, kahit di kami nagmamahalan, nagtiwala ako sa kanya dahil akala ko nagiging totoo na sya sa akin, parang natutuyo ang lalamunan ko, sa isipin na sa mga araw na kasama ko sya at pinagkakatiwalaan, pinagdududahan at kinukwestyon nya ang pagkatao ko.
“H-how about you? C-can you trust me?” Nadismaya ako dahil hindi ko naitago ang bigat ng damdamin ko, at nabasag ang tinig ko.idinikit nya ang noo nya sa noo ko
“I will trust you, all of you, because I know now that not trusting you is one of my biggest and foolish mistake.” Napaka sincere ng mga salitang binibitawan nya, lahat naman tayo nagkakamali, pero mas gusto ko yung taong alam ang pagkakamali nya at humihingi ng tawad. Mas deserving silang patawarin.
“Dame, it’s hard for me to trust you again, but I will try, because sooner or later, we will become one. So, please trust me too, okay?”, kinuha nya yung kamay ko at hinalikan “Thank you, thank you” in between his words niyakap nya ako, sinubsob nya ang ulo nya sa leeg ko.
FLSHBCK NDS
Ang sakit sa ulo ng mga lalaki, kahit kailan.
Hindi ko na kaya. Binuksan ko na yung radio nya, suskooo napaka tahimik! Para sa madaldal na tulad ko hindi ko kaya yung tahimik lang. Ang tumutugtog ngayon sa radio ay upbeat music, which is good, para less awkward. Tahimik ang buong byahe hanggang makarating kami sa isang bahay, akala ko malaking laboratoryo yung sinasabi ni Dame. Bumamaba na kami kasi wala namang ibang bahay o dumadaan dito bukod samin, wala ding pathway papunta sa bahay kaya iniwan namin yung kotse sa kalsada.
Medyo malayo rin ang nilakad namin kasi malayo sa kalsada yung bahay. Mga tatlong minuto. Pinagmasdan ko ang kabuoan ng bahay. May Ilang baitang ng hagdan upang makapasok sa terrace. May mga maliliit na halaman sa paligid. Mayroong nakasakbit na Home Sweet Home sa Pinto. Mayroon ding Tea table sa bandang kaliwa at Bench Swing sa kanan. May unan pa sa Bench Swing.
Meron ding mga Rug sa magkabilang gilid. May mga halamang nakasabit din na may bulaklak.
Mukhang gawa kahoy ang buong bahay na piniturahan ng dirty blue at puti sa ibang parte ng bahay at navy blue sa bubong.
May doorbell din na ang tunog ay parang buzzer. “Hindi ba tayo naliligaw?”
“No” pinindot nya yung doorbell, ilangg sandali lang may lumabas na Lalaki, hindi sya gaanong mukhang katandaan pero may edad na sya, may isang batang lalaki ding lumabas mula sa likod nya, masigla yung bata pero kapansin pansin yung mata nya, magkaiba, isang brown at isang silver grey.
“Oh Iho, kanina ka pa namin hinihintay.” Sabi nung nakatatanda. “Kuyaaa Dame!!!” sigaw naman nung bata sabay talon kay Dame. I never thought that he can be fond with kids, not with those attitude and looks.
Pumasok na kami ng bahay, umupo muna kami sa may sofa, yung bata nakakarga pa din kay Dame at kwento ng kwento. “Who is she, kuya?” tanong nung bata. ‘She’s Zhy, and she’s my Wife” Wife?! Napahinto ako sa sinabi nya, lumapit naman sa akin yung bata. “ Hi Ate Zhy, Ako nga po pala si Leroi! I’m the second cyber!” he’s cute and he’s weird hahaha, I think he wants to be a robot.
“Iho, dumeretso na kayo sa baba.” Sabi nung lalaki matapos nyang tumawag at ibaba yung telepono. “Come on.” Sabi n Dame, tumayo sya at inalalayan akong makatayo. I waved goodbye kay Leroi tyaka naglakad papuntang basement.
Typical basement, pumasok kami sa isang lumang pinto sa dulo ng basement na sobrang dilim.
