The Party

136 10 0
                                        

Zhairhyxe's POV:

Nasa kwarto ako ngayon, Nakalatag na sa kama yung dress na susuotin ko.
Long Gown ito na red. Buti nalang at pinalipad ko yung Kotse.
*FLASH BACK*
Pinaliwanag ni Felrone kung bakit sya masungit nung una. Hindi nya daw kasi ako kilala, pero nung ginamot nya daw ako gumaan na yung loob nya, Ahh. para syang bata kailangan inaamo pa. I've tamed him now... "Thank you nga pala ulit!!" Nakangiti kong sabi. "Haha, natatandaan mo ba nung huli, sabi ko last favor? Tinatangap ko na yung favor mo, basta magpagaling ka wag ka masyadong mag gagagala, baka lumala pa yang mga sugat mo"
Aww How sweet. "Hahaha, yeah right, nga pala eto yung utang ko!"
Kinuha ko yung wallet ko sa May Headboard. "Hey, No! Iba nalang kukunin ko, kaso sa susunod na kapag magaling kana" Tumawa pa sya ng mahina,
Tyaka nya pinaharurot yung kotse nya. Mukha na syang hindi Nerd, kaso lang yung look, I mean yung style nya kasi ano, alam mo na... Agad ko nang pinaharurot yung sasakyan. 10 Kilometers per hour na takbo ko. Buti nalang at walang sasakyan ng tanghali. Kanina nuknukan ako ng malas, ay kagabi pa pala. Pero buti nalang may mga heroes ako yung isa na laging Highblood at isang bipolar. Ohh diba hahaha, lakas makaganda ng eye bugs ng mga lalaking yun. Pero wait, di ko na naman na abot yung bracelet!! Pero ay, hindi ko muna ibabalik hanggang diko nalalaman yung sekreto nito.

*FLSHBCKNDS*

Kinulot ko na yung buhok ko tyaka nag make up, yung medyo makapal para hindi nila kami makilala, naglagay din ako ng nunal sa may upper lip ko tyaka right side ng eye. Mapanlinlang ang make up. The best disguise is when you change your face and clothing, your attitude will come along. It's like acting. Ano daw!?
Mahina nga ako sa English di ba, kaya ko nga kinuha si Felrone eh. Pumasok nako ng banyo dala ang Red gown, nagpalit na ako. Nakarinig ako ng mga halakhakan sa loob ng kwarto ko so I assume na nasa loob ang dalawang impakta, charr, si Amse at si Mira. Kanina pag dating ko mga mukha silang tanga, tanong nang tanong, hanggang sa kwinento ko ang nangyari, ala daw bang nangyari parang gusto yatang meron? Tss. Tapos biglang nagdrama si Amse, dapat daw sya na lang ang nandunnn, aba'y inagawan pako ng Fiancée, kaso sabi nya si Wade daw dadalin nya dun tas may kasama pang Sofa. Diko magets.
Hayss.
N E V E R M I N D.
D Y O S A P A D I N A K O.
H A H A H A H A H A H A H A.

Cute. Paglabas ko ng banyo nakita ko sila. Si Amse na naka black long gown, bagay naman sa kanya, dahil maputi sya at medyo katabaan, kaya humulma sa kanyang katawan ang gown, mukha syang sexy. Si Miracle naman naka white long gown. Nagmukha syang anghel, bagay sa kanya, bagay na bagay. Mukha siguro kong dragon nito. Hahaha. "Oh My Gosh!! IS THAT YOU?!" "You look so Stunning!" Sabi ni Mira. Hmm tinignan ko yung Chain Dragon na bracelet, bagay na bagay sya sa damit ko, red din kasi ito. Hahaha natawa naman ako kasi mukha akong Instik nito. Kong hei ta ba choi charr."Stop it, pinalalaki nyo ulo ko!" Naglakad ako paharap sa salamin. Woah!! Ako bayan?? Mukha akong ibang tao. Make up Magdadala nadin ako ng kutsilyo baka lang naman. Hahaha, Tyaka baril. Kahit gangster pa lang kami, nais ko at balak kong balang araw gagawin ko tong Mafia Org. "Mira, yung mga girls mo?" Tanong ko baka kasi magkulang kami. Hahaha just making it sure. "They are all excited". Sabi nya tyaka ngumiti.

Nakilala ko na yung limang girls. Si Nikkia, JM, Alexa, Louisa at si Tine. Computer freak si Nikkia so sakanya ang CCTV footage. Hacker. Si JM at Alexa naman ang look out, kaya sila Louisa at Tine ang bahala sa Info, kinda little flirt. Lumabas na kami ng kwarto at pumunta sa may parking space. Nanduon na silang lahat,
may kanya kanya kaming kotse para hindi halata. Inabot na din ni Amse sa amin ang mga Mask namin, kakulay ng gowns namin. Akin Red, kay Mira White, kay Amse black, kay Nikkia Blue, kay JM pink, kay Alexa Grey, kay Louisa Maroon at kay Tine naman ay Purple. Sumakay nako sa kotse ko. Time check 7:23PM. Kanina pa nagsimula ang party so walang makakapansin ng pagdating namin. Nauna na ko sa kanila kasunod ko si Amse at Mira, pagkapark ko sa may parking lot agad akong bumaba, mabilis lang ang byahe kasi malapit lang talaga, design lang yung kotse, wala namang invitation na ipapakita kaya, basta may mask ka at nakaformal papapasukin ka dahil ang nakakaalam lang ng party nato ay ang Uther.

