Eto na mga men, Naka handa na kami, kasama ko si kuya nasa salas kami,
Hinihintay namin sina Ima at Ipa. May kinakausap lang daw si Ipa.
May dala akong Isang maleta. Mostly T-shirt at Shorts... Makakagalitan ako ni Mama kapag nag pantalon ako.
Dinala ko din yung mga binili ko. Tapos may dala din akong balabal. Susko. Hindi naman kasi bagay sakin naka bra lang... Ang landing tignan kasi.
May dala din akong sunblock. Sabi ni Google magdala daw ako nun para hindi ako matusta. Tyaka mag ka sun burn. Dati kasi nag karoon nako ng sun burn, susko napaka hapdi... Nagbabalat mukha ko tapos hirap gumawa ng facial expressions mababatak yung mukha mo para kang nagpa botox ba yun? Yung binabanat yung mukha. Ayaw ko nang mangyari ulit yun.
Kaya nakahanda na mga dadalin koo.
"Alam mo mga baliw din sila Ima." Napatingin ako kay Kuya Erox. Naka yuko sya tapos pinaglalaruan nya yung phone nya.
"Alam ko, sa kanila tayo nag mana." SAGOT KO sabay tawa. Totoo naman ee.
"Hindi yun, ako ang mas matanda sating dalawa, ako nalang sana ang ipinagkasundo nila hindi ikaw. Bata ka pa Zhy, marami ka pang dapat matutuhan at higit sa lahat, babae ka dapat mong pakasalan yung taong mahal mo talaga."
Mahal ko? Wala naman akong mahal ahh. Si Kuya talaga hindi nalang kaya supportahan sina Mama.
"Alam mo kuya, wala namang kaso sakin yun. Mabait naman si Dame. Thoughtful, Caring, Sweet. Magugustuhan mo din sya kapag nakilala mo sya." Tinignan ako ni Kuya na parang sinusuri ako kung nagsasabi ako ng totoo o kaya naman galing sa puso. Kahit sa totoo lang bihira lang dapuan ng good vibes si Dame. Bipolar kasi... Mabait ngayon tapos may sasabihin lang ako biglang magbabago yung mood nya... Masungit tas biglang magiging gentleman, Mamumula tapos bigla bigla nalang magmumura...
"Akala ko ba si Yzer ang mahal mo? Baka naman gusto mo lang yung Dame kasi gusto sya nila Mama para sayo."
Si Yzer? Crush ko lang yun. Mga four years na.
Ahhhh Oo tama. Hindi ako nagtatago ng sekreto sa kuya ko. Lahat alam nya.
Pero nagbago lahat ng mawala si Fyvrxenims
"HIihihiii" napatingin naman kami sa may hagdan nung may narinig kaming humahagikgik.
Si Mama mukhang batang kinikilig...
Tinignan ko naman si Papa, pailing iling na sumunod kay Mama pababa ng hagdan.
"Let's go people, we need our time together." nagpatiuna na si Ipa papuntang garahe upang kunin yung kotse, si Ima? Kininilig padin, tinignan ko si Kuya.
nakatingin din ys sakin na may halong pagtataka sa mata. Pareho kami ng iniisip at pareho lang din kaming nagkibit balikat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Miracle's PoV:
Sinasabi ko na nga ba! Buti nalang at ako ang unang nakakita ng antidote.
Patibong lang ang lahat, ang antidote ay may halong ibang kemikal kung kaya't hindi ito maaaring panglunas sa lason.
Ang pinagawa ko ngayon sa mga taga lab ay tanggalin ang kemikal na nakahalo upang maging mabisa muli ang antidote. Kung bakit ba naman kasi lintik yang facless leader nila!
Naglakad na ko palabas ng laboratoryo, pupunta pa ko sa Chain Dragon's Cave, Headquarters nila...
Kakausapin ko si King, Leader ng Chain Dragon. Madalas ko syang nakikitang nagbabasa ng libro, pero pag kailangan ko ng tulong, tinutulungan nya ko lalo na kapag tungkol sa kaibigan ko...
Mabait si King, kung tutuusin parang iisa lang ang layunin ng Xerevouz at Chain Dragon pero iba ang pamamalakad ni Boss at ni King.
Si Boss, sa totoo lang hindi pa namin sya nakikita dahil puro sina Zhy, Ree, Yzer at...... Drew ang laging kinakausap nya. Hindi nga namin alam kung anong klase syang tao pero ang pamamalakad nya ay magaling, maayos at pulido. Hindi sya gumagawa ng hakbang na hindi dapat o kaya nama'y makakasama sa Xerevouz. Hangga ako sa kanya, hindi nya gustong katakutan sya pero ang Xerevouz mismo ang kinakatakutan nila... Kung sino man si Boss, nagpapasalamat ako sa kanya at sana kahit isang beses, makita at makausap ko sya para personal ko syang pasalamatan.
أنت تقرأ
He's Nerd, I'm Not
عاطفيةCliche story. Nerd fell in love with a Gangster. Gangster likes other gangster. Nerd turned to be someone familiar. Other Gangster is in pain. Gangster to the rescue. Arrange Marriage Gangster to other Gangster. Nerd revenge. Mysterious Things. Uhhh...