Elevator
Nakakamangha dahil hindi mo naman aakalaing may gantong kahigh tech na parte yung bahay. Yung elevator may dalawang button lang ‘up and down’ down yung pinidot ni Dame, kaming dalawa lang ang bumaba. May ilang minuto din bago tuluyang huminto yung elevator, pag bukas nito ay tumambad sa akin ang mahabang hallway.
Sinundan ko lang si Dame dahil di naman ako pamilyar sa lugar na ito. May tatlong daan ngunit dumako kami sa kaliwa, sa dulo nito may dalawang taong nagbabantay, napansin ko ding tadtad ng cctv ang lugar. Tinanguan lang kami nung isang tao tapos balak sana akong kapkapan “Never lay a finger on her.” Sabi ni Dame na ikinatigil nung lalaki, sumunod ito kay Dame at binuksan yung pinto gamit yung kanyang I.D.
Pagkapasok namin lahat ng tao naka lab coat, yung iba naman naka puting jumpsuit. Busy an lahat sa kanya kanya nilang ginagawa, dumeretso lang kami ni Dame at may hallway ulit kaming dinaanan, maikli lang yon kumpara sa kanina. May garden sa nilabasan namin, tumingala ako, may mga ilaw lang sa loob na animoy langit kaya maliwanag ang buong paligid. Pano kaya sila nakakapag photosynthesis kung walang araw? Sabagay matatalino nandito, they might found a way.
Nilagpasan namin yung garden at may ga pinto kaming hinintuan, walang pagkakailanlan bukod sa nasa gitna, DR.S.CRUZ. pumasok kami sa loob non. Nadatnan namin ang isang lalaking matipuno ngunit mababakas ang katandaan. Around 60s na siguro sya? Ngumiti ito sa amin”Hi I’m Dr. Syd Cruz, the head doctor in this laboratory, nice to meet you miss?” “Zhy, Zhy Kim” ngumiti lang muli ito, “Dame, madami akong tanong” sabi ko kay Dame pero di nya ako pinansin. Mukhang madami syang iniisip, may tinawagan naman yung Dr. sa telepono, matapos non may isang babae ang pumasok sa kwarto.
Nilapitan naman iyon ni DR.Cruz at ipinakilala sa amin “Dra. Barquin is the one specializing Poisons and Antidotes, we heard your case that’s why we prepare before hand.” Nakapaghanda na pala sila, akala ko yung doctor na tumingin sakin sa condo ni Dame ang madadatnan ko dito pero mukhang bihasa ito sa mga lason. Nginitian ko lang ito, dahil deretso ang tingin nito kay Dame
“Sir Dame, may I have a word with you?” ani ng doktora. “Okay” sabi naman ni Dame, lumabas sila pareho, hindi man lang ako nilingon nung kumag hmmp, ni sabihing saglit lang sya kesyo hmmp!
“Ms. Kim, Let me show you the way.” Inalalayan naman ako ni Dr.Syd sa isang kwarto, mukha syang clinic o kaya operationg room, di naman ako inisterile. Pinaupo nya ako sa bed, sya naman ay nanatiling nakatayo, napansin kong may isa pang pintuan at malaking glass window sa kabilang side nung room, diko makita yung nasa kabila dahil madilim. ICU kaya to? Hindi naman sterile, ay baka yung kabilag room. Nilingon ko si Dr.Syd.
“I have questions, Dr.Cruz.” pakapalan na ng mukha, hindi kasi ako pinapansin ni Dame kaya binabagabag ako ng mga tanong.
“I may give you answers but, if it’s confidential then, I’ll really hope you’d understand.” Wow, straight english with accent, sana all! Ehem, try ko din.
“Yes, I will.” Matapos ko yong sabihin hindi na sya sumagot pa kaya nagtanong na ako
“What is this place?” nagtiim bagang muna sya tyaka bumuntob hininga, na animoy nagaalinlangan sa kanyang mga sasabihin.