Pagkapasok ko dumeretsyo ako sa counter, kumuha ng vodka, display lang. Kanina bago kami umalis inabutan kami ni Nikkia ng tig iisang earpiece at micro mic. Para daw magkausap usap kami kahit papaano. Micro mic na hugis ngipin, para syang Jacket na sa ngipin, kinabit namin sya sa wisdom tooth namin tapos yung Earpiece naman sa tenga malamang tyaka tinabingan ng Buhok. Di naman na halata kaya gora bells. Naaninang ng mata ko si Amse papunta malapit sa stage mukhang makikiisyoso sa bagong leader.

Si Mira naman pumunta ng CR.

Nakita ko na si Nikkia na papasok ng control room. Tyaka naman pumwesto si JM sa may pintuan. Si Alexa naman sa may Entrance, Si Louisa nakita ko kasama ang isang babaeng mukhang kinakaibigan nya, nice one. Tyaka si Tine na may kausap na lalaki, hmm lakas ng Appeal nya. Nakita kong sumenyas yung MC sa Coordinator niya, mukhang magsisimula na...

Manonood muna ko maaga pa naman. "Let's start the show" sabi ni Nikkia. Nag Dim na ang lights, at isang spotlight ang tinutok sa MC. Mukha lang syang pangkaraniwang event. "Ladies and gentlemen, Good Evening, Pleasure to be here in front of you, , may this evening-----bla bla bla" Hayss ang hirap intindihin Nagugutom nako. "One Lasagna please". Hahaha sorry guys, magbabawi ako ngayon. Kumain muna ko, saglit lang naman eh, sa gutom na gutom na ako eh. "Tss. Takaw talaga" sabi ni Amse, wow nakakajiya namn. Takaw daw ehh hindi naman ako kumain ng madami kanina yun lang binigay ni Felrone. Naubos ko na yung pagkain ko, sila naman ang ingay nila sa EP. Enge daw sabi ni Nikkia Hahaha.
Napahinto ako sa paginom nung may lumapit sa may counter, lalaki sya, naka all black. Yung maskara nya almost buong mukha na, pisngi at bibig lang ang wala, tumango lang sya sa bar tender tas inabutan na sya ng tequila, woah. Uso na pala ngayon ang tanguang paguusap. Agad naman syang umalis at may narinig lang akong isang salita. Tss. Daw. "Here he goes" Sabi ni JM. Napatingin ako sa may stage, papaakyat yung lalaki kanina sa counter. Omo?! Sya ba?!

"Para sa ating pormal na pagsasalin ng responsibilidad kay Falcon, all of us let's give him a round of applause" Nagpalakpakan na kami. Hinihintay ko syang magalis ng maskara. Ngunit wala yata syang balak. Kaya okay na yung pangalan.
Katawagan ang aming nalaman, Falcon?
Siguro ala na syang maisip na tawag? The Falcon and The Lion, kapag dumating na ang tamang panahon, pababagsakin kita, ako mismo ang pupulbos sa organisasyon nyo, kulang pa ang buhay nyo kapalit ng buhay nya. Malalaman mo din na ang Leon ang hari ng kagubatan. "Now" Pagkasabi ko non, agad na kong tumayo sa pagkakaupo tyaka naglakad papuntang CR. Char lang yung pupunta, deretsyo kasi ang daan papunta ng cr tyaka ng big door. Pumunta na sila Louisa at Tine sa may Guard, naririnig namin ang pangaakit ng dalawa sa guard. Mukha namang tumalab kasi sabi nila may kwarto daw na pwede silang puntahan, kung alam lang nila na kayang kaya silang patulugin nung dalawa. Lumabas nako ng CR. Nakita ko si Alexa na pumunta malapit sakin, look out. Pumunta na sila Amse at Mira sa lugar ko tyaka kami mabilis na pumasok ng Big door.
Hindi nila nilolock ang big door kasi sa pagkakatanda ko, takot makulong sa kwarto nuon si Luz, kaya walang lock ang pinto, baka sa bagong leader na ito, baguhin na nya lahat ng nakasanayan at maging mahirap ang pakikipag laban sa kanila. Wala kaming kahit na anong ingay na ginagawa Side by side ang halughog namin. kahit na anong bote hinahanap namin. Halos kalahating oras kaming naghahanap... "Negative" "Wala". sabi nila, kung wala dito nasaan?! Bakit ganun?? Dapat nandito lang yun! "He's a son of a bitch!!" Sabi ko, mahina lang kaya go na. "Escape Plan" lumabas na kami ng Big door, tyaka ko nagtungo ng CR. Bwisit bakit wala?!
Di kaya dala nya yun sa stage? Nauna nang umuwi sila JM, Alexa, at Tine. Ako lumabas na, nakita ko naman si Nikkia na kumakain sa may Counter, kasama si Louisa. "Mauuna na kami" Damn it. Kailangan ko pa ng Plan B. Shit tulungan nyo kong magisip!!!

He's Nerd, I'm NotWhere stories live. Discover now