“This place is just a branch of a big Laboratory in the world, we are under the World Health Organization, and apparently Sir Dame’s Family has the biggest share making them the owner of this branch but they still follows W.H.O. rules in terms of researches, experiments and safety. I’ll give you this info, as a token of friendship. This institution is hidden to the government and other institution, they are all corrupted and science will make them aggitate and berserk.” Grabe ganon sila kayaman, pero bakit kaya laboratory ang ininvestan nila?
For me, Humans are all corrupted, there’s always something they eagerly wants to have. That they sacrifice many things, people or even lives just to achieve selfish goal.
“I never expect that, but that explains a lot.” Naexplain kung bakit madaming cctv at mahigpit yung lugar, kung bakit nakatago ito sa ilalim ng lupa at kung bakit mag ama ang nagbabantay sa itaas. “May sweldo po ba kayo?” kasi syempre, nakataya din buhay nila sa ginagawa nila. Tumawa sya ng malakas.
“Hahaha, that’s a funny one, yes we do, but this place provides us our basic needs, kaya minsan yung mga sinusweldo ko, dito ko din ginagastos.” Mahina ako sa English pero science aba! 1.0 ata grade ko dyan, mapa biochemistry, microbiology, pharma, anatomy, kayang kaya ko yan! Magkano kaya sweldo? Ay wait kung dito nya ginagastos mostly ng sweldo nya dito, pano nya nisusustentuhan pamilya nya? That brings me to my next question.
“May pamilya po ba kayo?” nabigla sya sa tanong ko, natiim bagang muli sya at akmang magsasalita, nang muling bumalik yung doktora, hindi nito kasama ang loko,
“Dr. Cruz, may you excuse us?” agad na naglakad papunta sa pintong sinabi kong ICU si Dr.Syd, maliwanag naman yung loob pero di makita sa salamin.
Bumalik ang atensyon ko sa doktora nang magsalita itong muli. “We haven’t found the right antidote, but this will help you kill the poison, not all of them but we are still on research.” Sabi nito at inayos yung mga dala nyang gamot, “Higa ka na iha, ilalagay natin sa dextrose yung gamot para unti unti itong dumaloy sa dugo mo” Sinunod ko naman ang sinabi nya, hindi naman ako takot sa karayom kaya walang kaso sakin to.
“Ilang oras po tatagal to?” tanong ko habang nililinis yung balat ko. “Two to three hours, you should sleep muna para relaxed yung katawan mo. Sir Dame will be here shortly.” I flinched nung tinusok na yung karayon “I’ll clean and disinfect your wound later.” Matapos nun ay inayos na ni Dra. Yung pagpatak ng dextrose, tinusok na din nya yung gamot. Ngumiti sya tyaka umalis.
Nagkumot naman ako at pumikit, iidlip muna ako, mapapanisan lang ako ng laway dito, alang makausap, lahat sila mukhang matatalino.
~
After an hour naalimpungatan ako kasi may sumusundot sa mukha ko, pagmulat ko yung bata sa taas, Leroi. Nakikipag bungisngisan ito kay Dame, Ang gwapo bumungisngis, mas bagay kesa sa pokerface! “Liit ng ilong ni Ate Zhy, hihihihi” WHATTTTT THEEE? “Hoy! Anong sinasabi mo jan ha! Nako Leroi, mas maliit ilong mo nohhh!” sabi ko, mas lalong nagbungisngisan yung dalawa. “Ikaw naman panget! Anong binubungisngis mo jan?!” pagkasabi ko nun, bigla nalanng itong nag poker face, putcha, ibang klase pagka bipolar nito ahh, daig pa babae! Tumayo ito at inabutan ako ng damit? “Change your clothing, wear this, darating maya maya si Dra. para linisan yung sugat mo.”
Lumabas sila pareho, hinubad ko lang yung pantalon ko at isinuot yung hospital dress, sakto namang pumasok si Dra. na may dalang panlinis ng sugat, “Good thing you’re up,” inayos ko na yung sarili ganon din ang ginawa nya sa mga gagamitin “Bakit po kayo yung magllinis ng sugat ko? Bat po hindi nurse?”
“Sir Dame wants me to be incharge of you, and mostly lalaki nurses dito, he would never let us.” Tsk, isip bata pala yon, pano nalang kung busy si Dra? tapos dumagdag pa ko, haystttt!! “I’ll give you this ointment, ipahid mo to every night before bed, mapapabilis hilom ng sugat mo dito.” Inabot nya sakin yung bilog na lalagyan matpos lagyan yung sugat ko.
Pumasok muli si Leroi sa loob pero di kasama si Dame, “I’ll charge myself munaaa po!” sigaw nung bata sabay takbo dun sa pinasukan ni Dr.Syd. “Is he allowed there?” alalang tanong ko.
“Ofcourse, he’s a masterpiece.” Sabi ni dra, habang binebendahan yung binti ko. Matapos nito tumayo sya at sinindihan yung switch malapit sa may pinto nung ICU kuno. Biglang luminaw yung salamin, nakita ko kung ano ang nasa loob nito.
Maraming capsules, pero may tatlong tao ang tig iisang nasa loob ng capsules, dalawang bata at isang napaka gandang babae, wala silang mga saplot ngunit nakababad sila sa tubig, may nakakbit na mga wires. “Anong ginawa nyo sa kanila?”
“Binibigyan ng panibagong pagkakataon mabuhay” hindi ko alam ang sasabihin, nagimbal ang buong pagkatao ko. “They are already dead, but Dr. Syd, he gave them second chance to live.”
“Mr. Ramon and Leroi, the one you met before us, they are Cybers, Mr. Ramon was his first successful creation, I can’t tell you how he did that, but I can tell you why.” Pinagmasdan kong kinuha ni Dr.Syd ang tube at ikinabit sa Likod ni Leroi, masayang naguusap ang dalawa sa loob. “He believes that death is the end for us, that people like them deserves to live and be humane than people who are still human.”
May bitbit na robot si Leroi at nakikipaglaro kay Dr.Syd habang nakakabit yung wire. “Leroi was an orphan, as per the news, sa bahay ampunan sya lumaki hanggang sa may nag ampon sa kanya, but they treated him like a servant, he starved, he’s beaten by her foster dad. He ran away but he died in the road from exhaustion and starvation. Dr.Syd was at the scene, he immediately brought him here and revived him. Leroi won’t feel exhausted or starve anymore, and he’s living a life that he deseves, peaceful and warm.” Who would think na ganon ang hirap na dinanas ng batang yun? Yung mga bungisngis nya. “I have no objection sa ginagawa nyo, and I’m actually thankful.”
Pinagmasdan kong muli ang babae sa loob ng capsule, “She’s a teacher, died in a car accident with her family, those two are her twins. Her husband, he’s a murderer, but he did that for her wife but when they ran, the accident happened.” That’s awful.
“And Dr.Syd was there too?” umiling sya “She’s his daughter, I can remember how he scream in agony and despair nung mamatay yung anak nya at pero ang pinagbubuntis nito may pulso pa. And now, ginagawa nya ang lahat para mabuhay yung mag iina.”
“Ano hong nangyari sa ama?” tanong ko. “He also die, pero masyadong galit si Dr.Syd sa lalaki.”
“Sa ngayon, hindi padin buo yung makina nila, pati research kaya binubuhay sila sa capsule.”
Tinignan ko si Dra, nginitian nya lamang ako, mukhang ganon kasakit ang nangyari kay Dr.Syd na pati sya at ako, nadarama yung sakit.
Tinignan kong muli sila Leroi at Dr.Syd, masayang nagkukulita. “Magpahinga ka na muna iha.”
Hanggang mapikit ako, naiimagine ko yung buhay na dinanas nila.
YOU ARE READING
He's Nerd, I'm Not
RomanceCliche story. Nerd fell in love with a Gangster. Gangster likes other gangster. Nerd turned to be someone familiar. Other Gangster is in pain. Gangster to the rescue. Arrange Marriage Gangster to other Gangster. Nerd revenge. Mysterious Things. Uhhh...
